Chapter 65

193 23 21
                                    

Kasabay ng pagkawala nya ang pagbukas ng lahat ng bintana at pinto. Yumuko kaming lahat ng mabasag ang mga bintanang salamin sa kwartong nasa harap namin.

Sa aming lahat ay ako ang unang nakapagreact. Kinabig ko si Jom nang hindi sya umalis sa harap ng pinto. Sinipa ko iyon at agad din naman itong bumukas.

Nilipitan ko ang nakaupo nang si Chloe. Hinawakan ko ang magkabilang braso nya at inalalayang tumayo. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin sya, nararamdaman ko rin ang panginginig nya sa parteng hawak ko.

Hindi ko nakita ang huling nangyari dahil umupo na din kaming lahat sa labas para proteksyunan ang mga sarili mula sa mga tumalsik at nabasag na salamin.

"Chloe.." Maingat kong inangat para alalayang tumayo. "W-wala na sya. Umalis na sya---"

Natigilan ako at napabitaw sa pagkakahawak sa kanya nang hilahin nya ko papalapit. Niyakap nya 'ko ng mahigpit.

Patuloy pa rin syang humihikbi, ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan nya.

Ngunit hindi ko magawang ikilos ni isa man sa mga kamay ko. Nanatili akong nakatayo sa harap nya at hinayaan na lang sya sa ginagawa.

"T-tulungan nyo ko.. Tulungan m-mo ko, Rein."

Bakit... b-bakit ako nanaman?

"Chloe!" Narinig ko na silang tumatakbo palapit.

Maingat kong hinawakan ang braso ni Chloe at marahang ibinaba para bitawan ako. Tumagilid ako sa kanya para harapin ang iba pa naming mga kasama.

"Rein.." Agad na lumapit sakin si Jin.

"Wala na ba talaga sya?" Kinakabahang tanong ni Jayne. "Baka mamaya, nagtatago lang pala tapos bigla na lang ulit susugod.."

"Kumalma na sya." Sagot ni Gray. "Hindi ang galit nya ang naramdaman ko nung si Chloe ang kausap nya."

"Nasasaktan sya." Tugon ni Kim.

Nilingon ko si Jom, nag aalala syang nakatingin lamang kay Chloe, hindi manlamng malapitan. Tumalim ang tingin ko sa leeg nyang ngayon ay bahagyang nangingitim na.

Hinarap ko si Gray. "Magpadala ka ng ice pack. Diretso tayo sa office ni Dean."

"Nurse and first aids too." Nilingon ko si Zhack sa kabilang gilid ko nang i-angat nya ang braso ko.

"H-hala.." Napatakip si Jayne sa kanyang bibig ng makita ang malaking salamin na nakabaon sa braso ko. Ngayon ko lang napansin iyon at sa tingin ko'y ito ang nakuha ko nang hampasin ko ang salamin kanina.

"Dumiretso na kaya tayo sa... c-clinic." Bumagal ang pananalita ni Alex nang hawakan ko ang salaming iyon at mabilis na hinugot.

"R-rein.."

Nabitawan ni Zhack ang braso ko.

"Papuntahin mo na lang yung Nurse sa office. Let's go." Nauna na kong naglakad palabas.

Alam kong hindi sila sumunod dahil bukod sa mga hakbang ko ay wala na kong naririnig pa. Pero hindi ko na rin naman sila nilingon dahil alam kong susunod din naman sila.

Mukang wala na ring tao sa lahat ng room dito sa building. Wala na rin ang dalawang taong hinulog kanina ni Chelsea sa ibaba.

Ang bilis naman nilang maglinis..

Nang makarating sa office ni Mommy ay dire-diretso kaming pumasok sa loob. Nasa likod ko na silang lahat. Bahagya pa syang nagulat sa bigla naming pagsulpot doon. Kumunot ang noo nya nang makita ang mga lagay namin.

"What happened to you?" Tumayo sya at lumapit sakin, ang paningin ay nasa braso ko. "What happened to all of you? Bakit ganyan ang leeg mo?" Kunot noong tanong nya kay Jom.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon