Chapter 56

185 17 3
                                    

Rein's POV.

"Hanggang saan ba ang aabutin nito?" Inip nang tanong ni Gray.

Kanina pa kami naghahanap at naglalakad, pero hindi pa rin namin nakikita si Chloe. Wala na rin kaming naririnig na galaw sa ibang bahagi ng gubat.

Pero imposible namang makalabas agad sya. Masyadong malayo ang dulo nito at sa pagkakaalam ko ay ilog na iyon. Diretso ito sa totoong gubat kung saan walang taong nakakapasok.

"Hindi ko alam. Pero ang alam ko ay malayo pa tayo.." Tugon ko.

"Ha?! Eh ang tagal tagal na natin dito. Sigurado ka bang may dulo 'to?"

"Sa pagkakatanda ko... wala." Si Jayne ang sumagot.

"Nakapunta ka na dito?" Tanong ko.

"Inabot kami dito ng halos isang linggo noon, noong subukan naming tumakas. Dito ang naisip naming daan pero kami lang din ang sumuko."

"Edi halos isang linggo din ang inabot nya pabalik? Saan kayo kumuha ng mga pagkain?" Tanong ni Jin ulit.

"Nagbaon kami. Mas madali ang pabalik dahil dirediretso lang. Pero inabot pa rin kami ng limang araw."

Kumunot ang noo ko ng may mapansing kakaiba sa dinadaanan namin. Huminto ako dahilan para mapahinto din ang aking mga kasama.

"Bakit?"

"Jin.." Tinawag ko si Jin nang hindi inaalis ang paningin sa isang punong nakita ko.

Alam kong matagal na kong hindi napupunta dito. Pero kilala ko ang lugar na 'to.

︎ ︎ ︎ ︎ ︎

︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎

︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎

︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎

"Kain muna tayo. Pagod na ko..." Nakangusong sabi ni Jin habang hinihingal.

"Sakto. Yun din yung sasabihin ko."

"Ayun!" Tumuro sya sa itaas. "Dahon ng saging! Doon na lang tayo kumain." Nakangiting sabi nya. Lumapit kami doon.

"Hindi ako kukuha nyan. Ikaw nagsuggest." Sabi ko ng makita ang punong puno ng langgam na nakapalibot dito.

"Makakagat ako.."

"Di'ba ikaw may gusto nyan?"

"Kaya ko namang umupo dito." Tinuro nya ang sahig. "Tsaka may paper plate din ako!"

"Kakain ka ng naka-paper plate dyan sa lapag?" Tanong ko. Puro dahon kasi yung nandito. May langgam pa yata.

"Eh ikaw? Kaya mong kumain dyan?"

"Hindi." Sagot ko.

"Hindi din naman pala eh. Hanap nalang muna tayo ng magandang pwesto."

Tumango na lang ako at sinundan sya. Lumiko kami ng daan dahil baka makakita kami doon ng maayos na lugar. Ilang minuto pa lang ang nalalakad namin nang may makita kaming isang higanteng putol na puno.

"Ay tanga!!" Napalingon si Jin sa akin ng mapabitaw ako sa pagkakakapit sa braso nya. "Hala.. tanga nga!" pinagtawanan pa 'ko ng loko.

Epal kasi 'tong ugat na 'to. Dito pa humarang. Napatid tuloy ako!

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon