Chapter 64

199 22 9
                                    

Nagising na lamang ako nang may marinig na kumakalasing mula sa labas. Gagalaw na sana ako nang maramdaman kong nasa tabi ko pa rin si Jom at ganoon pa rin ang kapit nya.

Hindi ako makagalaw dahil sa kanya. Hindi na rin naman sya ganoon kainit gaya ng kahapon.

Maya maya lamang ay bumukas na ang pinto.

"Pakilala mo ko next time ha. Daya mo.. Wala ka manlang sinasabihan kahit isa." Narinig ko ang boses ni Gray. Nasa totoong mundo na kami.

"Ihh.. Hindi naman na kasi kailangan pang sabihin yon. Tsaka hindi din naman ako sigurado.." Kay aga aga ay magkasama sila ni Jayne.

"Jayne.." Bulong ko, sapat lamang para marinig nya. Hindi naman maingay..

"M-may tumatawag ba?" Hindi ko sila nakikita pero mukang si Gray ang tinatanong nya.

"Nandito 'ko sa loob."

Pakiramdam ko'y nanghihina din ako. Kumakalam na ang sikmura ko dahil mula kahapon ay hindi pa ko kumakain.

"H-hala.. Hala, Gray. S-sino yon?"

Jusko. Hindi ba nya kilala ang boses ko?

"Shhh... Gaga, si Rein yon." Dinig ko namang sagot nung isa. "Rein, ikaw yan?! Nasaan ka?!"

Nasa loob nga. "Wag kang sumigaw. W-wag kang maingay.."

"Sa loob daw.. Tara."

Agad din naman nila kaming nakita dahil nasa gilid lang naman kami. Pumunta silang pareho sa harap ko. Pareho na din silang nakauniform at maliwanag na.

"Anong nangyari dyan? Bakit kayo nandito? Dito kayo natulog?" Sunod sunod na tanong sakin ni Gray.

"Hindi namin mabuksan ang p-pinto kahapon.." Halos bumulong na lamang ako. Natuyo na ang lalamunan ko.

"Huh? Bakit? Hindi naman sira ang pinto ah?" Nakakunot ang noong tanong ni Jayne.

"Dito, hindi.."

Dahan dahan akong gumalaw para alugin ng bahagya si Jom. Hindi na sya pwedeng magtagal pa rito. Ayaw nya dito.

"Anong nangyari dyan?" Nakaturong tanong ni Gray.

"May sakit yata." Yun na lamang ang isinagot ko. Masyadong marami pa kong ipapaliwanag kung sasabihin ko pa ang totoong dahilan.

"Jom, wake up.." Ipinatong ko ang ulo nya sa braso ko. "Makakabas na tayo. N-nabuksan na yung pinto."

Nakita ko ang dahan dahang pagbukas ng mga mata nya. Kukurap kurap syang tinignan ako at bumukit ulit. Bumalik sya sa pagkakasandal sa akin.

"W-wag mo 'kong iwan.. Wag mo n-na kong iiwan ha."

"Hindi kita iiwan.." Sinsirong tugon ko. "Pero sa ngayon ay kailangan na nating lumabas, Jom."

"Mmm.." Nakapikit lamang syang tumango.

Sinenyasan ko si Gray na pumunta sa kabilang gilid nya na agad din naman nyang ginawa. Inalalayan naming tumayo si Jom at inilabas.

"Ako na.." Kinuha ni Jayne ang pwesto ko. "Mukang hindi mo din kaya, Rein."

At dahil masakit na rin naman ang balikat ko ay pumayag na ko. Parehong nakaakbay sa kanila si Jom, pero kahit papaano ay lumalakad na din naman sya.

"Huy.." Mahinang tawag sakin ni Gray. Sinenyasan nya kong lumapit sa kanya. "Bakit ganyan yang itsura mo? Tignan mo yung labi mo oh. Ngiti ka nga.."

Tarantadong 'to. Nakita namang nanunuyo na, pangingitiin pa.

"Oh, sakto! Nice, nice.. Gandang timing.." Kumunot ang noo ko nang magsalita syang mag isa. "Kuya!"

Nilingon ko din ang direksyon kung saan sya nakatingin. Salubong ang dalawang kilay nyang palapit sa amin.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon