Chapter 46

229 18 9
                                    

Jom's POV.

"Ano bang ginawa mo kasi? Bakit nagkaganyan yan?" Tanong ulit sakin ni Kim.

"Wala nga 'kong ginawa! Takot yata yan sa madaming dugo eh.."

"Talaga? Pano mo naman nasabi?" Natatawang tanong ni Gray.

"Okay naman kasi sya nung hindi nya pa nakikita yung kamay nya eh.. Nung nakita na nya, bigla na lang hinimatay.."

Nag aalala kong tinignan si Kate habang nakahiga sya dito sa clinic. Simula nung nahimatay sya kahapon ay hindi pa sya nagkakamalay.

Nagkaroon din sya ng sinat dahil siguro doon sa pagpapaulan nya nung isang araw.

Hindi tuloy ako makaalis. Parang ayoko nang umalis at iwan syang ganito. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan!

"Eh bakit ba kase nasa gubat kayo? Akala ko ba susunod sya saming kumain? Tsaka bakit walang sumasagot sa tawag ko?" Nakasimangot na tanong ni Gray.

Hindi ako umalis sa tabi nya dahil gusto kong bantayan sya. Halos nablangko yata yung isip ko at naka-focus na lang sa kanya.

"Sinundan ko lang din sya sa gubat. Tapos nung nakita kong may pabagsak sa kanyang kutsilyo, doon nya lang ako nakita dahil tinulak ko sya para hindi tumama sa kanya yung kutsilyo." Pagkukwento ko.

"Kutsilyo?"

"Galing sa taas yung kutsilyo?" Seryosong tanong ni Zhack, narinig ko lang yung pangalan nya kanina.

"Oo, galing yon sa gilid pero alam kong sa taas din nanggaling yon. Hindi ko nga alam kung pano yon nangyari."

Hindi sya kumibo at nanatiling seryoso. Parang may malalim na iniisip.

"Isa lang ang kilala kong kayang gumawa nyan." Maya maya'y nagsalita ulit sya. "Pero bakit nandito nanaman sya?"

"Sino?" Takang tanong ko.

Hindi sya sumagot. Nakatitig lang sya kay Kate.

At ang nakakainis pa, hindi ko alam kung bakit gusto kong takluban ang buong katawan nya ng kumot dahil parang pinagpepyestahan sya ng langaw sa paningin ko!

Pinigilan ko ang sariling wag lumapit dahil baka magawa ko nga ang nasa isip ko.

"Paano na sya makakagawa nyan? Puro sugat yung parehong kamay nya.." Nakangusong ani Gray habang nakatingin sa kaibigan.

"Ano pa nga ba? Edi si Jom ang pagbantayin nyo. Sya naman ang may gawa nyan eh. Sya tumulak.." Pagbibintang sakin ni Sean.

"A-anong ako--- Kasalanan ko pa ba yon?! Buti nga sinundan ko pa sya eh! Kung hindi, edi magdadagdag pa tayo ng panibagong hahanapin!"

"Ako na ang magbabantay."

"Ako na!" Nabigla ako sa sinabi ko. "A-ako naman yung n-nagdala sa kanya dito eh.." Pagdadahilan ko.

Hindi ko mabawi ang sinabi ko dahil nakakahiya naman. Kung bakit ba naman kasi kinontra ko pa si Zhack? Sya na nga daw kasi!

Iniwasan ko ang mga tingin nila sakin at binaling na lang yon sa natutulog na si Kate.

Gumising ka na kasi dyan...

"May hahanapin pa tayo, diba?" Pag iiba ni Kim sa usapan. Unti unti nyang tinutak palabas ang mga kasama. "Kailangan pa nating hanapin si Aicon, hayaan na natin sila dyan. Kaya na ni Jom yan."

"Oo nga! Kaya na ni Jom yan!" Gatong ni Gray at tumulong na din manulak.

Hindi naalis ang paningin samin ni Zhack hanggang sa makarating sila sa pinto. Sinundan ko din naman sila ng tingin hanggang makalabas sila at makalayo.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon