VIVIAN ALEJANDRO
Nagising ako dahil sa mabangong amoy na naaamoy ko. Mabilis akong bumangon at dumiretso sa maliit na kusina ng kwartong tinuluyan namin.
Tumambad sa akin ang shirtless na naglulutong si Carlo!
Nakatalikod s'ya sa'kin kaya naman kitang kita ko ang built ng katawan n'ya sa likod.
Infairness to him, he has a well built body. Nag-ggym kaya ang isang 'to?
"Oh? Gising kana pala, kanina ka pa d'yan?" sambit nito matapos humarap at makita ako.
Mas napalunok ako ng makita ko ang dibdib n'ya.
Pak na pak na abs!
"Asan ang kape?" Wala sa sariling sambit ko.
"Kape? Pwede ba sa buntis ang kape?" inosenteng tanong nito, napailing ako at iniwas ang tingin sa dibdib n'ya at inis na tinignan s'ya.
"Pwede bang magsuot ka ng shirt?" nakasimangot na sabi ko bago naupo, "Aga-aga baka kabagin ka." dugtong ko pa.
"Psh! Ayaw mo bang makakita ng abs, hindi ba't mahilig kayong mga babae don?" Nakangising sambit nito bago inilapag yung mangkok na hawak n'ya sa harap ko.
"Excuse me, wag mong lahatin hindi ako kasama doon."
"Sabi mo e." mapang-asar pang sambit nito bago isinuot ang t-shirt n'yang nakapatong sa upuan, tapos ay naghain na s'ya ng pagkain sa mesa.
Halos mamilog naman ang mga mata ko ng makita ang chicken adobo na inihain n'ya.
One of my favorite!!!
"Kumain ka ng kumain, mamaya ay babiyahe na tayo." Sambit nito at nagsimula ng kumain.
Tumango nalang ako at naglagay na rin ng pagkain sa plato ko.
"Wow, ang sarap! Ikaw talaga ang nagluto nito?" Namamanghang tanong ko.
"May iba pa ba?" mayabang na sagot niya.
Psh! Napuri lang ee.
"Namalengke ako saglit d'yan sa labasan habang natutulog ka bumili na rin ako ng ticket ng bus para may siguradong sasakyan na tayo."
"Talaga? Pati ako ibinili mo?"
Kunot noo itong napatingin sa'kin, "Alangang di kita bilhan at iwan kita dito?"
Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Naks! Thank you so much, babayaran nalang kita kapag talagang nakauwi na ako at nakuha ko na ang pera ko."
"Sige lang. Paulit-ulit mo ng sinasabi 'yan. Awat na." nakasimangot na sagot n'ya bago muling sumubo, "S'ya nga pala, dahil walang direct na biyahe papuntang El Nido bababa ka pa ulit at sasakay ng ibang bus."
"No problem."
Tahimik naming tinapos ang pagkain namin. Matapos ay ako na ang naghugas ng mga pinggan habang naliligo s'ya. I maybe a spoiled brat but at least I know how to do washing dishes.
BINABASA MO ANG
Escaping My Soon To Be Husband [Completed]
ActionMeet Vivian Alejandro, she's set to marry Alex Mondragon - a guy she only sees as a friend. To put an end and to stop the marriage she came up with a crazy idea to escape from her future husband. Will she be able to escape? To run away? Will she be...