VIII

381 11 4
                                    

AN: Hello, I'm not good at writing fighting scenes. Please bear with me. Thank you, enjoy reading. :')

​                    VIVIAN ALEJANDRO

"Vivian!" nanlalaki ang matang napatingin ako kay Alex na syang may hawak hawak sa braso ko.

What the hell? Hanggang dito ba naman ay nahabol n'ya ako?

"Sumama ka sa'kin, pagod na pagod na ko kakahanap sa'yo." galit na sabi nito at hinila ako patayo.

Dahil sa lakas ng paghila nya'y halos masubsob ako sa dibdib n'ya. Kumunot ang noo nito ng mabaling ang tingin nito sa tyan ko. Oh shit!

"Hindi ka talaga totoong buntis?" galit na sigaw nito ulit. Hinila ko ang braso ko at matapang na hinarap s'ya.

There's no point on denying, nakita na rin naman n'ya.

"Oo! Hindi ako totoong buntis, masaya kana?" matapang na sigaw ko. "Ginawa ko lang yun dahil hindi kita mahal at ayokong pakasalan ka!" dagdag ko pa.

Kita ko ang galit sa mga mata nito ng magtama ang tingin naming dalawa.

"Manloloko ka!" nagulat ako ng iniangat nya ang kamay n'ya at sasampalin ako, napapikit ako at hinintay ang paglapat ng palad nya sa pisngi ko pero ilang segundo pa ang lumipas ay walang sampal na naramdaman ang pisngi ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang sinangga ni Carlo ang kamay ni Alex. Pareho silang masama ang tingin sa isa't-isa, para bang may kuryenteng dumaloy bigla sa pagitan nila at kapag pumagitna ako ay mangingisay ako at mamamatay.

Grrr! Scary.

"Pare, ang babae minamahal yan. Hindi sinasaktan!" maangas na sabi ni Carlo at pabatong inihagis ang kamay ni Alex.

"Gago ka pala eh, sino kaba? Problema naming mag-nobya to kaya wag kang makialam." sigaw ni Alex sa mismong mukha ni Carlo. Tinabig nya si Carlo at lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

Nobyo? Kailan ko pa s'ya naging nobyo! Ang kapal naman ng mukha nya para sabihin yon.

"Sasama ka sa'kin sa ayaw at sa gusto mo!"

"Sinabing ayaw ko nga!" marahas kong hinila ang kamay ko at sinampal s'ya. Dinig ko ang pagsinghap ng mga taong nasa paligid namin.

Hindi ko gustong gawin yun, nabigla lang talaga ako. Bumaling sa kanan ang mukha nya dahil sa pagkakasampal ko, ramdam ko pa ang sakit sa kamay ko dahil sa ginawa ko. Grabe, ang kapal kasi nya kaya ayan. Masyado akong nasaktan sa pag sampal sa kanya, letse!

"Just leave me alone, Alex. I made myself clear that I don't want to marry you so please just accept it, will you?" bumaling ako kay Carlo na nasa gilid ko, "Umalis na tayo."

Hinawakan ni Carlo ang kamay ko at hinila ako palabas ng karenderya, nasa may pinto na kami ng biglang pigilan kami ni Alex. Hinila nya si Carlo at biglang sinapak, hanggang sa nagsuntukan na silang dalawa.

Tutulong pa sana sa pagsuntok kay Carlo yung mga kaibigan nya pero agad ko silang pinigilan at pinagsusuntok.

Sipa dito, sipa doon. Suntok dito, suntok doon. I know how to fight, my Dad taught me how. Sinabi nya sakin na balang araw magagamit ko ang mga pang depensang itinuro nya sa'kin at ito na ang araw na yon.

Matapos kong mapatumba yung dalawang kaibigan ni Alex ay nakita ko silang nagsusuntukan ni Carlo. Pareho silang nakakatama sa isa't-isa.

Hindi ko na napigilang makisali sa kanila at pinaghahampas ng takip ng kaldero si Alex! Nasuntok s'ya ni Carlo sa mukha dahilan ng pagkatumba n'ya. Hindi agad nakabangon si Alex kaya naman hinila ko na si Carlo para tumakbo palayo sa lugar na yon. Nang makalayo na kami ilang metro mula sa karenderya ay si Carlo na ang humihila sakin at naglelead ng daan.

Escaping My Soon To Be Husband [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon