VIVIAN ALEJANDRO
Dahil nakatulog ako kaagad pagkauwi ko kagabi ay maaga din akong nagising ngayon. Hindi ko na inantay pang makauwi si Carlo kaya hindi ko alam kung anong oras na s'yang nakauwi galing sa pagkakahatid n'ya doon s'ya hipon n'yang kaibigan.Maganda ang gising ko today kaya hindi ko muna iisipin yung pagtataray n'ya sa'kin kagabi, the important thing is.... I'm waking up gorgeous than her. *insert evil laugh
Pagkalabas ko ay wala pang tao sa sala kaya naman nag-unat unat muna ako.
"Malamang sa malamang tulog pa silang lahat." pagtingin ko kasi sa orasan ay magsi-six palang ng umaga. Grabe ang aga ko nagising, I think this is my first time waking up this early. Kapag nasa bahay kasi ako usually I'm up at Eleven or 12 pinakamaagang gising ko na ang 10 if I need to go somewhere. No'ng nasa El Nido naman ako gano'n din ang gising ko lagi.It somehow feel nice to wake up this early in the morning. Tapos tilaok ng mga manok at huni ng mga ibon ang naririnig ko, it's so refreshing. Parang gusto ko nalang dito tumira at ayaw ko ng umuwi.
Nakadungaw lang ako sa may bintana sa sala ng maisipan kong pumunta sa kusina para magluto ng almusal..
But I don't think I can cook dahil walang ref dito sila Carlo wala akong pwedeng malutong mga frozen goods like hotdogs and ham cause that's the only food that I can cook.
Nagtingin tingin pa ako sa food container nila at napangiti ako ng makitang may isang tray ng itlog. The only problem is, I don't know how to make fire para makaluto. They don't have any gas stove at kahoy lang ang gamit nilang panluto.
Nakapamaywang na tinitigan ko nalang ang kalan baka sakaling umapoy sa sama ng tingin ko.
Isinalansan ko ng ayos yung mga kahoy at kinuha 'yung posporo sa gilid. But after many attempts, "ARGGHH! Bakit ba kasi ayaw mong umapoy? Anong dapat kong gawin sa'yo, ha?" pagkausap ko sa kahoy na ayaw dumingas. "Look, puro na ako dumi sa mukha pero di pa rin ako nakakaluto! Pano kaba aapoy, ha?" dagdag ko pa.
"Baka kapag sinagot ka ng mga kahoy na 'yan himatayin ka sa gulat."
Napalingon ako sa may pintuan dahil sa nagsalita, and there he is... Wearing his adorable smile looking at me.
Pero sa halip na matuwa sa ngiti n'ya ay naiinis ako ng maalala ko ang kaartehan n'ya kagabi.
"What are you smiling at?" kunwaring inis na sambit ko.
"Hindi kasi talaga madadaigan 'yan gamit lang ang posporo." maya maya'y sabi n'ya tsaka lumapit at kinuha ang posporo sa kamay ko. "Itong gaas ang ginagamit namin para madaling umapoy."
May kinuha s'yang isang maliit na container na may lamang something then binuhusan n'ya ng kaunti ung mga kahoy bago sindihan and viola. Umapoy na s'ya.
"Kita mo na?" nakangising sambit nito, nagyayabang.
Napanguso naman ako.
"Hirap sa inyong mayayaman, e. May katulong kasi kayo kaya hindi kayo marunong magluto."
"Hey, marunong akong magluto, no. Hindi lang ako marunong magpadaig sa kahoy. Tabi nga d'yan."
Hinugasan ko yung maliit na kawali bago ko kinuha ung itlog at nilagay sa mangkok para mashake ko. I badly want to eat sunny side up!
Kinuha ko yung mantika at nilagyan ko yung kawali.
I've waited for a minute para masigurado kong mainit na 'yung mantika bago ko nilagay yung itlog.
"Ouch!!"
"Okay ka lang?"
Napailing ako sa tanong n'ya dahil sa sakit ng tama ng mantika sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Escaping My Soon To Be Husband [Completed]
ActionMeet Vivian Alejandro, she's set to marry Alex Mondragon - a guy she only sees as a friend. To put an end and to stop the marriage she came up with a crazy idea to escape from her future husband. Will she be able to escape? To run away? Will she be...