VIVIAN ALEJANDRO"This is it." mahinang bulong ko sa sarili bago tumingin sa labas ng bintana. Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng kotse.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Naghalo halo ang mga emosyon ko, pero alam kong mas nangingibabaw ang tuwa sa puso ko.
Napangiti akong pinasadahan ng tingin ang aking sarili. Infairness sa akin ang ganda ganda ko. Heyy, wag na kayong umangal, this is my day pagbigyan nyo na ako.
For the second time, huminga ako ulit ng malalim bago dahan dahang umakyat sa hagdanan at huminto sa tapat ng nakasaradong pintuan.
This is it...my wedding day.
Parang nakaraan lang ayoko pang magpakasal dahil gusto ko pang eenjoy ang buhay ko ng single at free ako. But that change when I met this guy. Ngayon mas gusto ko ng eenjoy ang buhay ko ng kasama s'ya, I want to travel the world with him, I want him to be by my side when i'm collecting my favorite things. I want him to be there with me.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago marinig ang pagtugtog ng piano at kasabay non ay ang dahan dahang pagbukas ng malaking pintuan sa harap ko.
Kapag nakita ka, ako'y nahihiya kapag kausap ka, ako'y namumula
Sabi ng puso ko ako'y in-lab sa 'yo sana ay mahalin mo rin ako
Kapag kasama ka, wala ng pangamba nais kong sabihing minamahal kita
'Di sinasadya biglang nasabi mo sana ay mahalin mo rin akoNapangiti ako at dahan-dahang naglakad papasok ng simbahan, sinalubong ako ng malawak na ngiti ng mga tao. Ang iba sa kanila ay familiar, ang iba ay kilala ko sa mukha pero di sa pangalan. Maybe they are my Dad and Moms friends.
I smiled back at them.
Dahan dahan akong naglakad habang sinasabayan ang ritmo ng kanta. Ang unang kantang kinanta nya na diko namamalayang magiging theme song namin. Gusto kong namnamin ang mga sandaling ito habang papalapit ako sa taong makakasama ko habang buhay.
Hindi ko maiwasang hindi mas mapangiti ng maalala ang mga nangyari, matapos naming tumakbo palabas sa simbahan ay bumalik kami sa probinsya nila Carlo para ipaalam sa pamilya n'yang gusto na naming ikasal kami, about Ruziel? She really cried ng malaman n'yang magpapakasal kami but thankfully natanggap n'ya na ring bestfriend na lang talaga ang turing sa kanya ni Carlo. Pagkatapos naman ay bumalik na kami sa Puerto Princesa para magpaalam sa mga magulang ko.
Punong puno kami ng kaba ng mga oras na yon, pero sobrang saya ko ng pagdating ko sa bahay ay salubungin ako ng yakap nina Mommy at Daddy. Pumayag na rin silang maikasal ako kay Carlo at doon sila sa ikasasaya ko. Isa ang mga araw na yon sa pinaka masyang pangyayari sa buhay ko.
Nakausap ko na rin si Alex at humingi nga sorry. Mas lalong napuno ng saya ang puso ko ng pumayag sya at sinabing doon sya sa ikasasaya ko.
Muli akong napatingin sa paligid at ngumiti. This time, hindi na pilit na ngiti ang isinusukli ko kundi totoo at sincere na. Masayang masaya ako at wala ng mahihiling pa.
Kay sarap pala ng ibigin mo para bang ulap ang nilalakaran ko
Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo nagsasabing mahal mo rin ako.
O bakit ba? tayo'y nagkatagpo?
Wala na sanang wakas ang pag-ibig nating ito sana'y
Wala ng wakas
Marami mang hadlang ang dumating sa isipan mo sana ay mahalin mo pa rin akoNapangiti ako, wala na talaga itong wakas. Itatali na kami sa isa't-isa haha.
Nakatayo s'ya sa harap ng altar, suot-suot n'ya ang nakakasilaw nyang mga ngiti. Nagsusumigaw sa kagwapuhan ang kanyang tindig. He's the most handsome man in my eyes. Hindi man magsalita ang mga labi n'ya, nagsisigaw naman sa saya ang mga mata n'ya. Mga mata nyang nagsasabing ako ang pinaka magandang nakita n'ya haha...
BINABASA MO ANG
Escaping My Soon To Be Husband [Completed]
ActionMeet Vivian Alejandro, she's set to marry Alex Mondragon - a guy she only sees as a friend. To put an end and to stop the marriage she came up with a crazy idea to escape from her future husband. Will she be able to escape? To run away? Will she be...