VIVIAN ALEJANDRO
When I come up with this plan I already prepare myself sa posibleng mangyayari.
Like masampal ako ni Dad. Sigaw-sigawan ni Alex.
Surprises were all over their faces when I uttered the magic words. Kasabay non ay tinanggal ko sa pagkakabutones ang jacket ko, at ipinakita ang umbok sa tiyan ko.
Mas napasinghap pa sila dahil sa nakita. Tinitigan ko si Alex sa mga mata, iba-ibang emosyon ang dumadaan sa mga mata n'ya. Pagkagulat, galit, sakit at pagtatanong.
"I'm sorry, I can't marry you." Buong loob na dagdag ko pa.
Ilang minuto pa ang lumipas, walang emosyong nakatitig lang siya sa tiyan ko..
Bigla akong kinabahan.
Shocks!! Tumabingi kaya? Ghadddd!! Baka naman nahalata n'yang fake? Come on, Alex. Speak up!!
Napakapit ako ng mahigpit sa jacket ko ng dahan-dahang tumingin s'ya sa'kin bago s'ya magsalita.
"L-let's call off the wedding." Walang emosyong sabi n'ya tapos ay walang sali-salita ng naglakad papalabas ng bahay. Sinundan ko pa s'ya ng tingin hanggang makalabas s'ya ng pintuan. Narinig na lang namin ang pag-andar ng kotse n'ya papalayo. Para namang natauhan ang mga kaibigan n'ya at nagmamadaling nagpaalam at sumunod palabas.
Gusto kong tumalon sa saya ora-mismo at magsi-sigaw ng "My plan worked, I am free." But I can't do that right here, right now. Magmumukhang gustong gusto ko ang nangyari at baka isipin pa ni Dad na plinano ko ang nangyari. Which is I don't want to happen.
"Sino ang ama ng dinadala mo?" Lumingon ako kay Dad, bakas ang pagkadismaya sa mukha at boses n'ya. Sorry Dad, but I just can't do what you wanted.
"Someone I know from EL Nido."
"Hindi ko akalaing magagawa mo ang ganitong bagay. I'm so disappointed in you Vivian. Mag-uusap tayo mamaya!" Matigas ang sabi nito tapos ay tinalikuran ako. Masakit para sa aking malaman na na-disappoint ko ang Daddy ko. Gayunpaman, nakahinga ako ng maluwag. Akala ko sasampalin pa ako ni Dad or sisigawan or whatsoever.
Humarap ako kay Mom at ipinakita ang lungkot sa mga mata ko. "I'm sorry Mommy." Hindi ko rin po kayo gustong lokohin. Gusto kong idagdag ang mga salitang 'yan pero hindi pa ito ang tamang oras para roon.
Naluluha siyang lumapit sakin at niyakap ako. "I don't know what to say anak. I want to ask you so many questions."
"I understand, Mom,but can you let me take some rest? I'm so tired." I tried to sound like I'm really exhausted.
"Sige na, magpahinga kana. Mag-uusap tayo mamaya. You have a lot of things to explain."
Tumango ako at muling niyakap si Mommy. "Thanks Mom." pagkakalas ko sa pagka-kayakap sa kanya ay lumingon ako kay Acy na nakatayo lang sa isang gilid. Tumango ako sa kanya at lumapit s'ya sa'kin.
"Sasamahan ko lang po si Vivian sa kwarto n'ya, Tita." Sabi nito kay Mommy, tumango lang si Mommy at hinayaan kaming umakyat ni Acy.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng kwarto at ng masiguro ko na nakalock na ang pinto at tsaka ako nagtatalon sa tuwa.
Huwag n'yong isipin na hindi ako naguguilty dahil naguguilty talaga ako. Pero syempre at the same time masaya ako at magiging malaya na ako sa kasalang magaganap.
"Ano kaba Viv, baka marinig ka nila."
"Haler, sound proof 'tong kwarto kaya wala kang dapat ipag-alala. Oh my ghad! I really can't believe that I am free." Walang mapag lagyang tuwa na sambit ko kay Acy at niyakap s'ya. "My plan worked." dagdag ko pa bago humiwalay sa yakap.
BINABASA MO ANG
Escaping My Soon To Be Husband [Completed]
ActieMeet Vivian Alejandro, she's set to marry Alex Mondragon - a guy she only sees as a friend. To put an end and to stop the marriage she came up with a crazy idea to escape from her future husband. Will she be able to escape? To run away? Will she be...