Chapter 13

18 2 0
                                    

Hindi ako sumabay ngayon sa Walter brothers dahil may balak akong daanan bago pumasok sa school.

Simula nung malayo ako sa family ko wala na akong balita kung asan na si kuya,asan na si bunso,saan na si mama.Habang nilalandas ko yung daan pauwi sa bahay parang bumabalik pa sa ala-ala ko nung mga bata kaming nag lalaro sa kalsada..

Napahinto ako nung nasa tapat na ako ng dati naming bahay.Ang balak ko sana dadaan lang ako dito pero namalayan ko nalang na nasa tapat na ako ng pinto at kumakatok.

Pag bukas ng pinto isang matandang ale ang bumungad sakin. "Sino ho sila?"

Dumungaw muna ako sa loob ng bahay bago ako bumaling sakanya. "Sino po kayo? Bahay po kasi ito ng–"

"Ah...Yung dating nakatira dito umalis na.Namatay na ang mabisyo niyang asawa tapos nakapag asawa siya ng kano.Alam ko kasama niya na sa abroad yung dalawang anak niya na lalaki kasi yung babae daw biglang nag laho."

Tulo lang ng tulo yung luha ko habang naka sakay ako sa jeep.Wala akong pake kung pagtinginan nila ako ang mahalaga nilalabas ko yung sama ng loob ko.

"Anong tinitingnan niyo?" umiiyak kong sabi habang nakatingin sakanila. "Ngayon lang ba kayo nakakita ng umiiyak?" Bigla silang nag iwas ng tingin sakin.

Hindi narin ako nakapasok sa school. Hindi ako pwedeng humarap na ganto yung itsura ko.Mukha na akong uhuging unggoy.

Nakaupo lang ako sa parke habang nanonood sa mga pamilyang masayang nag dadaan sa harap ko habang namamasyal.

Ilang beses narin tumunog yung cp ko pero diko pinapansin.Siguro hihinto lang yan pag naubos narin yung luha ko.

"Mama!...." Hindi ko napigilang humagulgol sa tapat ng mamang sorbetero.

"Seryoso ba siya?" tanong ng batang bumibili ng ice cream sa sorbetero.

"Ewan.Baka pang tiktok lang yan."

Mga hayop nato! Mag uusap nalang sa harap ko pa.

Nag simba ako bago umuwi sa bahay. Siniguro kong wala nang luha yung mata ko kaso lang madungis parin
yung uniform ko.Nag suot rin ako ng shade.

Pagpasok ko sa loob kumpleto sila sa sala habang nakaupo sa sofa maliban kay Nashe.Para silang may reunion don.

"Where have you been?" unang tanong ni Stephen na mukhang sincere. "We're worried about you."

"Wala..." pumiyok pa yung boses ko. "Nag mall lang ako." Buti naman malinis na yung boses ko sa huli.

Marami pa sana silang gustong itanong kaso lang iniwan ko na agad sila sa sala.Pag pasok ko sa loob naabutan ko si Nashe.

Hindi na kinaya ng mata ko kaya sabay-sabay na nag bagsakan ang mga luha ko habang patakbo ako sakanya.

Yumakap ako sa dibdib niya at doon ko binuhos lahat ng iyak ko.Nadama ko yung pagyakap niya sakin habang hinihimas ng isang kamay niya yung buhok ko.

"Baby....shh..Ok lang kahit dimo sabihin."

Eto ang unang pagkakataon na ako ang humingi ng affection mula sakanya.Napaka init ng yakap sa feeling niya.

Simula nung umuwi ako ng time nayun alam kong alam nila na hindi ako ok,pero wala ni isa sakanilang nag pumulit sakin na mag kwento ako.

"Bye na guys!" Nakatayo si Shawn sa tapat ng kotse habang si Terrence nasa driver seat. "Next time I'll be back Im with Ludus."

"Si Ludus yung expected namin na darating.Thankful ako na ikaw yung dumating," sabi ni Harry.

"The hell....kung aalis ka umalis kana," sabi ni Nashe. "Im sleepy.And do we have to be completed here? He's going,anyway." Tumalikod na si Nashe saka naunang pumasok.

Im The Maid of Walter BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon