Kanina pa ako di makababa dahil sa dami ng bisita plus etong si Nashe napaka clingy.Gusto niyang matulog dinadamay pako,hindi nalang siya matulog mag isa kailangan kasama pa ako.
"Ano ba!" sita ko sakanya habang naka yakap siya sa leeg ko at ginawa niya pang patungan ng baba niya yung ulo ko. "Kulit mo."
"I didn't do anything!" depensa niya sakin.
Kumalas ako sa yakap niya saka ko dinampot yung suit niya na naka kalat sa kama ko.Bakit niya ba dito tinatambak gamit niya? Pati nga toothbrush niya nasa cr na ng kwarto ko.
"Mag bihis kana." Inabot ko sakanya yung susuotin niya sa party.
"Suot mo sakin," utos niya.Umupo siya sa kama ko habang nakatingin sakin.
"Hindi." Pinandilatan ko siya. Nagsisimula nanaman siyang maging demanding sakin.
Bakit kaya ganyan? Dati naman napaka dependent niya,ayaw niya pa nga na pinapakailaman siya tapos ngayon naman pati pagbihis ako pa gagawa.Kahit pag tulog niya dinadamay ako.
Naka simangot siyang humiga sa kama ko. "Bahal ka.Hindi ako lalabas sa kwarto."
"Bahala ka jan." Tinarayan ko siya. "Kausapin mo yung first year pag punta niya dito." Iniwan ko na siya sa kwarto.
Hindi naman kasing ganda ng suot nila yung suot ko tamang white shirt lang ako na may design sa harap.
Punong-puno ng tao sa living room habang yung mata ko naman sumasakit dahil sa light bulb disco. Sa labas naman nag gi-grill banda sa pool si Harry at Abe.
Wala yatang tahimik na lugar dito maliban sa second floor.Pumunta ako banda sa gate kung saan naka tambay si Terrence.Ayaw niya kasi na may maka pasok na outsider kaya mamaya sasara niya na yung gate.
"Terrence,may nakita ka bang first year student? Cute siya-"
"Are we talking about you?" seryosong tanong niya habang nakatingin ng deretso sakin.Naka black long sleeve shirt siya,black din yung slacks niya hanggang sa leather shoes.
Mukha siyang superior sa bawat kilos niya pati narin sa ayos at expression. Hindi mo talaga iisipin na galing siya sa mahirap na pamilya dahil sa pinong kilos niya.
"Hindi.Nag invite kasi ako."
"My bad.I thought we were talking about you.Mukha ka kasing first year na cute." Halata sa boses niya na hindi siya nag bibiro.Nag blush tuloy yung cheeks ko.
"It suits you." May hawak siya notebook sa kanang kamay niya habang deretsong naka tayo. "By the way,may nakita akong mga first year na pumasok sa loob.They might be Amada's visitor."
Nagpasalamat ako sakanya bago pumasok sa loob.Hinanap ko agad sa mga dessert table si Amada.Tama nga ang hula ko matapos kong mapahinto sa tapat ng cake and cupcakes.
Panong hindi siya tumataba kahit mahilig siya sa sweets? Parang nilalaklak niya lang yung mga cupcakes na akala mo tubig.
Tiningnan ko yung paligid niya.Isang babaeng may ribbon sa ulo yung nakita ko.Siya yun walang duda.
Nakipag siksikan ako sa mga crowd hanggang sa maka lapit ako sakanya. Nagulat pa siya nung makita niya ako.
"Hi," sabi niya.Naka high heels at blue fitted dress na knee length siya.
"Tara." Hinawakan ko siya sa kaliwang kamay.Na manage naman niyang maka sundo sakin ng walang kadapa-dapa.Mukhang sanay na siya sa high heels.
Naka white shirt lang ako,sa baba ko naman naka blue jeans lang ako at dolly shoes na black.
BINABASA MO ANG
Im The Maid of Walter Brothers
RandomIsa lang si Hera sa mga taong nagtangkang magpakamatay pero nabigyan ng pagkakataon para mabuhay.Napadpad siya sa isang pamilyang may pitong nag ga-gwapuhang magkakapatid.Paano mo pakikisamahan ang pitong gwapong magkakapatid kung ang bawat isa saka...