Masaya kami pero pagod naman kami tapos uuwi na daw ng bansa yung may-ari neto kaya kailangan na naming umupa ni Nashe sa ibang lugar.Hindi ko na alam kung hanggang kelan pa kami tatagal.
"Nashe." Umupo ako sa tabi ni Nashe habang nag se cellphone siya. "Hindi mo paba na mi-miss yung family mo?"
Mabilis niyang binitawan yung phone niya saka tumingin ng masama sakin. "What are you pointing out?"
"Wal-"
"Meron.You want me to go home because you dont love me anymore!"
Madalas talaga kaming nagtatalo pag yun ang tanong ko. "Baka lang kasi nahihirapan kana sakin."
"I told you,Im ok."
Kinuha ko yung bag niya saka ko tiningnan yung mga home work niya.Maayos niyang nagawa lahat kaya pati ako nagulat.
"Pano mo natapos lahat to?" Sa pagkakaalam ko tamad si Nashe.
"Im using my brain," walang ganang sabi niya sabay hawak ulit sa phone niya.
Iniwan ko na muna siya at ako naman ang nag focus sa assignment ko. Mahiya naman ako kung ako pa yung bumagsak saming dalawa.
"Baby midget,pasok nako sa work." Lumapit siya sakin sabay halik sa pisnge ko. "I love you,bye."
"Bye."
Naka tayo lang siya sa harap ko habang naniningkit ang mata sakin.
"Ano?!"
"You didn't say I love you too.Don't you love me anymore? Maayos naman home work ko." Ngumuso pa siya sakin. "I even don't remember when was the last time I sleep."
Binitawan ko yung ballpen ko saka ako yumakap sa tiyan niya.Dun lang kasi ako umabot,hehehe.
"Sorry na baby ko." Napansin kong namula yung pisnge niya kaya lalo ko pa siyang binaby. "Pagod kaba baby? Gusto mo pag luto kita mamaya ng masarap?"
"Baby moko? bakit dimo ako
pinapa dede?" pilyong sabi nito
kaya nasuntok ko siya sa sikmura habang siya patawa-tawa lang.Medyo maaga siyang pumasok sa trabaho ngayon.Ako mamaya pang gabi.
Sa loob ng isang oras natapos ko rin yung assignment ko bale may 2 hours nalang ako para matulog.Di na ako nag abalang ayusin yung mga gamit ko basta nalang ako pumikit.
Ting!
Napilitan akong damputin yung phone ko.May nag pa-add pala sakin. Nung nag stalk ako sa profile niya wala akong napala kundi puro picture ng flowers at mga lugar sa Paris.
Parang sobrang lakas ng tibok ng puso ko nung naka tanggap ako ng message mula sakanya.Nag pakilala siyang si mama kaya kahit diko pa na a-accept umiiyak nako.
Mabilis kong ina-accept sabay call ko. Hindi nga ako mapakali,kasi gusto ko marinig boses niya
"Saan kana ba? Hinanap kita kaso lang hindi kita mahanap," nag aalala yung tinig ni mama sa kabilang linya.
"Mama...." Hindi na ako nakapag salita kaka-iyak ko sa cp.
"Saan kaba kasi nag punta? Bigla ka nalang nag layas."
Huminga ako ng malalim saka ko kinuwento kay mama lahat ng nangyari sakin.Wala akong tinirang sekreto dahil ganon ako kay mama.
"Wow! Grabe gusto ko makilala boyfriend mo!!" Kinikilig si mama sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Im The Maid of Walter Brothers
RandomIsa lang si Hera sa mga taong nagtangkang magpakamatay pero nabigyan ng pagkakataon para mabuhay.Napadpad siya sa isang pamilyang may pitong nag ga-gwapuhang magkakapatid.Paano mo pakikisamahan ang pitong gwapong magkakapatid kung ang bawat isa saka...