Hindi naman ganon karami yung bisita nila at halos yung pamilya at close friend lang din nila pero yung event ginanap sa malayong lugar kaya inabot pa kami ng seven hours plus traffic bago nakarating sa rest house nila sa Laguna.
Pagbaba namin hinintay muna namin si Melanie mag retouch bago tumuloy sa loob dahil nahihiya daw siya sa itsura niya.
"Give me a hand you bad doctor!"
At hanggang dito nag aaway parin si Amada at Megan.Hindi ko nga expected na magiging close sila ng ganito.
Pagtapak ko palang sa loob ng bahay may biglang nag balik agad na ala-ala sakin nung pumunta kami sa isang rest house nila.
Napausog ako sa gilid matapos akong mabangga ng isang matipunong katawan na dumaan sa likod ko. Nilingon ko ito para pagsabihan kaso biglang dumating si Melanie sa likod ko kaya pinabayaan ko nalang.Siguro bisita ni Stephen.
May iba pang dumating na mga kotse sa harap.Natanaw ko si Lando na walang ka kibo-kibo nung pumasok sa loob.Yung ibang babaeng bisita halos magtanga-tangahan mabangga lang siya.
Nakita kong papunta siya sa gawi namin.Naku baka ma issue kami hanggang dito!
Kumaway siya sa dereksyon namin saka lumapit.Sinubukan kong lumayo sakanila kaso lang naalala kong naka kapit pala sa braso ko si Melanie.
"Hi girls." Umakbay siya sakin kaya nadala narin ako sa lakad nila. "Try natin yung hot tub nila dito,may massaging jets daw yung hot tub dito. What a relief,hindi ako nag travel all the way here just for nothing."
Bigla siyang nahinto sa pagdaldal saka biglang nag blush.Sabay kaming tumingin sa tinitingnan niya at maging ako napahinto nung makita ko si Terrence.Medyo nahiya ako at hindi ko alam kung pano haharap.
"Basta mamaya sabay tayong mag hot tub,doon lang muna ako kay papa de asukal ko," may halong kilig na sabi nito.
Kinurot ni Melanie sa braso si Lando. "Lalaki ka,gaga! Bat kami sasabay sayo sa hot tub."
Tinarayan lang siya ni Lando bago sumunod kay Terrence kaya natawa nalang si Melanie tapos iniwan din ako nung makita si Stephen.
Grabe iniwan ako ng mga friends ko tapos si Megan naman may Amada na.
Nagulat ako nung lapitan ako ni Sucy saka nag beso sakin na parang super close kami kaya nag beso nalang din ako para hindi naman rude.
"Oh! Hera,Im glad you came.Sabay na tayo wala kasi yung fiance ko." Lumingon-lingo pa siya para hanapin sa paligid pero nung wala talaga sabay nalang kami.
Naghanda daw yung chef nila ng pagkain dahil daw sa haba ng biyahe.Papasok palang sana ako
nung hawakan ako ng maigi ni
Sucy sa braso."Mamaya na tayo pumasok para satin ang attention ng ibang guest."
Kagaya ng dati mahilig talaga siya
sa mga fitted na dress.Bagay naman sakanya yung kulay na blue pati
narin mas lalo pa siyang tumangkad tingnan dahil sa high heels na suot niya.Ako naman naka suot lang ako ng usual na sinusuot ko sa work.Naka white shirt lang ako na naka tucked in sa fitted kong jeans.Magtatagal lang daw kami ng two days kaya pumayag ako.
Nung wala na kaming makitang pumapasok saka na kami sabay na pumasok.Pormal lang akong mag lakad habang si Sucy naman parang model na rumarampa papasok sa loob ng dining area.
Thirty kaming lahat na bisita at si Harry lang ang kulang sa pamilya. Nakita ko ang mag asawang Walter
sa loob pati narin yung parents ni Harry at Terrence.Habang hinahanapan ko ng bakanteng upuan ang sarili ko napansin kong napabulong si Abe
kay Nashe dahilan ng pagawi ng tingin nito samin saka ito biglang napaubo ng iniinom nitong wine. Halo-halong reaksyon ang nakita ko sa bisita pero hindi ko malilimutan ang itsura ni Mrs.Walter na parang tinakasan ng kulay ngunit mabilis ding nakabawi.
BINABASA MO ANG
Im The Maid of Walter Brothers
RandomIsa lang si Hera sa mga taong nagtangkang magpakamatay pero nabigyan ng pagkakataon para mabuhay.Napadpad siya sa isang pamilyang may pitong nag ga-gwapuhang magkakapatid.Paano mo pakikisamahan ang pitong gwapong magkakapatid kung ang bawat isa saka...