"Gigising din siya,konting pray nalang."
Someones crying beside me while holding my hand,I guess its my mom. I can hear them,every visitor.Some of them told me our story in the past which is I don't remember but maybe when I wake up I will recognize them.
"I brought you some flowers.I know you don't really like flowers but lavender is good for health and also it is violet.Hope you will remember my brother in a good way and if not please just don't remember him."
This familiar voice who always take a visit every morning.I don't know him but I really like his presence in my room.He always have this soothing presence in my room.
May iba rin akong nagiging bisita na bihira lang talaga akong bisitahin dito.Sometimes every year,every month,and etc.Minsan iniisp ko kung anong naging papel ko sa buhay nila nung nakasama nila ako.Naging mabait ba ako sakanila? Sila ba yung mga clients ko sa work? I really don't have any Idea.
"Her pinky is moving! Call the doctor."
Sa una nahirapan akong buksan ang mga mata ko dahil sa liwanag.Nag adjust muna ang mata ko hanggang sa unti-unti na akong nasanay.Mga puting bagay ang nakikita ko sa paligid.Halos puti lahat ng dingding at pati yung suot ng doctor pero may isang naiibang kulay sa lahat.
"Sinong may dala nito?" Nakaturo ako sa lavender na bulaklak na nakalagay sa side table.
"Dinala ng kapatid mo yan," sagot sakin ni mama.
Yung mga bagay na narinig ko nung panahong tulog ako ay hindi ko na maalala pero alam kong may naririnig ako that time.
Hindi nila ako gaanong nakausap dahil kailangan ko daw ng pahinga sabi ng doctor ko.Maybe nasa labas sila pinag-uusapan ang kondisyon ko, kung mamamatay ako sana sabihin agad nila para handa na ako.
Sumandal ako sa unan ko saka tumanaw sa bintana.Sobrang ganda ng mundo para maiwan ko ka agad.
After a few days na discharge na ako pero wala nang dumating na bisita. Iniisip ko kung bakit walang na ku-kwento sakin si mama tungkol sa mga naging bisita ko dati,ang palagi niyang sinasabi sila-sila lang daw ang bisita ko.Pag nagtatanong ako kung ano ang buhay ko bago ako mapunta sa ospital laging saka na.
Medyo hindi ako pamilyar sa lahat ng gamit ko sa kwarto,yung feeling na ngayon lang ako nakarating dito,pero siguro nga dahil wala talaga akong maalala kaya ganon.
Nagpalit ako ng phone dahil pati yata password ko diko maalala.Si mama at yung dalawang kapatid ko palang ang kilala ko sa ngayon.
Tuwing hapon nagpupunta ako sa book cafe para mapamilyar sa buong lugar at sa tuwing nakakakita ako ng maraming libro parang may gusto akong maalala na hindi ko maalala.
Sinubukan kong abutin yung libro sa taas pero hindi ko magawa kaya lumapit ako doon sa lalaking nagbabasa ng libro.Madalas siyang nandito at palagi lang siyang nakatayo sa spot niya.
"Pwede bang mag patulong?" nahihiyang tanong ko dito dahil baka nakakaabala ako.
Dahan-dahan niya lang binaba ang libro niya saka tumingin sakin. "What do you need?" nakataas ang isang kilay nito sakin.
"Hindi ko kasi abot yung isa sa taas," napatingin ako sa damit niya na may name tag. "Terrence?" basa ko dito. "Employee ka dito?"
"Im the owner," sabay talikod niya sakin kaya napanguso ako.Mabilis niya lang naabot yung libro saka pinatong sa ulo ko.
Kinuha ko yung libro sa ulo ko saka ako muling nanggulo sakanya. "Paano ka napunta dito? Share ka naman." Parang palagay ang loob ko sakanya kahit ngayon ko lang siya nakilala.
BINABASA MO ANG
Im The Maid of Walter Brothers
AcakIsa lang si Hera sa mga taong nagtangkang magpakamatay pero nabigyan ng pagkakataon para mabuhay.Napadpad siya sa isang pamilyang may pitong nag ga-gwapuhang magkakapatid.Paano mo pakikisamahan ang pitong gwapong magkakapatid kung ang bawat isa saka...