Kabanata 6

108K 2.7K 1.3K
                                    

ASAWA

"Saan kaya iyan namamalagi?"

"Oo, tatlong araw na siyang kumakain dito at tumatambay. Ginanahan tuloy akong magtrabaho. Teka, maganda na ba ako?"

Umiling ako at lumayo na sa dalawang kasamahan na nagtitilian dahil naka-display na naman ang pagmumukha ni Harry dito. Hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa niya rito. Suot niya ay simpleng black t-shirt at cargo pants. Naka-shades pa siya kaya mas lalo siyang gumwapo. Ang kanyang puwesto ay nakaharap sa puwesto ng counter at nakasimsim sa tasa na kape na hawak niya.

Hindi ko siya maintindihan. Nagpapasalamat ako na hindi niya ako ginugulo at ang anak ko, pero narito naman siya. Hindi ako assumera, pero tingin ko ay ako ang pakay niya rito. May plano pa yata siyang ihatid ako noong nakaraan ngunit hindi ko hinayaan.

Bakit kung makaasta siya ay parang walang nangyari sa amin? Like he never hurt me before. Siguro ang feelings ng tao mawawala kung maghihiwalay, ngunit ang nakaraan, hindi. At ang past, hindi na magbabago.

Bakit pa siya nandito? Hindi niya ba na-miss ang girlfriend niya? Or girlfriend pa ba niya si Ella? I haven't heard about them simula nang lumayo ako at wala rin akong balak makibalita no'n dahil baka masaktan lang ako. Siguro sila pa. Balak nga nilang kunin sa akin ang anak ko, hindi ba?

Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa. Maya-maya ay kinalabit ako ni Erika at may itinuro.

"Ang manliligaw mo!" nakangusong niyang sambit sabay singhap.

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinambit at tiningnan ang kanyang itinuro. Umawang ang labi ko nang nakita ko si Oliver na naka polo shirt at ripped jeans. Hindi ko maiwasan ang kabahan lalo na't narito si Harry na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.

"Hi, Oliver!" malanding tawag ni Erika sabay kaway.

Nagliwanag ang mukha ni Oliver nang nakita ako. Agad siyang tumakbo palapit ngunit hindi pa man siya nakaabot ay nagsinghapan na lamang kami nang biglang nadapa si Oliver sa sahig at nauna pa ang mukha niya kaya siguro sobrang sakit no'n.

"Oops!" si Harry sabay baba ng kanyang shades. Ngumisi siya. "Sorry, I didn't mean to block your way."

Kumunot ang noo ko at tingin ko ay sinadya niya iyon. Mabilis na tumayo si Oliver habang nakangiwi. Nilingon niya si Harry na ngayon ay nakataas lang ang kilay.

"Bro, sorry!" si Oliver.

Bigla akong nairita dahil si Oliver pa ang nag-sorry kahit wala naman siyang kasalanan. Sinamaan ko ng tingin si Harry bago ko nilapitan si Oliver na iniinda na ang sakit. Hinawakan ko ang braso ni Oliver na siyang ikinagulat niya. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagdapo ng tingin ni Harry sa kamay kong nakahawak sa braso ni Oliver pero binalewala ko lang iyon.

"Gagamutin ko iyang kaunting pasa mo," ani ko sabay angat ng tingin kay Oliver.

Napangiwi ako at nag-iwas ng tingin nang nakitang nagngiting aso na siya sa akin. Na para bang nasiyahan siya sa sinabi ko.

"Uy! Kinikilig si Oliver!" panunukso ng mga kasamahan ko. "Fafa na fafa ang datingan kaya sagutin mo na iyan, Bea, para may kompletong family na si Amer!"

Nanlamig ako sa narinig. Oo, alam ng mga kasamahan ko na may anak ako at single, pero hindi naman nila kailangang iboses iyon lalo na't narito ang totoong ama ni Amer. Nang binalingan ko si Harry, wala na siya sa mood at kita ko kung paano nagngitngit ang kanyang ngipin. Napakurap-kurap ako at saka nag-iwas na lamang ng tingin. Huminga ako nang malalim bago hinila si Oliver patungo sa stock room namin.

***

"Ouch!" daing ni Oliver nang dumapo sa panga niya ang cold compress na hawak ko. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty at mairita kay Harry.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon