Kabanata 10

97.5K 2.1K 722
                                    

DRIVER

"Mama, nakakuha ako ng three stars!" salubong sa akin ni Amer nang matapos ang kanilang klase. Inangat niya ang kanyang tatlong daliri at malaki ang ngiti ang iginawad niya sa akin.

Napangiti ako at kinurot ang pisngi ng anak ko sabay halik doon.

"Masaya ako para sa iyo, anak," ani ko sabay ngiti.

Pero nawala ang ngiti ng anak ko nang nakita niya kung sino ang kasama ko. Kinabahan ako at umayos ng tayo. Hindi ko pa nasabi kay Amer ang tungkol dito at sa totoo lang, wala pa talaga akong plano dahil hindi pa ako handa. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot din ako sa mga mangyayari.

"Ma, bakit po siya nandito ulit?" At tinuro niya si Harry na ngayon ay nagulantang sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagturo ni Amer sa kanya.

Hindi ko talaga mabasa ang lalaking ito. Bukod sa magugulatin, paiba-iba rin ang ugali. Hindi ko alam kung ano at saan ang totoo.

"Ah..." Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-isip ng paraan kung ano ang dapat isagot sa kanya. Napalunok ako habang ang tingin ko ay nasa anak ko na may pagtataka pa rin sa mukha.

"Mama, sasakay po tayo sa kotse niya?" inosenteng tanong ng anak ko.

Umawang ang labi ko at mahinang napasinghap. "Anak..."

Yumuko ako at saka hinawakan ang kanyang magkabilang-balikat. Iniwas ko ang tingin ko kay Harry na ngayon ay nasa amin na ang tingin. Hindi ko gusto ang gagawin ko pero iyon muna kasi hindi pa ako handa.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang anak ko na ngayon ay naghihintay sa aking sasabihin.

"S-Siya ang d-driver natin..." Kinapos ako ng hininga matapos sabihin iyon. Napapikit pa dahil sa bayolenteng reaksyon ni Harry.

"W-What?" Parang kulog ang kanyang boses, hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

Napalunok ako nang nakita ko na nagliwanag ang mukha ng anak ko. "Talaga, Ma? Mayaman po tayo?"

Umiling ako at kinagat muli ang labi. Hindi ko na nilingon si Harry dahil tingin ko ay galit ito dahil sa sinabi ko sa anak ko. Hindi ko pa talaga kayang sabihin. Mahirap para sa akin. Ang selfish ko sa part na ito pero masisisi niyo ba ako? Masama ba na isipin ko ang sarili?

Umayos ako ng tayo at saka bumuga ng hangin. Hindi na ako makatingin kay Harry dahil sa ginawa ko. Pero naisip ko, na tama lang din itong ginawa ko para din maghirap siya. Hindi naging madali para sa akin. Naalala ko na gusto niyang ipalaglag ang anak ko pero ngayon ay gusto niya nang makilala. Hindi ba sila gumawa ng baby ni Ella bago sila naghiwalay? O naghiwalay ba talaga sila? O baka naman nagsisinungaling lang siya sa akin para paniwalain ako?

Tumikhim ako. "Sasama ka ba sa work, anak?"

"Puwede ba, Mama?" maligayang tanong pabalik ni Amer.

Tumango ako. "Basta behave ka lang para hindi magalit ang may-ari."

"Opo!"

Nilingon ko si Harry na ngayon ay lukot na ang mukha. Napairap ako ngunit hindi ko maipagkaila na kinabahan ako.

Huminga ako nang malalim at saka buong tapang na nilingon si Harry na ngayon ay salubong na ang kilay.

"S-Sasakay kami sa kotse mo..." Shit kapal mo, Bea.

"Of course!" may diin sa kanyang sinabi sabay igting ng kanyang panga. "I am your fucking driver..." Halos bulong na iyon at nagpapasalamat ako na hindi ito narinig ni Amer.

Ngayon lang naman siya magiging driver dahil hindi na mauulit. Ayoko rin magkautang na loob sa kanya at naghihintay pa talaga ako ng tamang panahon para makilala at malaman ni Amer ang tungkol sa ama niya.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon