Kabanata 14

79K 2K 146
                                    

VIP

Isang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay nandito pa rin si Harry. Hindi ko alam kung bakit pa siya narito, eh, alam naman ng anak ko na siya ang ama. Hindi ko naman siya puwedeng paalisin lalo na't nag-e-enjoy naman ang anak ko sa kanya.

Naiilang pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ako sanay na ganito siya. Sanay ako na saktan niya, balewalain, o hindi kaya sigawan. The calm and smiling Harry is something new to me at hindi ko alam kung hanggang kailan ang ganitong ugali niya.

Palagi kong itinatak sa utak ko na hindi mabuting tao si Harry. Masakit siya magsalita at wala siyang pakiramdam sa damdamin ng iba.

Hinayaan ko na lang siya na gawin ang gusto niya. Pinagbigyan ko siya na makilala ang anak ko dahil anak niya rin naman ito. Pero hanggang doon lang iyon. Hindi ko masikmura ang sinabi niya na asawa niya pa rin ako. Parang noon lang, napilitan lang siya at hindi siya naging asawa sa akin.

Limang taon na ang nakalipas at tanging inis na lang ang naramdaman ko. Wala na ang sparks. Wala na ang excitement na naramdaman ko noon.

Kung gusto niya ay ang makabawi sa anak ko, pagbibigyan ko. Ngunit ang alukin ako na sumama sa kanya pabalik? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Mama, dito na lang si Papa, Ma!"

Natigilan ako sa paghuhugas ng pinggan nang narinig kong nagsalita ang anak ko na nasa gilid ko na.

Nasa may lababo ako at halos mabasa ako sa tubig sa bigla niyang pagsulpot. Nang nilingon ko siya ay yakap-yakap na niya ang kanyang laruan habang nakangusong nakatingin sa akin.

Sinara ko ang gripo at saka siya tiningnan.

"Anak..." Napalunok ako at nagtagal ang tingin sa anak ko na may pagsusumamo sa kanyang mata.

Bakit niya naitanong? Gusto niya na dito na titira si Harry?

"Mama, hindi po ba kapag ang Mama at Papa ay nagsasama? Bakit po kayo ay hindi?" malungkot niyang tanong sa akin at yumuko.

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya at napasinghap. Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Mahirap para sa akin. Ako na itong lumayo, eh. Bakit ko patitirahin ang lalaking katulad niya? Hindi ko na alam kung ano ang totoong plano niya. Kung talagang gusto niyang makita ang anak ko. Bakit hindi siya nagpunta rito noon pa man? Bakit kailangang limang taon pa? Hindi ba?

Nang ibinalik ko ang tingin ko kay Amer ay nakatingin na muli siya sa akin, naghihintay sa sagot ko.

"Anak, tatapusin ko muna ito. Sasabihin ko sa iyo soon, anak," mahina kong sinabi at hinalikan siya sa noo.

Malungkot na tumango ang anak ko at saka umalis. Nanlumo ako habang pinagmamasdan siya. Bagsak ang balikat at nakayuko.

Ayaw ako na magkaroon ng koneksyon kay Harry, at kung meron man, hanggang para kay Amer na lang. Wala na akong balak na bigyan siya ng pansin dahil unang-una sa lahat, siya naman ang nanakit at hindi ako.

"Bea..."

Napatalon ako sa gulat nang bigla kong narinig ang boses ni Harry. Inis ko siyang nilingon at agad nanlaki ang mata ko nang nakita ko siyang naka-topless. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"H-Hoy!" sita ko at halos sumandal sa lababo, makaiwas lang ng tingin. "M-Magbihis ka nga!"

Uminit ang pisngi ko sa hiya dahil sa pagkautal ko.

"Sorry." He chuckled. "I just want to ask about the faucet."

Kinalma ko ang sarili ko bago ako umayos ng tayo at saka siya binalingan. Sinikap ko na hindi tingnan ang kanyang magandang katawan. Sinalubong ko ang aking kilay at tiningnan siya.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon