Kabanata 35

59.4K 1.6K 493
                                    

 IN LOVE

Simula nang hinayaan ko si Harry at pinagbigyan ng pagkakataon, naobserbahan ko ang pagbabago niya.

"Son, kaya naman pala gusto mo rito! Talaga namang maganda ang probinsya," sambit ni Tita Fely habang nagkakape sa sala.

Isang linggo na sila rito at namamasyal lagi si Tita Fely kasama si Manang at ang kanyang bodyguard. Hindi ko akalain na magugustuhan niya rito.

Sariwa naman kasi sa pasyalan ang probinsya lalo na't may preskong hangin at magagandang tanawin.

"Siguro kapag babalik ako rito, bibili ako ng lupa so we can build a rest house," aniya at nakita ko ang biglang paglungkot niya. "Sayang at hindi man lang nakapunta ang Daddy mo rito. Sigurado ako na magugustuhan niyang manirahan sa probinsya."

Unti-unti kong inilapag ang meryenda sa lamesa.

"Elena is not here?" tanong ni Tita Fely sabay angat ng tingin sa akin. "Hindi ko siya nakita. Bahay niya ito, 'di ba?"

Tumango ako at umatras na. Si Amer ay nasa tabi ni Harry, naglalaro ng phone samantalang si Harry ay nakatingin sa akin.

"Do you always wear shorts when you're at home?" Tinaasan niya ako ng kilay. "It's too tight."

Kumunot ang noo ko at binalingan siya. "Oo, bakit? May problema ka ba sa short ko?"

Umigting ang panga niya at inilagay niya ang kanyang daliri sa kanyang panga. "I am just asking. Sobrang ikli, Bea."

Umirap ako at hindi na siya pinansin.

"Nasa Manila po si Tiya Elena, Tita Fely. Baka sa susunod na linggo, uuwi na iyon dito," sagot ko.

Kumunot ang noo ni Tita at ibinaba ang tasa. "Tita?"

Natigilan ako.  "Po?"

"Why are you calling me Tita?" nagtatakang tanong niya at binalingan si Harry. "You are my son's wife. You should call me Mommy."

Nag-init ang pisngi ko.

"Hindi pa rin ba kayo nagkabalikan? Akala ko ay gumagawa na kayo ng baby?" sunod-sunod na tanong ni Tita Fely na ikinalaki ng mata ko.

Tumikhim si Harry at lumapit sa Ina niya na ngayon ay litong-lito na. Inilibo ko ang pisngi ko at unti-unting tumalikod sa hiya.

"Mom, stop that!"

"Why, son? Ang sabi mo, you are planning to get her pregnant!"

Namilog ang mata ko at napasinghap. Unti-unti kong binalingan si Harry na ngayon ay nataranta nang lumapit sa akin.

"Bea, that's not it!" agad niyang sambit at umiling-iling.

Hindi agad ako nakasagot. Hindi pa rin umalis sa utak ko ang narinig ko kay Tita Fely.

May plano siyang buntisin ako? Para saan? Para magdusa ako ulit?

Nanginig ang kamay ko na ngayon ay nakakuyom na. Sumikip ang dibdib ko sa naisip. Hinarangan ako ni Harry nang nakita niyang humakbang ako paalis ng sala.

"Bea..." Kita ko ang pagsusumamo niya.

"Harry, I should go outside first..." Awkward na tumawa si Tita Fely. "I'm so sorry, Hija. Please forgive my son."

Mariin kong kinagat ang aking labi at hindi ko alam kung ano ang dapat i-react ko sa narinig.

"Bea..."

Padabog kong ibinigay sa kanya ang pinggan at tinulak siya. Napaatras siya dahil sa ginawa ko at dumiretso ako sa kwarto.

Hindi ako makapaniwala. Kaya ba siya nanghingi ng chance sa akin? Kasi bubuntisin niya ako? At ano pagkatapos? Kukunin niya ang anak sa akin at iwan ako? Kasi hindi niya makuha sa akin si Amer?

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon