Kabanata 33

56.3K 1.5K 340
                                    

LATE DINNER

"Let's dance," anyaya ni Harry nang matapos kaming kumain.

Paunti-unti kong iniinom ang red wine habang sinasabi niya iyon. Hindi ako marunong sumayaw at mas lalong nakakahiya dahil maraming tao.

"H-Hindi ako marunong sumayaw," ani ko sabay baba sa wine glass.

Tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin. "I will teach you. You will just have to sway your body. Feel the music."

Naibaba ko ang tingin ko sa kamay niya. Huminga ako nang malalim bago ko tinanggap at hinawakan ang kamay niya. Ngumisi siya at hinila ako patayo.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ako marunong sumayaw at wala sa pangarap ko na maisayaw ni Harry Salazar.

Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ko kaya nang makarating na kami sa gitna ay mahinang tumawa si Harry.

"Why are you laughing?" Sinamaan ko siya ng tingin.

Umangat ang gilid ng labi niya at medyo marahas na pinulupot ang isa niyang kamay sa bewang ko at inilapit sa kanya.

Napasinghap ako dahil sa kanyang ginawa. Ang kanyang mapupungay na mata ay nakatuon na sa akin. Iginiya niya ang kamay ko at ilagay sa kanyang magkabilang-balikat at ang kanyang kamay naman ay nasa aking bewang.

Nang magtama ang aming tingin ay nagulat ako nang ngumiti siya sa akin. Ang kanyang ngiti ay nakakadala at ramdam na ramdam ko ang genuine sa mga ngiti niya. Parang dati lang, pinangarap ko na ngitian ni Harry. Pangarap ko na lingunin niya ako. At ngayong nandito na siya sa harap ko, sinasayaw ako habang nakangiti. Baka sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Halos hindi ko mailagay ang kamay ko sa balikat niya at nag-iwas pa ako ng tingin.

"Tsk! Don't be shy," aniya at unti-unting sumayaw, sinabayan ang tugtog ng violin.

"H-Hindi nga kasi ako marunong sumayaw," sabi ko at kinagat ang ibabang labi.

He chuckled and leaned closer to me. Namula ako lalo nang naramdaman ko ang kanyang hininga sa tainga ko.

"Then I will teach you tonight," he huskily said. "Let's enjoy this night, shall we?"

Napalunok ako at napasampa sa dibdib niya dahil sa hiya. Narinig ko ang kanyang pagsinghap dahil siguro sa gulat ngunit hinayaan niya akong nakasampa sa dibdib niya.

Sinabayan namin ang tugtog ng violin. Pinakiramdam ko ito at pumikit. Dinig na dinig ko ang puso ko. Alam ko na tumitibok ito nang mabilis dahil sa lalaking kasama ko ngayon.

Namilog ang mata ko nang bigla niyang hinalikan ang leeg ko kaya napalayo ako sa kanya. Kitang-kita ko ang pananabik sa kanyang mata habang nakatingin na sa labi ko. Kumalabog nang mabilis ang puso ko dahil sa kanyang nakakalusaw na tingin.

"H-Harry..."

"C-Can I kiss you?" tanong niya sabay lunok.

Umawang ang labi ko at nangatog ang binti ko dahil sa kanyang tanong. Seryoso na ang kanyang mukha at puno na ng pananabik ang mga mata. Sobrang lapit namin sa isa't isa habang hinihintay niya ang aking sagot.

"Harry..." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Para akong nawindang nang hinaplos niya ang bewang ko pababa. Napalunok ako dahil sa kanyang ginawa.

"Harry," sambit ko ulit sa kanyang pangalan.

Mas lalo akong napalunok nang marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

"Let's go," seryoso niyang sambit at hinawakan ang kamay ko sabay hila palabas ng restaurant.

Mabilis na kumalabog ang puso ko habang hinihila niya ako palabas. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kamay namin.

"S-Saan tayo pupunta? Uuwi na ba tayo?" sunod-sunod ko na tanong nang papatungo kami sa madilim na parking lot.

Hindi niya ako sinagot kaya tumahimik na lang ako. Siguro ay uuwi na kami. Gabi na at baka hinahanap na ako ng anak ko. Kahit alam ko na naroon si Tita Fely, hindi pa rin ako mapapanatag.

Nang makarating kami sa kotse niya ay nagulat ako nang sinandal niya ako sa kotse niya. Nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa. Hindi pa man ako nakapagsalita ay bigla niyang sinampa ang kanyang magkabilang kamay sa kotse.

"Harry..."

Pungay na pungay na ang kanyang mga mata.

"I am craving for a new dish tonight," he huskily said and leaned closer to me. Ang kanyang mata ay nasa labi ko na nakatingin.

He licked his lips and then he looked at me. Bigla akong nanghina dahil sa kanyang tingin. Walang katao-tao rito sa parking lot at nasisiguro ko na pareho na kami ng iniisip ni Harry ngayon.

Bago pa man ako makapagsalita ay siniil na niya ako ng kanyang mapanabik na halik.

Nailagay ko ang kamay ko sa kanyang balikat nang sinimulan niya akong halikan. Sinuklian ko ang kanyang mainit na halik at kasabay ng pagpikit ko ay ang pagbaba ng isang kamay niya patungo sa binti ko.

Napasinghap ako. Halos maipit na ako sa kotse dahil sa kanyang marahas na halik. Pumasok ang kanyang kamay sa dress ko. Napadaing ako nang umabot sa gitna ng hita ko ang kamay niya at marahang hinaplos ito. Humigpit ang kapit ko sa kanyang balikat dahil sa kanyang ginawa.

Ang kanyang mga halik ay umabot sa pisngi ko, pababa sa aking leeg habang hinahaplos niya pa rin ang maselang parte ko.

"Harry," tawag ko ngunit naging ungol iyon dahil mas bumilis ang kanyang paghaplos.

May tela pa naman na nakabalot ngunit ramdam ko na ang pamamasa ko dahil lang sa kanyang paghaplos.

Napatingala ako at mahinang napaungol dahil sa nakakalunod niyang halik. Ni hindi namin pareho naisip na nasa parking lot kami. May makakita sa amin dito.

"Hmm..."

"Ahh!" Naitulak ko siya nang malakas nang kinagat niya ang leeg ko.

Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa at lumayo sa akin. Kita ko ang saya sa kanyang mukha at ako naman ay hiyang-hiya na lalo na't nasa gitna ko pa rin ang isang kamay niya, patuloy pa rin sa paghagod.

"Ahh..." Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sarili sa pag-ungol.

"Ang ingay mo pala..." Ngumisi siya at itinigil ang kanyang paghagod. Binuksan niya ang backseat at saka tinulak niya ako papasok.

"Harry..."

"I am hungry, Bea. Let me have my late dinner," aniya at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Napaatras ako nang sinarado niya ang pinto ng kotse. Umupo siya sa tabi ko at napaiwas ako ng tingin nang hinubad niya ang kanyang pang-ibabaw na damit.

Shit! Gagawin ba namin iyon? Hindi ko na alam kung ano ang pakiramdam na mag-gano'n.

At dito pa sa kotse? Halos hindi na ako makahinga nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Bea..."

Nanginginig na lumingon ako sa kanya. Namilog ang mata ko at agad nag-iwas ng tingin nang nakita ko na nakahubad na talaga siya.

Nanginginig ang labi ko sa tensyon at ang isang kamay ko ay humigpit ang kapit sa laylayan ng damit ko.

Nakita ko na tinapik niya ang hita niya. "Sit here, Bea..."

Napasinghap ako at agad siyang binalingan. "H-Huh?"

Naibaba ko ang tingin ko sa hita niya. Napalunok ako nang may nakita akong umbok.

Ano 'yan?

"Tsk..." Umusog siya palapit sa akin at walang paalam na binuhat ako.

"Hala!"

Napahawak ako sa kanyang balikat. Hindi na ako makatingin sa kanya nang tuluyan na akong nakaupo sa hita niya. Mariin na kinagat ko ang labi ko at halos hindi na ako makahinga lalo na't pinasadahan ng ilong niya ang pisngi ko.

"Harry, a-ano..."

"I want you, Bea..." At bago pa man ako makapagprotesta ay hinawakan niya ang baba ko sabay siil ng halik sa akin.

Napapikit ako at tuluyan nang bumigay sa kanya.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon