Ikalimang Kabanata: Bahagi III

170 21 0
                                    

KALUASAM


Nararapat lamang na ang maramdaman ko ay kaligayahan. 


Nagpahayag na ang aking Ama ng kanyang tunay na katauhan at siya mismo ang nagsabi na iaalis niya na ang aming barangay sa kalagayan ng pagiging mersenaryo.


Datapwat ng tawagin niya ang ngalan ni Hiraya upang iluklok bilang opisyal na Paham ng barangay ay biglang bumagsak sa akin ang realisasyon na ang susunod na hakbang ng barangay ay malawakang pakikidigma at pagpapalawig ng aming nasasakupan.


Maraming dadanak na dugo.


Nag-aalala ako para sa aming barangay. Ang pagiging Paham ay kinakailangan ng hustong katalinuhan, matibay na kalooban, at dedikasyon. Mayroon lamang mga Paham sa malalaking bayan dahil bibihira ang mga nag-aaral ng husto sa mga liblib na barangay.


Ano kaya ang laman ng isip ng aking Ama ng pinili niya si Hiraya para dito?


Pinagmasdan ko ng palihim ang babaeng nakaupo sa aking harapan. Magmula sa entablado sa pulungan hanggang sa balay namin ay hawak niya na ang kanyang sulatan at panulat. Hindi ko na mabilang ang beses na hinila niya ang kanyang buhok at ginulo-gulo ito.


Kasalukuyan kaming naghahapunan kasama ang mga pinakatatanging miyembro ng barangay. Ang pinunong panday, ang pamilya ni Panginoong Humahon, ang Katalonan at ilang natatanging mandirigma, at ang mga pinakamatandang bahagi ng barangay.


Okupado ang lahat ng inimbitahan ni Ama sa pagkain ng hapunan at selebrasyon. Ang ingay ng pagbati at tawanan ay laganap sa silid at tanging si Hiraya na siyang dapat isa sa mga pinakanagsasaya ang nakakunot ang noo at abala sa pagbulong sa kanyang sarili.


Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.


Ang orihinal na usapan naming tatlo nila Hiraya at ng aking Ama ay ipagpapasabukas ang talakayan ukol sa kung paano namin isasakatuparan ang pagbabalik ng aking ama sa trono, ngunit matapos mailuklok ni Hiraya bilang Paham ng aking Ama ay agad niyang inabiso na ngayong gabi din mismo ay magsimula na ang talakayan.


Hindi ko lubos maisip na imumungkahi niya agad ang isang talakayan gayung kakaluklok niya pa lamang. Hindi ba't dapat ay naghanda muna siya ng mga plano?


"Alam mo Kaluasam, kapag hindi mo tinigil ang katitig sakin matutunaw na ako." Saad niya sa mahinang boses nang sa gayon ay ako lamang ang nakakarinig. Nakatutok pa din siya sa pagsusulat ng kakaibang mga letra.


"Pinatawag mo ang lahat ngayong gabi para magtipon pero hindi ka pa nagsasalita magmula kanina. Ikaw ang Paham. Hindi mo dapat hintayin na tawagin ka ng aking Ama upang magsalita ka." sagot ko sa kanya.


"Wait ka lang kasi mahina ang kalaban patapos na ako----"


Weyt?


Ibinaba niya ang kalatas na hawak niya at malakas niyang pinagdikit ang kanyang dalawang palad.

Paham-DayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon