Ikasampung Kabanata: Bahagi I

97 11 4
                                    

Dayang Sikat


"Sikat, ikaw kanina pa tulala. Ikaw ano isip?"


Dumampi ang mga labi ni Digan saking kamay at napangiti ako sa aking sarili. 

Liningon ko ang aking asawa na nasa aking tabi. Nakasuot pa siya ng kanyang puting pantulog at nakaladlad pa ang kanyang mahaba at tuwid na tuwid na buhok.


Pagkatapos niyang halikan ang aking kamay ay bumalik siya sa  pag-inom ng kanyang tsaa.


 Sampung taon na kaming kasal subalit hindi pa rin nagmamaliw ang kanyang kalambingan.


 Tunay na pinalad ako sa aking asawa. 


"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi pa rin bumabalik sakin si Hiraya upang humingi ng paumanhin"


"Marahil sinta ay---"


"Hindi magandang tulugan ang sampa. Gusto ko siyang makausap at isa pa hindi ako panatag na ang Ginoong malaking-malaki niyang pinaglilingkuran ay hindi naman ganoon ka--"


"Sinta"


Hinawakan muli ni Digan ang aking kamay at napahinto ako sa aking pagsasalita. 


"----Tingin ko , tayo ata ang dapat hingi ng paumanhin"


Tulad sa madaming pagkakataon ay nakangiti sakin si Digan kaya kahit gusto ko siyang buhusan ng tsaa dahil sa kanyang mungkahi na humingi ako ng paumanhin ay hindi ko magawa.


"Paumanhin sinta, subalit hindi ako hihingi ng tawad" 


Ginamit ko ang aking malambing at malumanay na boses upang itago ang aking pagkairita sa sitwasyon. 


Sampung taon kaming hindi nagkita ni Hiraya, hindi niya man lang ba siya nangulila sa akin kahit papaano?


"Sige sabihin natin totoo hindi mayaman Ginoong Kaluasam, pero ikaw dapat hingi pa din paumanhin"


"Ha?!"


Lalong tumindi ang aking pagkayamot ng muling banggitin ni Digan ang salitang pinakayaw kong ginagawa. Hindi ko na napigilan ang malakas at malalim kong boses na kumawala sa akin. Tinawanan lamang ni Digan ang aking reaksyon at pagkatapos ay hinaplos niya ang aking ulo. 


"Ikaw singil sampung ginto sa kasama nilang naiwan, ikaw buntong galit sa kasama nila dahil akala mo babalik Hiraya para awayin ka. Tama ba?"


Nakangiti nanaman siya sa akin at hindi ko mapigilan ang aking kalooban na umapaw na parang tubig sa isang lalagyan. 


"Digan hindi ko naman siya gustong bumalik o ano pa man. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw niyang makipag-usap sakin habang kumakain ng mga masasarap na pagkain at nagpapalitan ng mga opinyon sa mga bagay-bagay"

Paham-DayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon