Ikasampung Kabanata: Bahagi VI

105 11 10
                                    

Agape


Nagkamali ako ng husga kay Dayang Sikat.


Sa kanilang dalawa ni Datu Digan, si Datu Digan ang inasahan kong tutulong sa amin. Si Datu Digan ay palangiti, masayahin, at magaan ang aura. Hindi siya nahihiyang ipakita kung gaano siya nagigiliw sa amin ni Kaluasam. 


Samantala, dala ni Dayang Sikat  ang aura ng isang typical richkid na sobrang out of touch sa reality at walang pakialam sa mundo. 


Ramdam ko na hindi pantay ang pagtingin niya sa kanyang sarili at sa kanyang mga alipin. Minaliit niya si Kaluasam sa aking harapan at walang habas niyang binato sakin ang kanyang salapi ng wala man lang pag-iingat. 


Kaya naman anong gulat ko ng mapagtantong hinabol niya kami upang tulungan sa aming nais na pigilin ang nagbabadyang kaguluhan. Binigyan niya kami ng imbitasyon sa hari,  kalabaw, salapi, at pati ang kanyang personal na alipin ay ipinagkaloob niya samin.


"ATE SIKAT! MARAMING SALAMAT!"


Ahhh, nakakahiya ambabaw ng luha ko. 


Pinunaspunasan ko ang aking teary eyes.


Liningon kami ni Dayang Sikat at imagination ko lang siguro yun pero parang nakangiti ang mga mga mata niya. Pagkatapos noon ay tumango siya sakin at tuluyan ng lumisan. 


"AHHHH YES! YES! YES!"


Sinamahan ko sa pagcecelebrate si Marahuyo nang mawala na sa paningin ko si Dayang Sikat.


  Hay kinabahan talaga ako doon, kala ko napurnada na lahat. Kung nagkataon susundin talaga namin yung suggestion ni Alab na magnakaw nalang kami ng kalabaw at ayaw yun ni Kaluasam so gulo nanaman. 


"Binibini kay husay mo!" 


Tinalon ako ni Marahuyo ng yakap at pagkatapos ay binuhat niya ako at inikot.


"Ahahahah sabi ko sayo gagana ahahahahaha.... ibaba mo na ako"


Sinunod naman ako agad ni Marahuyo. 


Grabe bat kaya ang hina ng katawan nato? 


" Ipagpaumanhin mo Marahuyo,  madali lang talaga ako mahilo"


Tumawa ako ng tipid at tinapik lang ni Marahuyo ang aking bumbunan. 


"Baka nausog ka lang Binibini, gusto mo bang lawayan kita?"


Nawala ang ngiti ko at isang malakas na dagok ang kinaloob ko kay Marahuyo. Hindi siya nagsabi ng aray sa halip tumawa pa siya, kaya naudyok akong ichoke siya sa kili-kili ko. 

Paham-DayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon