Ikapitong Kabanata: Bahagi VI

156 18 11
                                    

KALUASAM


Walang matino sa pamilya ni Hiraya.


Iyon ang pangungusap na siyang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan habang pinapanood ang aral na siyang inihanda ni Datu Digan at ni Dayang Sikat para kay Hiraya.


Sa anong kadahilanan kaya naisip na gawin ni Datu Digan at Dayang Sikat na turuan sa ganitong pamamaraan ang kaawa-awang binibini?


Katatapos lamang namin dumanas ng mapanganib na sitwasyon kagabi, lubha akong hindi sang-ayon dito.


"Ginoo, ikaw simangot. Ikaw wag alala, ito para kay Hiraya." saad ni Datu Digan.


Tumango ako bilang tugon sa sinabi niya. Kasalukuyan siyang nakasilip sa daanan habang ako ay nasa likuran niya.


Pinagmasdan ko ng tahimik si Datu Digan. Base sa binanggit na impormasyon sa akin ni Hiraya, ang datu daw ay nasa edad na tatlumpung taong gulang na subalit hindi ito halata sa kanyang itsura at kilos.


Hindi na bago sakin makakita ng mga Instik dahil madalas din akong nagtratrabaho sa ilalim nila, ngunit labis akong naguguluhan sa ideya ng isang intsik na Datu.


Ayon kay Ama, ang mga Datu ay kinikilala bilang simbolo ng kanyang barangay. Sa papaanong paraan na rinerepresenta ni Datu Digan ang mga taga-kaboloan gayong mula sa kanyang kasuotan hanggang sa itsura, bakas na bakas ang kanyang pagiging instik? Ultimo ang kanyang tagalog ay nangangailangan ng pagsasaayos.


"WAAAAAAAAAAAAAAH!"


Biglang pumalahaw ng iyak si Hiraya dahilan upang mapatid ang aking pagmamasid kay Datu Digan. Nang maulunigan ko ang boses ni Hiraya ay kusa akong humakbang paharap ng hindi nagdadalawang isip.


"Sandali Ginoo"


Nakangiting sabi ni Datu Digan na mabilis na humarang sa aking harapan. Ang kanyang singkit na mata na walang talukap ay tila nakapikit na dahil sa kanyang pagngiti.


"Datu Digan. Ang Paham na aking pinaglilingkuran ay lumuluha, anong silbi ko bilang Ginoo kung hindi ako kikilos upang siya'y patahanin at---"


Inakbayan ako ni Datu Digan sa balikat at ibinalik sa pagkakayuko.


"Ikaw wala tiwala sa Binibini. Ikaw hintay kung ano kanyang sabi at gagawin." Bulong niya sa akin sabay balik ang tingin sa nag-uusap na magkapatid.


Bagamat labag sa aking kalooban ay sinunod ko ang Datu. Napag-usapan na namin kanina ng ako ay lumabas na ang ginagawa nila ay para kay Hiraya


"Walang kautusan na nagsasabing na ang iyong paglalakbay ay kailangan magsimula ng umaga. Kung di ka talaga masaya ngayon sa buhay mo, simulan mo ng maglakad paalis. Para kapag dumating ang takipsilim ng iyong buhay naroon ka sa lugar na gusto mong kinalalagyan."

Paham-DayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon