Ikasampung Kabanata: Bahagi II

84 8 12
                                    

Kalbong Palad


Nang minulat ko ang aking mata, mataas na ang sikat ng araw. 


Bahagyang umiikot pa ang aking paningin at tila umaalon ang mundo ngunit sanay na ako sa ganitong pakiramdam lalo na pa't bago ako maging isang tulisan ay isa lamang akong karaniwang mangingisda. 


Datapwat ang umaga na ito ay labis na iba sa aking mga karaniwang araw. Nagising ako na ang bungad ay ang kalangitan at mukha ng isang dalagang nakatingin sakin ng may pag-aalala at may sinasabing hindi ko maulinigan. 


"Sigurado ba kayong dapat pa natin siyang itali? Hindi ba pwedeng pakawalan na natin? "


Nang maintindihan ko na ang kanyang mga salita ay biglang nanumbalik sakin ang mga pangyayari kagabi. Ang kasiyahan, tanghal at ang---


"HMM! HMMM! HMMMMMMMM!"


Sinubukan kong magsalita ngunit napagtanto ko na mayroon pala akong busal sa bibig. 


Iginala ko ang aking paningin. 


Kasalukuyan akong nasa gitna ng isang bangka sa dagat. 


 Ako lamang ang nakatali at hindi ako nag-iisa sa bangka. 


Ang babaeng nagtanghal kagabi ay nakatayo saking harapan at tila inaabangan ang aking bawat kilos o sasabihin. 


Nang umalis sa harapan ko ang babae at namukhaan ko ang lalakeng nakaupo sa likod niya ay napuno ako ng labis na pagkagalit. 


"HMMMMMMMM-----HMMM HMMM"


Tuloy -tuloy ang aking pagmumura ngunit napagtanto kong hindi nila ito maintindihan dahil sa busal sa aking bibig. 


"----a Alab! Gago ka! Hayop  ka!"


Umiling-iling si Alab matapos niyang tanggalin ang aking busal 


"Diba? Sabi ko sayo Binibini, hindi mo madadaan yan sa usapan"


Hindi pinansin ni Alab ang aking pagtutungayaw sa kanya at sa halip ay kinausap ang babae na kanina pa ako tinitingnan. Bumalik si Alab sa kanyang pagkakaupo sa bandang likuran at nagsimulang magsagwan. 


Lalong nag-init ang aking ulo, agad kong sinubukang tumayo sa aking pagkakaupo upang sugurin si Alab ngunit---


"Hayop ka talaga! Isa kang taksil! "


Hindi ako makagalaw. Nakatali ang aking paa sa aking kamay. 


Lintik! Tuwang tuwa pa naman ako dito kay Alab. Itong bata palang ito ang magiging dahilan ng aking pagkamatay. 

Paham-DayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon