CHAPTER 6

0 0 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa harap ng lamesa habang umiinom ng maiinit na gatas ng biglang tumawag si Cana. Agad ko namang naibaba ang iniinom ko at sinagot ang tawag niya.

"Hell--"

"Hoy! Ano na naman 'tong pinaggagawa mo ha?!" Pasigaw niyang bungad sakin kaya nailayo ko kaagad ang hawak na telepono sa tainga ko.

"Anong pinaggagawa?" Kunot kong tanong sa kanya. "Tsaka pwede bang magsalita ka ng mahinahon?"

"Anong mahinahon?! Aba't sino na naman ba itong kinahuhumalingan mo ha? Luciana!" Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at kamuntikan ng maibuga ang iniinom kong gatas.

"K-Kinahuhu... m-malingan?"

"Oo! Sino iyon ha?! Ikaw pag naglihim ka talaga sakin' babae ka, titirisin talaga kita! Malalaman mo!"

"A-Anong bang pinagsasabi mo Cana?" Nakakunot kong tanong sa kanya.

"Hoy! Naalala mo ba? Kung kaninong email ang ginagamit ko pag bumibili ako ng sapatos online?"

"Oo, sakin, baki--" agad ko naman natakpan ang bibig ko gamit ang kaliwa kong kamay ng maintindihan ang tanong nito. Patay. Kaya pala mayroon akong mensahe na nakita para kay Cana noong natanggap ko ang pdf mula kay tito Creasan.

"Cat got your tongue?"

"Y-You opened it?"

"Ah, ah! That's not the topic darling."

Bigla naman akong namula sa tanong niya.

"Didn't I told you that it makes you look like a psychopath doing it?!"

P-psychopath? Really?!

"N-Nagkakamali ka Can--"

"Aber?"

"No! No, hindi ganoon okay? I'm just curious, that's all there is." Mabilis na pagpapaliwanag ko.

"I don't believe you. 'cause the last time I checked, all of your crushes went the same way."

"W-What?!" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Yes, darling." Ani nito at sarkastikong tumawa. " remember joshua? Your 2 year crush? If I'm not mistaken, his LITTLE INFO is still right there under your bed!" Doon na ako mas lalong napasinghap sa sinabi nito. Mabuti nalang at wala tao ngayon sa kusina dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

"W-Well," umupo ako ng tuwid at tumikhim. "I-I a-admit that Joshua was my 2 year crush and ask tito Creasan to do it, B-BUT that doesn't mean that sir Matteo is my crush too!" Depensa ko sa sarili ko.

"Matteo it is--!"

"No!"

"Why so defensive?" Humalaklak ito ng malakas sa kabilang linya.

"I'm not!"

"Yeah?"

"Yes!"

"Alright! Lets put it that way. Pero pag may ginawa kang kalokohan, matatamaan ka sakin Luca ha!" Huli nitong salita at pinatay na ang tawag.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at mariing napapikit. Hindi talaga ako marunong mag-ingat.

Mali! Bakit naman ako mag-iingat? Hindi naman iyon kasalanan kung tutuusin. Tama. Tama. Ang pag-alam sa kaunting impormasyon ay hindi kasalanan.

Inubos ko na lang ang natirang gatas at bumalik sa itaas para maligo at magbihis papuntang opisina.

Pababa na ako ng hagdan ng masalubong ko sina mama at papa sa kusina habang nakaharap sa lamesa at kumakain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KISSING THE FLAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon