CHAPTER 1

6 0 0
                                    

Nakaupo ako sa pinong buhangin habang nakapatong ang baba ko sa mga tuhod ko. Tinitingnan ang malawak na karagatan at dahan-dahang inaamoy ang sariwang simoy ng hangin.

Napatingala ako sa walang katapusang kalangitan. Nagsasayawang mga ibon at puno na sumasabay sa ihip ng hangin. Napakapayapa. Ito ang gusto, tahimik mula sa syudad, malayo sa gulong kinahaharap ng sinuman.

Ipinikit ko ang mga mata ko at mga katawan kong nagbabalak ng magpaubaya sa malambot na buhangin ng biglang tumunong ang telepono ko.

Papa.

"Come, Let's eat." Napangiti ako sa malalim na boses ni papa na malayong malayo sa malamyos na boses ni mama. "Mmm."

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Humabol ako ng isang tingin sa karagatan at nagtungo na sa bahay.

"Mag ingat ka sa nilalakaran mo iha." Nakangiting paalala sakin ni manang rosa nang maraanan ko ang bahay nila sa tabing dagat. Ngumiti ako. "Opo."

"Aba'y uuwi kana ba Luca? Dadalhan sana kita ng minatamis kanina eh." Nahihiyang tanong ni Apeng sakin.

"Oo, sa susunod na lang siguro. Baka pagalitan na ako." Natatawang kong sabi at nagpalaam na.

Kaagad akong pinagbuksan ni manong Pedro, ang bantay sa tarangkahan kasabay ni manong Nestor.

"Pasok na Ma'am Luca, hinahanap kana 'ata ni Sir Roman." Ngumiti ako sa kanila at nagpatuloy na.

Hindi ko man makita pero agad ko ng mahuhulaan na may nagtatalo at nagtatawan sa kusina kasabay ng pagtunog na mga kagamitan sa kusina. Masyadong rinig ang mga ingay dito pa lang sa hardin. Pagpasok ko ay naabutan ko silang lahat na nakaupo na at nagtatawanan. Ang gandang pagmasdan.

"Oh come on! Tito! I think Celso is just okay!---I mean he's handsome, tall, smart, a person with degree and oh boy! I can't believe how tan he is." Halos matunaw si Cana sa kinauupuan niya habang inilalarawan ang lalaking hinahangaan.

Natawa naman si mama sa kanya at nandidiri siyang tiningnan ni Robert. "What's with that look?" Mataray na tanong ni Cana kay Robert.

Cana Solicio and Robert Sylyndin are both my childhood bestfriends. Grew up in a wealthy family who owns multiple companies all over the world. Cana Solicio's family who's main focus is construction industry specifically outside the country. Kaya mas pinili nilang doon sa Washington DC itayo ang main office nila. While Robert Sylyndin's family who preferred to put their main office here in the Philippines. Sylyndin Companies are leading when it comes to Hotel and Restaurants. Wala man sa hitsura ay may meron silang taglay na galing pagdating sa larangan ng negosyo. Nakakatuwa dahil hindi kami pinalaking gahaman sa pera at pinalaking may malasakit sa kapwa. Isa siguro sa rason kung bakit kami naging matalik na kaibigan ay dahil pareho kaming nag-iisang anak. Walang matatakbuhan at aawayin kaya naghanap ng mga kaibigang gaganap sa tungkuling hinahanap namin.

Magsasalita na sana si Robert ng makita akong papalapit sa kanila. Iniikot na lang niya ang mata at tumingin sa pagkain inihahanda sa kanila.

"There she is."

"Doon ka na man ba galing anak?" Malumanay na tanong ni mama. "Mmm." Ani ko at masayang umupo kaharap sina Cana at Robert.

"Kain na."

"Hey Luca." Agaw ni Cana sa atensiyon ko kaya tumigil ako ng pagkain at hinarap siya.

Itinaas ko ang kilay ko at nagtanong pabalik. "Ano?"

"Pupunta na daw tayo sa Maynila! Yohoo!" Tumitiling sigaw niya na ikinagulat ko. Agad siyang hinampas sa braso ni Robert.

"H-Ha?" Tumingin ako kina mama at papa. Napatikhim naman bigla si papa.

Bumalik ang tingin ko kay Cana na ngayon nanlalaki ang mata na para bang hindi makapaniwala sa nasabi. Binigyan niya na lang ako ng alangang ngiti na humihingi ng pasensiya. Si Robert naman ay napahilamos ng mukha.

"Luca." Ibinalik ko ang tingin kay papa.

"P-Pa." Malalim na hininga kong sagot.

"Alam mong kakatapos ka lang ng pag-aaral hindi ba anak?" Tumango ako. "Alam mo rin na kailangan ka sa kompanya hindi ba anak?" Hindi ako nakasagot at naibaba ang mga kubyertos.

"P-Pero alam mo rin na h-hindi ko pa gustong pumasok sa mundo mo diba p-papa?" Napakahina kong sagot habang nakayuko.

Hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Anak. Alam mong mahal ka namin hindi ba?" Marahan akong tumango. "Mapabibigyan mo ba kami?"

"A-Ayaw kong lumisan sa Probinsiya Bilana." Halos maluha-luha kong sambit.

"I know. I know."

"K-Kung ganoon bakit?"

"Marami kang matutunan sa Maynila anak."

"Maaari ko namang matutunan ang negosyo dito sa probinsya mama."

"Hindi lahat ng bagay na kailangan mong matutunan ay dito matatagpuan Luca." Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Cana and Robert will join you, Their parents is asking the same thing Luca. You won't be alone there sweetheart. I won't allow that." Pagkukumbinsi sakin ni papa kaya napatingin ako kay Cana at Robert, kapwa sila nakangiti sakin. Ngiting sumisigaw na magiging ayos lang ang lahat.

"Pag-iisipan ko."

"That's more than enough anak." Nakangiting sambit ni papa at kapwa ngumiti ni mama sakin.

NAKAHIGA ako sa sarili kong silid habang pilit na gumagawa ng desisyon na makakabuti sakin. Ilang oras na akong nakatingin sa kisame pero isa lang ang isinisigaw ng desisyong napili ko. Mananatili ako sa Probinsiya Bilana. Dito ako nabibilang. Nandito ang puso ko. At hindi ko maatim na iwan ang lugar kung saan ako nakatagpo ng kapayapaan at kasiyahan.

Pero pilit ko mang itatak sa isip ko na dito na ako mabubulok at mamamatay ay may bagay parin na kusang magpipilit na hatakin ka nito palabas. Pilit isinasaksak sa'yo na wag maging makasarili at isipin ang nakararami.

Ako lang ang inaasahan nila.

Ranielle Textile Industries.

May sariling haciendang pinamumunuan na pinagkukunan ng  supply. Different textiles coming from plants. Coconut and pineapple fiber, from pulpwood, trees, nettle, cotton, and bamboo fibre that are used in clothing, and even animals such as goat and sheep. Kung iisipin ko pang mabuti ay mababaliw na ako sa dami. Silk, Polyester, Aramid,Nyl--itinigil ko na ang pag iisip. Naiinis na ako.

Great power comes with great responsibility. Malaking kompanya na nag susupply hindi lang sa pinas kundi maging sa labas ng bansa. Responsibilidad na iniatang at ibabagsak sa mga balikat kong maaaring madurog.

Naipikit ko na lang ang mga mata ko. Binigyan nila ako ng lahat ng mga pangangailangan ng isang bata sa buhay. Sobra sobra para sa isang munting bata. Ito na lang marahil ang magiging kabayaran ko bilang pasasalamat sa kanila. Kung ganoon ay wala na akong magagawa pa. Walang ibang sasalo nito kundi ako lamang.

Paano kaya nila Cana at Robert nakakayanan ang mga ito at nagawa pa nilang ngumiti. Maybe they've been trained so hard that's why, hindi tulad ko na hindi pinilit sa mga bagay na hindi gusto. Kung alam ko lang. Ano kayang mangyayari sakin kung ganoon? Anong naghihintay sakin sa Maynila?

KASALUKUYAN na kaming nakasakay sa sasakyan patungong Maynila. May bahay kami doon kaya hindi na magiging problema. Ayos lang naman sakin ang lahat maliban na lang sa negosyo, responsibilidad, at napakalaking syudad. Sana lang at tama 'tong desisyon kong ito.

"Susunod kami anak." Binigyan ako ni mama na isang halik sa nuo at niyakap ni papa mula sa labas ng sasakyan. Tumango ako at umiwas ng tingin.

"Sana lang ay hindi ka napipilitan anak." Malambot na sambit ni mama. Umiling ako at binigyan siya ng isang yakap.

"Aalis na po kami Tita, Tito." Ani ni Robert at sumakay na sa sasakyan.

"Drive safely iho."

"I will." Ani nito at isinarado na lahat ng pintuan maging sa kinauupuan ko.

Ipinatong ko na lang ang ulo ko sa bintana at pumikit. Naramdaman ko din ang ulo ni Cana na pumatong sa balikat ko.

"Everything's gonna be okay." Ani niya pumikit na rin.

KISSING THE FLAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon