Agad naman akong napa-angat ng ulo at napaupo ng tuwid. "N-Nothing s-sir."
"Let's go." Aniya at sumunod ako sa likuran niya. Nakakahiya.
Sumunod ako sa kanya sa elevator hanggang sa makarating kami sa isang opisina. Binuksan niya ito at agad na sumalubong sakin ang lalaking nakatalikod. Nakipagkamay siya sa kanya at nag-usap saglit bago ako binalikan.
"I guess you already know him." Tumango ako bilang sagot. Nakita ko na ang lalaki sa isa sa mga folders na ibinigay niya sakin.
David Merajil. One of the inside directors that holds fifteen percent of the ownership in the company.
"I'll leave you to him for the meantime but be sure to execute what he wants you to do," humarap siya kay Sir David. "as long as it is related to business." Napatawa naman sa kanya si Sir David. "Ano akala mo sakin?"
Hindi na lang sumagot si si Sir Matteo at lumabas na. Naiwan kaming dalawa sa loob ni Sir David kaya humarap ako sa kanya at bumati. "I'm Luciana, sir." sabi sabay lahad ng kamay.
Ngumiti naman siya at tinanggap ang kamay ko.
"Yeah, I know. Sinabi na niya sakin." Nag-aalangan naman akong ngumiti sa kanya. Napahiya na naman ako. Kainis.
"Hey, I didn't mean it in a rude way," aniya at nagkamot ng ulo. "Nasabi na niya talaga sakin and I did some research about you, Miss Ranielle." Napaigtad naman ako ng sinabi niya ang apelyido ko.
"I-I don't want to have a s-special t-treatment."
"Don't worry we won't do that. You're here to gain experience right?" Tumango ako sa kanya.
"Okay, you may sit there." He said as he pointed the smaller table behind him.
Agad akong tumango at pumunta doon at naghintay ng utos niya.
"Miss Ranielle, I want you to summarize all of the financial report that was submitted to me and pass it to the CFO. ASAP. Understood?" Tumango ako at nagsimula ng ayusin isa-isa muna ang mga tumpok na folders. Kaya ko 'to, nagpag-aralan ko naman ito dati.
Nagsimula na ako gumawa ng summarized report at inaasahan ko nang aabutan ako ng hapon kakagawa neto ay hindi parin ito matatapos.
Narinig ko na lang bumukas ang pintuan at hindi na iyon pinansin dahil masayado akong abala. Naramdaman ko na lang na may huminto sa gilid ng lamesa at tumama sakin ang anino nito. Tumingala ako.
"Eat." Aniya at inilagay ang dala niyang plastic bag. Tumango lang ako at kinuha iyon tsaka inilagay muna sa gilid. Kailangan ko munang tapusin ang ginagawa ko.
Handa na sana akong bumalik sa harap ng mga papel ng naramdaman kong hindi parin siya umaalis. Tiningnan ko siya ulit at agad na tumambad sakin ang nakasalubong niyang mga kilay.
"Eat," utos niya. "you already skipped lunch."
Naalala ko naman, tama siya. Hindi pa nga ako lumalabas mula pa kanina. Nakaramdam naman tuloy ako ng gutom ng binuksan niya ang plastic bag at nagsilabasan ang nakakatakam na amoy.
Inilapit ko na lang ang pagkain sakin at nagsimula ng kunin isa-isa.
"O-Okay s-sir." Ani ko at iniwan na ako sa loob.
I stared it for a minute before deciding to eat it. It's actually my first time to eat food given by someone. Not from family, not from Cana and not even from Robert but from that someone. Kinda feel strange but its actually feels good.
Matapos kumain ay agad na akong nagpatuloy sa ginagawa ko.
It's already 7 PM before I realized that I already finished what I'm doing. I stood up and went in front of Sir David who's currently being swallowed by his works.
"Sir." Tawag ko ng pansin sa kanya. "Tapos na po."
"Oh, done?" Aniya na parang di alam kung gabi na o hindi. "Give it to Mr. Galvez, nasa taas lang siya." Tumango ako at tumalikod na.
"Want me to accompany you?" Pahabol niya.
"No need sir." Ani ko at nagpatuloy na.
Marami din akong nadaan na tao na piniling magpagabi para matapos ang kani-kanilang mga gawain, ni hindi aakaling gabi na sa dami parin ng tao.
Nang makarating ay kumatok muna ako bago buksan ang pintuan. Sumalubong naman sakin ang matandang lalaki na may hawak na kape.
Tumaas ang kilay niya.
"Good evening sir. I'm Luciana Ra--"
"What brings you here?" Pagputol niya sinasabi ko.
"Financial Report from sir Merajil."
"Leave it here." Anito at inilapag ang kape sa lamesa habang nakasandal ang gilid ng katawan dito.
Lumapit naman ako at ilalagay sana iyon malapit sa kanya, pero bago ko pa mailagay ang apat na folder ay natapilok ako at napasubsub sa lamesa, dahilan kung bakit natapon ang kape at nabasa ang pantalon niya.
"Good grace!" Sigaw nito habang nakatingin sa basa niyang pantalon. Agad ko naman siyang nilapitan para humingi ng pasensya pero lumayo siya sakin.
"S-Sir. I-Im so--"
"The reports!" Aniya at agad kong nilingon ulit ang mga folders na nagkalat sa lamesa. Agad ko iyong kinuha pero dahil nanginginig ako sa takot sa kanya ay naihulog ko ito dahilan para mapunta ang iba sa natapong kape at sahig.
"N-No.. No.. N-No." Bulong ko sa sarili ko habang dali-dali kong kinukuha ang mga papel na nagsikalat. Nakakahiya itong ginagawa ko ngayon. Unang araw ko pa naman.
"Do you still have anything you want to do?!" Sigaw niya sakin habang nakaluhod at nakayuko ako sa sahig ng mga papel.
"Get out!"
"S-Sir I---"
"Out!" Ulit niya at agad na hinablot ang braso ko patayo at kinaladkad palabas.
My pants got also ripped when he's dragging me outside his office, exposing my right thigh. Masakit dahil sumabit ang hita ko sa matulis na dulo ng lamesa malapit sa pintuan niya habang kinakaladkad niya ako.
Napaupo ako sa labas ng pintuan niya ng bigla niya akong binitawan. Hindi man ako tumingin ay alam kong maraming nakakakita sa sitwasyon ko ngayon.
"S-Sir---" tumayo ako at lumapit sa kanya. Gusto kong magpaliwanag.
He faced me and about to push me when someone grab his right arm.
Sir Matteo.
"I'm not informed that you treat our people like this." Aniya at pabagsak na binitawan ang kamay ni sir Galvez. Tumingin siya sakin at dinala ako palabas. Gusto kong umiyak sa nangyari. Nakakahiya ito at ayokong malaman ito ni mama at papa.
"You're now going home."
Hindi na ako umangal pa at nanginginig na tumango na lang. Tumalikod na ako at handa ng umuwi ng pinigilan niya ang kaliwa kong braso.
"I didn't said you're going home alone." Aniya at hinila ako ulit patungong sasakyan niya.
"Clean yourself," utos niya. "I don't know what to say to your parents. Damn." narinig ko pang bulong niya.
Agad ko namang inayos ang sarili ko habang nasa loob ng sasakyan. Hindi ko na mapigilang umiyak, nakakainis ang araw na 'to. Bakit pa ba kasi kailangan kong matapilok? wala na akong nagawang tama ngayon. Nakakainis na.
I silently dried my tears with my hands and forcing myself not to cry outloud.
"Explain youself." Ginawa ko ang sinabi niya habang nagmamaneho pauwi ng bahay.
"Its not your fault," panimula niya matapos ang ilang minuto kong pagpapaliwanag. "Just make sure to not to do it again." Malamig niyang saad na ikinatango ko na lang at hindi na nagsalita pa.
Nang makarating kami sa bahay ay sinalubong kaagad kami ni mama at papa pero hindi ko na sila magawang makausap ng yumakap na lang ako sa kanila at agad na dumiretso sa silid ko.
This is my fault, I'm just embarassing my families name.
I let a deep sigh and threw myself in the bed, this is so much for a day. I need a goodnight sleep.

BINABASA MO ANG
KISSING THE FLAME
General FictionHow long am I going to wait just to gain what I deserve? Does it make me fool if I say that I'm willing to wait? That I don't want you to leave? That I don't have the courage and strength to do it? And that only you will keep my sanity in this world...