Kinabukasan ay nahihiya akong pumasok sa kompanya. Halos takpan ko na ang buo kong mukha sa kahihiyan dahil alam kong maraming naka saksi sa nangyari kagabi. Pero hindi man lang ito pinansin ni sir Matteo, umakto itong parang walang nangyari at nagpatuloy lang sa pag-utos sakin ng mga kailangan gawin.
Ginawa ko na lang ang tungkulin ko at ibinigay ang atensyon kung paano ko mapapaunlad ang sarili ko ng hindi na mangyari ang nangyari kagabi.
Biglang bumukas ang pintuan at inilapag neto ang isang plastic ng pagkain sa lamesa pagkatapos ay walang pasabing umalis. Lihim akong napangiti sa ikinilos nito at sa halos araw-araw nitong ginagawa ay nakasanayan ko ng hintayin ang pagkain na lalapag sa gilid ko mula sa kanya.
Hindi ko malaman ang rason sa likod ng ikinikilos nito pero nasisiguro kong may kinalaman ito sa narinig kong usapan bago ako tuluyang nakaidlip.
"I'm very sorry for what happened." Pauna niyang hingi ng tawad matapos makaupo.
"It's okay, we knew that would happen. Nagsisimula pa lang naman siya." Malumanay na sagot ni mama.
"but--"
"If you still insist that you're really sorry for what happened, then don't leave her side and continue guiding her." Sagot naman ni papa na ikinatango nito.
"It won't happen again sir Ranielle."
"She's already your responsibility inside the company from the day I entrusted my daughter to you."
"Yes, sir."
Marahil nga iyon ang rason at wala ng iba pa, pero bakit may pilit akong hindi gustong intindihin?
Napatigil ako bigla sa ginagawa ko kaya napalingon sa gawi ko si sir David. Nakataas ang kilay na nagtatanong kung ano ang problema. Umiling naman ako biglang sagot at ngumiti. "Nothing, sir."
I secretly get my phone from my bag and called Mr. Creasan, a private investigator. Having no particular reason for calling him might pissed him off but I just want to know something about sir Matteo, 'cause its just unfair for me that he knew something about me while I don't.
"Tito." Mahina at pauna kong tawag sa kaniya habang pinipilit na hindi makita ni sir David.
"What is it this time? Luca, my niece?" Mahina naman akong natawa sa sinabi niya.
"I just want some... little info.. about someone.. I g-guess?" Siya naman ngayon ang natawa sa kabilang linya.
"Definitely some guy again, new crush?"
"W-What?!" Mahinang pasigaw ko at tumingin kay sir David na abala sa trabaho. "N-No! Hindi! Definitely not, I'm just curious."
"yeah, I know. You're always curious about SOMEONE." He sarcastically said as he emphasized the word 'someone'.
Natawa ulit ako ng mahina. "Hindi naman po."
"So, minsan lang?"
"Hindi rin po."
"Impossible." Natatawa at hindi niya nakapaniwalang sagot. "Okay, just the name please?"
"Matteo S-Saldeco." Ani ko at napalunok ng laway.
"Alright, give me one day." He said and about to hang up when I stopped him.
"Tito wait--! Pwede bang wag niyong ipaalam kay papa?" Nakapikit kong pakiusap.
"Sure, lagi naman." Natawa siya at tuluyan ng pinatay ang tawag.
Matapos ang tawag ay doon lang pumasok ang katangahang ginawa ko. Napatakip ako ng bibig at nanlaki ang mga mata ko.
Bakit ko nga ba iyon ginawa? Hindi ko naman siya napupusuan para gawin iyon. Malabo, dahil dalawang linggo pa lamang mula ng makilala ko ito kaya imposible.
KINABUKASAN ay nagising ako bigla ng maramdaman kong tumunog ang telepono ng malakas. Kaagad ko iyong tiningnan at nakita ang mensahe ni tito Creasan na isang voice message at isang mensahe na para kay Cana.
"I just converted it in a pdf format instead of delivering it into your house, or you want me to hand it to you personally? so roman will know that you do have a crush?"
Natawa naman ako sa sinabi niya. He really like to teased me that much kaya hinayaan ko na lang. Binuksan ko ang pdf at binasa iyon isa-isa.
"Matteo Saldeco." Mahina kong sambit at iginala ang mga mata ko.
Ilang oras ko din binasa ang impormasyon tungkol sa kanya at kahit papaano ay malaman din akong kaunti. Mula sa edad nito, kapanganakan, saan nagmula, at kung ano-ano pa.
*Business graduate at ****
*An heir and worked at Saldeco Enterprises before.
*Chose to leave its own company after both parents die and filled with tremendous amount of debt that cause its bankruptcy.
*Currently working at Ranielle Textile Industries as an COO.
*An--Naitigil ko bigla ang pagbasa sa huling pahina.
M-Mayroon siyang k-kompanya?
Hindi ko lubos maisip na may-ari pala siya ng gano'n. Pero bakit niya iyon iniwan imbes na pa-angatin ito? Bakit niya piniling magtrabaho na lang samin kaysa pagtuonan pansin ang sariling kompanya?
Napabalik ako ng higa sa kama ko at biglang nakaramdam ng lungkot, naawa ako sa kanya. Ayos lang kaya na kaawaan ko siya? Alam ko hindi niya ito magugustuhan pero hindi ko maiwasang makaramdam no'n.
Hindi mo talaga makikilala ang tao sa loob lang ng maikling panahon--napailing ako ang ulo ko, ba't ko nga ba siya kikilalanin?
Napabuga ang ng malalim na hininga, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Marahil dahil nasanay na ako na nandiyan siya sa gilid ko at nakagabay? Hindi maari. Dahil parang wala naman itong ginawa kundi magdala ng pagkain at tingnan ang ginagawa ko.
Tumagilid ako at tinitigan ang telepono ko. May magagawa kaya ako? Hindi ko alam, pero gusto siyang tulungan. Ngayon lang ako nakaranasan ng ganoong pagtrato, kaya maituturing ko itong isang kabutihan.
Alam niya man o hindi.
Gusto ko itong suklian dahil ganoon pa rin naman iyon, responsibilidad o hindi, nandiyan parin naman siya kahit na ganoon ang ipinapaikita niyang ugali.
Pero hindi ko alam kung paano kaya naipikit ko na lang ang mga mata ko at niyakap ang unan na katabi ko. Paano nga ba?
ALAS SAIS nang gabi ng napagpasyahan kong umuwi na dahil kaunti na rin naman ang mga naiwang trabaho at pwede lang din ipagpatuloy bukas.
Dumaan din ako sa opisina ni sir Matteo para magpaalam na uuwi na ako, pero naabutan ko itong nakaupo at nakasandal sa upuan niya kaharap ng lamesa niya habang nakakrus ang dalawang kamay at nakapikit. Inisip kong nakaidlip ito sa gitna ng pagiisip o kung anuman. Pero nagpaalam pa rin ako.
"I'll take my leave sir." Paalam ko at tumalikod na.
"Okay, let's go." Mahina pero pabigla nitong salita sa likod ko kaya napaharap ako bigla.
Muntikan na akong matapilok sa ginawa niya.
Nakita ko itong iminulat ang mga mata at sinuklay ang buhok neto.
"S-Sir--"
"I'll drive you home." Ani nito at humarap sakin kaya kitang-kita ko ang namumula nitong mga mata na parang nadisturbo sa pagtulog.
"H-Hindi na sir, baka nakakaaba--"
"Lets go." Ulit niya at nilagpasan na ako kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Ba't niya ba 'to ginagawa? Naiinis na ako ng hindi ko alam.
Alam kong ginagawa niya lang ang iniutos sa kanya at responsibilidad niya lang ito dahil ibinilin ako sa kanya, pero bakit ako naiinis?
Naiinis na natutuwa ako. Hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
KISSING THE FLAME
General FictionHow long am I going to wait just to gain what I deserve? Does it make me fool if I say that I'm willing to wait? That I don't want you to leave? That I don't have the courage and strength to do it? And that only you will keep my sanity in this world...