KABANATA 6

1K 64 0
                                    

Chapter 6 na! 03/15/21.
Salamat sa pagbabasa kahit
slow update. Ingat tayong lahat.
Thank you and Enjoy reading!☺
_______________________
KABANATA 6
[Why did you do it?]

♧Julia♧


"Ina, kung maari ay gusto ko po munang mapag-isa."

Nagkatitigan na naman ang mag-asawa. Pagkatapos ay tinapik ng Reyna ang aking kamay ng dalawang beses. "O sige, kung 'yan ang gusto mo. At isa pa, 'wag mong pilitin ang iyong sarili na maala-ala ang mga nakaraan. Baka sumakit lang ang ulo mo."

Sumang-ayon agad ako sa sinabi nito ng hindi na humaba pa ang usapan, ng sa ganun ay makaalis na sila.

"Gusto ko pong maiwan si Oliver sa silid."

Napako ang paa ni Oliver sa sahig. Lalabas na sana ito.

Nilingon niya ako na parang may iniisip.

Napatingin silang lahat kay Oliver ng sabihin ko ito. Nakita ko pa ang paggalaw ng bagang ni Clare. Mukhang hindi nito kasundo ang lalaki.

"Kailangan ko po siya." Nakangiti kong tugon. "Ate Clare..." nakanguso kong wika.

Kung pag acting lang rin naman ang pag-uusapan. Hindi ako nahuhuli run.

Napatingin si Clare sa akin ng ilang segundo na hindi makapaniwala ang mukha na iyon nag sinabi ko. "Pero Julia---hay. Hindi na ako magsasalita." Putol niya sa dapat niyang sabihin na hindi ko rin alam. Tiningnan nito ng masama si Oliver. "Pag-isipan mo ang isasagot mo sa pinsan ko." May himig na pagbabanta na wika ni Clare sa lalaki pagkatapos ay lumabas rin agad.

Si Mia ang nagsara ng pinto.

Naiwan kaming dalawa ni Oliver sa loob ng silid. Umupo ako sa gilid ng kama habang siya ay nakatayo malapit sa pinto.

"Maupo ka." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Salamat Prinsesa," aniya na nginitian rin ako pabalik. Umupo ito sa upuan na may kalayuan na sa pinto na merong mesa.

Medyo may kalayuan ang pagitan namin.

"Kumusta ang iyong pakiramdam? Ngayon ko lang nabalitaan ang nangyari sayo."

"Ganun ba? Ayos lang ako."

Kinuha ko ang pang-ipit sa aking buhok. Payat ito at medyo matalim ang dulo na gawa sa bakal na may desenyong bulaklak ang pang-itaas na kulay lilac. Pinaikot ikot ko ito sa aking kamay.

"Alam mo bang nanaginip ako?"

"Lahat naman tayo nananaginip Prinsesa. At alam mo bang ang ilan sa napapanaginipan natin ay may ibig sabihin?"

"Hindi ko alam. Pero salamat at hindi ka umalis Oliver."

"Wala 'yun. Para narin kitang tunay na kapatid. Sabay pa tayong lumaki. Bakit ano bang napanaginipan mo?"

"Gusto mo raw akong patayin."

Napanganga ito sa narinig. Nang makabawi ay napatawa ito. "Ah. Ang sama ko pala sa panaginip mo--"

JULIA IN 238BC (Ongoing/Republished/Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon