KABANATA 5

1K 70 1
                                    

Good morning! Update ako ngayon.
Salamat sa paghihintay!
Enjoy reading! 😘

__________________________
KABANATA 5
[Princess Julia's memories]


♧Julia♧

Paano ko nalamang siya si Doctor Adelmo? Well, dahil lang naman iyon sa mga alaalang bigla nalang nag flashback sa aking isip na parang isang palabas.

These memories are not mine, kundi galing sa totoong may ari ng katawang ito, na si Princess Julia.

"Prinsesa Julia---"

"Walanghiya kang matanda ka!" I was about to speak when suddenly the Queen stood up and spoke. Nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata. "Ang lakas naman ng loob mong sabihin na isinumpa ang anak ko! Manggagamot ka lang! Kakagising lang niya pagkatapos ito ang sasabihin mo't maririnig ko? Kanina pa ako nagpapasensya sayo." Mahina, ngunit may diin nitong wika na may halong pagbabanta.

My eyes narrowed when I saw what the Queen had done. I'm sure this woman is a villain. Hindi niya iyon maitatago sa katulad ko. From the gesture to the facial expression, sigurado ako dun. Kung ibang tao ang nakakakita sa kanya, they will think that she is just a rude and hot headed Queen who will punish you if you do something wrong. Based on what I saw in her hands, hindi pa siya nakapatay. Wala pang napatay, subalit may pinapatay. Kung ganun ay may inuutusan itong bihasang mamamatay tao na mapagkakatiwalaan.

Napatingin ako sa itaas ng bubong. May napansin akong maliit na butas dun. I smiled. As i expected, nasa taas siya ng bubong. Sobrang mahal nga talaga ng Reyna ang anak niya 'e Kahit ang isang assassin ay ginawa niyang bodyguard.

Mukhang nagpipigil lang ang reyna dahil sa akin.

Hindi naman siguro niya ipapapatay si Doctor Adelmo, hindi ba?

Binawi ko ang tingin doon ng maramdamang haharap sa akin ang Reyna. Wala naring natuyong luha sa kanyang pisngi dahil pinahiran niya iyon sa hawak niyang panyo na may desenyo na ibon sa gilid.

"May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang, Anak. Ibibigay ko iyon sayo."

Napabuntunghininga ako.

Tiningnan ko silang lahat bago magsalita. "Wala po akong maalala." Napasinghap silang lahat ng marinig ang sinabi ko. "Ang ibig ko pong sabihin. Kanina po ay wala akong maalala. Sa ngayon naman, bumabalik na ang mga alaala ko ng kaunti." Nakangiti kong sabi. "Kaya 'wag na po kayong mag-alala sa akin. Magaling na po ako."

Kailangan sabihin ko sa kanila ito ng hindi nila ako paghinalaan sa oras na may mapansin silang kakaiba sa akin.

Bigla akong niyakap ng Reyna, "Anak ko, 'wag kang mag-alala. Tutulungan kita. Ang mahalaga ay gising kana." Aniya at hinaplos ang likuran ng aking ulo.

Tagos hanggang buto ang nararamdaman kong pagmamahal niya sa akin ng yakapin niya ako. Marahil ay nasa katawan ako ng ibnag tao kung kayat nararamdaman ko ito. Weird lang kung bakit nagugustuhan ko pa ata ang pagyakap niya sa akin.

"Kamahalan. May kaibigan akong marunong magpabalik ng mga alaala. May utang na loob ito sa akin. Kung kayat siguradong gagawin niya ang lahat upang gumaling ka, Julia." Si Adorjan ang nagsalita. Sa nakikita ko sa alaala ni Julia, isa itong General, at Tito rin niya. Ang katabi nitong babae ay ang kanyang Anak na si, Clare.

Napahawak sa ilalim ng baba ang tinatawag niyang kamahalan, "Kung ganun ay sunduin mo siya at papun--."

"Huwag na!" Ani ng Reyna na pinigil ang sasabihin ng Hari. "May kilala akong isang babaylan. Bihasa ito sa pagpapabalik ng mga alaala at nakakausap rin niya ang mga namayapa na. Idagdag pa run, nalalaman niya kung may masamang espiritu na umaaligid aligid sa katawan mo, o sinasapian ka---"

Napaubo ako sa huling sinabi ng Reyna.

Hindi ako naniniwala sa mga shaman o babaylan. Ngunit mas mabuti na 'yung nakakasigurado. Hindi ako magpapatingin sa kanila.

"Ina, pwede po ba akong makahingi ng tubig?"

Tumango ito. "Oo naman, Anak." Malumanay nitong sagot sa akin. "Mia, hindi mo ba naririnig na gustong uminom ng Anak ko ng tubig?" Dagdag pa nito sa masungit na paraan na hindi nilingon si Mia.

Nauutal na sumang-ayon si Mia at umalis sa silid. Nang makabalik ito ay may dala ng isang baso ng tubig at ininum ko ito kaagad. Si Mia naman ay bumalik kung saan siya nakatayo kanina.

"Anak." Ani ng Hari. Ang Ama ni Julia. Nasa harap ko na pala ito. Isang malalim na pagbuntunghininga ang ginawa niya. Para bang may ginawa itong mali at nagsisisi na. "Hindi na kita pababawalang lumabas ng gabi. Basta ba't isasama mo si Oliver. Maliwanag?"

Sino naman itong si Oliver?

Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi. Well, sa sitwasyon ko ngayon, mas mabuti ng sumang--ayon. "Naiintindihan ko, Ama."

Ipinatong nito ang palad sa aking ulo. "Patawarin mo ako, Anak kung naging mahigpit ako sayo." Dagdag pa nito.

"Ayos lang po 'yun Ama. Alam ko naman na para iyon sa kaligtasan ko dahil naging makulit ako." Nakangiti kong sabi sa kanya. Binalingan ko ang Inang Reyna. "Ina, pwede po bang 'wag niyo na pong papuntahin dito ang babaylan?"

"Bakit anak? Ayaw mo bang bumalik ang alaala mo?"

Napailing ako. "Gusto po. Pero andito naman po kayong lahat sa tabi ko. Gagawa na lang po ako ng bagong mga alaala kasama kayo."

Geez! Sana naman pumayag na kayo!

Nagkatitigan ang mag-asa. Na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata. Nang sabay silang tumango ay palihim akong natuwa.

Ngunit napawi ang tuwang iyon ng biglang pumasok ang isang lalaking kulay ginto ang mga buhok. Nakasuot ito ng magarbong kasuotan na bumagay sa matangkad at makisig niyang pangangatawan.

Biglang flashback ang alaalang patungkol sa kanilang dalawa ni Julia.

Subalit, ang isang alaalang nakita ko ay hindi ko nagustuhan. Kung saan, ang hinayupak na ito pala ang siyang dahilan.

Oliver...this shit!

JULIA IN 238BC (Ongoing/Republished/Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon