KABANATA 11

413 30 17
                                    

KABANATA 11
[Pagpuslit sa araw ng kasal]


♧Julia♧

KUNG hindi lang dahil sa pagpigil ni General Adorjan sa akin kahapon, baka napuruhan ko na ang kumag na 'yon.

Kung bakit kasi hindi sa panahon ni Dr. Jose Rizal ako napadpad!

Ang Oliver na iyon talaga, ang sarap talagang sakalin. Sa tingin koy bibilis ang pagtanda ko dahil sa pinanggagawa niya.

Anak ka talaga ng tinapa, oo!

SUOT ang panglalaking kasuotan ay pumuslit ako. Sa taas ay may bintana kung kayat doon ako dumaan kanina. Ni walang nakapansin sa ginawa ko sa labas. Agad ko ring ni lock ang pinto bago lumabas.

Sakto, ako lang mag-isa ng mga oras 'yon.

Kasalukuyan akong naglalakad sa lungsod ng Morian. Madaming tao. At sa gilid naman ay may ibat ibang klase na kanilang mga binibinta. Mapa-pagkain man o alahas o laruan. Parang market. (Parang devisoria style)

Para akong baliw na tuwang tuwa sa nakikita.

Habang nandito pa ako ay pupuntahan ko ang mga sikat na kainan at pasyalan nila.

Pero, bago yan kailangan ko munang mapatay ang lalaking magiging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ni Julia.

Dapat maunahan ko sya sa tindahan na yun, bago pa mapatay nito ang may ari ng tindahan.

Ilang minutong nakalipas. Nahanap ko rin ang pangalan ng tindahan na nagbibinta ng lantern, kagaya ng nakasaad sa libro.

Walang pagdadalawang isip na pumasok ako sa loob.

"Magandang umaga Mister. Bibili po ba kayo ng lantern?" Nakangiting tanong sa akin ng matandang lalaki.

Halos di na makita ang mga mata kapag ngumiti. Sa hula ko ay nasa 60's na ang edad. Ito na siguro ang may ari na si Koo ang apelyido, base sa libro.

"Mr koo. Gustong kong hiramin mona ang tindahan mo ng 5 oras," saad ko ng tuluyang makalapit sa kanyang harapan.

Nagulat ito sa sinabi ko.

Halata sa mukha ng matanda ang pagtutol at sinuri pa ako mula ulo hanggang paa.

Naglabas ako ng 10 gold na ninakaw ko sa silid ni Clare dahil ganda lang naman ang meron nitong si Julia at wala namang salapi na tinatago.

Nakailang halungkat na ako  kagabi sa gamit ni Julia wala talaga akong nakita.

Nangislap ang mga mata ng matanda at masayang kinuha ang pera. Mabilis pa sa alas kwarto na pinagkatiwala nito sa akin ang tindahan niya.

Bakit pakiramdam ko'y naisahan ako ng matandang iyon.

Bago siya umalis ay sinabi nito na dederetso siya sa brothel, dahil may kakainin daw siyang masarap. Masarap na pagkain pala.

Umupo ako sa bakanteng silya kung saan naka upo kanina ang matanda. Hinintay ang pagdating ng lalaking aking pakay.

Hanggang sa lumipas ang tatlong oras. Ni anino ng lalaking iyon ay hindi ko nakita.

Inaantok na ako lintik!

Kumuha ito ng libro at itinakip sa mukha nya habang nakaupo sa upuan. Matutulog muna ako. Parang malalaglag na ang mga mata ko.

Pero bago paman ako makatulog may naramdaman akong pumasok na 3 tao.

Tinanggal ko ang libro sa mukha. Inilapag sa mesa. Tumayo at hinarap sila.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo, mga Ginoo?" May pag galang kong sagot dahil mukhang hindi sila ang hinihintay ko.

"Ikaw ba ang may-ari sa tindahan na ito?" Paasik na tanong ng lalaking  may malaking nunal sa baba.

Gulo ata ang hinahanap ng lokong to ah. Relax Julia. Huwag mong patulan--.

Sinapak nito ang mesa sabay sabi ng, "Hoy! Bingi ka ba?! Tinatanong kita lintik!"

Tumawa naman ang dalawa sa kanyang likuran na parang pinagbiyak na bunga sa kapangitan.

Ngumiti ako ngunit hindi naman umabot sa aking mga mata.

Kung gaano kapangit ang mukha, ganun din kapangit ang mga ugali ng mga impaktong ito.

"Magtatanong kaba o bibili? Malamang, bibili kayo diba?" Sarkastiko kong tugon dahil sa inis ko sa kanya.

Kumuha ako ng tatlong lantern. Ibinigay sa kanila. Tinalikuran ko sila para sana bumalik sa pwesto ko.

Ngunit, nakita ng peripheral vision ko na may naglabas ng isang patalim!

Pero bago paman tumama iyon sa aking kasuotan, ay umikot ako't binigyan ito ng isang malakas na flying kick sa kanyang sikmura. Tumilapon ang katawan nito sa dingding. Pagkatapos ay sumuka ng dugo.

Malutong na mura agad ang natanggap ko sa kanya.

Total nakadalawa na to sa akin, pinutol ko ang kaligayahan niya.

Hinawakan ko ito sa balikat at niyugyug. Dahil pagkatapos ba namang sumigaw sa sakit ay nawalan agad ito ng malay!

Sinampal ko ang mukha nito ng malakas. "Hoy, buhay ka pa? Bibili ka pa ng lantern diba---" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng may lumapit na aso sa aking tabi at may kinain.

___________
A/N: Hanggang dito nalang muna. Sa mga nag-aabang nito, maraming salamat po. Maraming salamat sa mga nagbabasa at nag add nito sa kanilang library, at sorry dahil na busy na ang life ko mga  Madi huhu. Sa mga nag message salamat po. Tagal ko ng hindi naka download ng wattpad. This week lang talaga ulit ako ng download ng app hihi. Himala naka update ako makalipas ang ilang mga dekada charot. May magbasa man o wala, mag uupdate ako pero hindi araw-araw. Pampalipas oras ko nalang po kapag hindi busy sa lovelife. Charot. Ano daw? 😅 So ayun lang mga madi, ingats tayong lahats. Kbye. 😘😌💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JULIA IN 238BC (Ongoing/Republished/Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon