KABANATA 1

1.3K 75 3
                                    

Welcome silent readers!
Chapter 1 na tayo. At sa Chapter 1-3,
third person P.O.V po muna
ang gagamitin ko.
Thank you for reading my story!
Enjoy reading! (^__^)

_______________________________________
KABANATA 1
[Elden Castle, 238BC]


♧Third person♧

"Princess Julia, gumising na po kayo, mataas na po ang sinag ng araw sa labas."

Ikatlong tawag na ito ni Mia sa dalaga habang nakatayo sa gilid ng kama.

Si Mia ay labingsiyam na taong gulang. Mahaba ang buhok nito at kulot. Medyo may kaputian ang balat. Masipag sa mga gawain.

Siya ang katulong na nakatalagang magbantay sa nag iisang anak ng Hari at Reyna dahil sa makulit at pasaway ito. Limang beses ng nahuli ng Hari ang anak na pumupuslit palabas ng kastilyo pagsumasapit ang gabi kaya naman mahigpit ang bilin sa kaniya ng Hari na bantayan itong maigi.

Ngunit lingid sa kaalaman ng Hari ay mas pabor pa ito sa prinsesa. Madalas itong nakalalabas pagsumasapit ang gabi ng walang nakakaalam dahil binabantaan nito si Mia na magpapakamatay ito sa oras na hindi pumayag.

Nagpakawala siya ng malalim na pagbuntunghininga.

Mataas na ang sinag ng araw, subalit 'di parin ito nagigising.

Walang siyang ibang maisip na paraan kung kayat hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.

Ngunit bigla niyang nabawi ang kanyang mga kamay at napaatras ng maramdaman ang tagos sa butong lamig na nanggagaling sa katawan ng dalaga na parang hinugot sa loob ng freezer.

Bigla siyang natakot.

Kung may masamang mangyari sa prinsesa. Siguradong kasama siyang ililibing ng buhay at 20 pa na katulong na isasamang ililibing rin sa kailaliman ng lupa.

Siya pa naman ang inaasahan ng pamilya niya.

Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Ang pinakabunso ay isang taong gulang pa. Sumakabilang buhay na ang kanyang ama kung kayat siya ang sumuporta sa mga ito. Hindi naman pwedeng magtrabaho ang kanyang ina dahil pabigla biglang bumabalik ang pamamaga ng mga paa nito.

"Bakit sobrang lamig naman ng katawan niya? Anong nangyayari sa kanya?" nausal niya.

Wala sa sariling inilapit niya ng kaunti ang isang daliri sa ilong ng dalaga.

Nanlaki ang mga mata niya at namutla.

Kagat kagat ang dulo ng kuko na hindi mapakali.

Parang sasabog ang puso niya sa lakas ng tibok nito ng mapagtantong hindi humihinga ang prinsesa.

Anong gagawin ko?! Tarantang nausal ng kanyang isip.

Minabuti niyang pakalmahin muna ang sarili. At ng makabawi ay dali dali itong tumakbo patungo sa kwarto ng pinsan ng prinsesa na si Clare, anak ni General Adorjan. Napangasawa ni Adorjan ang nag-iisang kapatid ng Hari na sumakabilang buhay na, limang taong ng lumipas.

"Sinong---Mia?! Bat ang putla putla mo?" Gulat na bungad sa kanya ni Clare ng mapagbuksan siya ng pinto.

"A-ang prinsesa. Sobrang lamig ng katawan nito at hindi na hu-humihinga---" nauutal niyang balita.

"A-anong sabi mo?! Te-teka. Bumalik ka sa silid ng prinsesa at ako naman ay pupuntahan ko si Doctor Adelmo. Alam ko kung saan siya matatagpuan sa ganitong oras."

Pagpapaliwanag ni Clare sa kanya kung kayat mabilis siyang bumalik sa silid ng prinsesa.

Si Doctor Adelmo ay private Doctor ng pamilya at bihasa sa larangang medisina. Palaging nakasuot ng kulay puting damit at maputi narin ang buhok sa gulang na 65.

Makalipas ang ilang minutong lakad takbo na ginawa ni Clare, nakita nito si Adelmo. Hinihingal na ibinalita ang masamang nangyari ng makalapit sa matanda.

Agad na inabot ng matanda ang bag na nakapatong sa mesa. Isinukbit sa balikat. Pagkatapos ay hinayun ng dalawa ang silid ng prinsesa.

JULIA IN 238BC (Ongoing/Republished/Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon