Chapter 3

6.9K 98 2
  • Dedicated kay Sandy Mer C. Labrador
                                    

CHAPTER 3

            “Miss, are you alright?” Tanong ng anghel..este…ni Yuu pala. Hindi niya namalayang nakababa na pala ito sa kabayo nito at tinulungan siyang makatayo.

            “Y-yes, i-i’m okay.” Sambit niya na titig na titig pa rin dito.

            “Anong okay ka lang? Carglen Bustamante, you lost your balance and hit the ground and you can barely stand up and now you’re saying you’re okay dahil lang sa nasilayan mo ang mukha nitong Japanish na lalaking ito?! Oh c’mon! I’ll call your brother.” sermon ‘na naman’ ni Genil.

            No way!“Couz, please don’t call Kuya. He’ll get me out of here as soon he’ll know.” Tiyak na magsusumbong ito sa Mommy nila na nadisgrasya siya and her fantasy over Yuu Shirota is over. As in D-O-N-E!

            She gave Genil her winning pleading puppy eyes. Itinaas nito ang dalawang kamay. “Okay! Okay! Baka magkapalit pa tayo ng mata. But Yuu will take you to Kester. Kailangan mong ipa-check iyang paa mo. I don’t want you to be a crippled princess.”

            “I can’t. I don’t have much time. May induction pa mamaya.” He carried her and mounted her on top of his horse pero hindi ito sumakay. Nanatili lang ito sa harap niya nang biglang tinanggal nito ang high-heeled shoes niya at isa-isang hinilot ang mga paa niya.

            She was touched. Wala pang lalaki ang nagbigay sa kanya ng ganoong treatment. Not even her past boyfriends. Si Yuu lang. Kay Yuu na halos isumpa niya sa pagkawalang-modo nito at ngayon ay binibigyan siya ng dahilan para main-love ng todo dito. Oo, main-love ng todo dahil matagal na siyang in love dito. Hay, nasilayan ko na rin ang mukha ng ultimate crush ko. Alam mo bang adik ako sa iyo ha, mokong ka? Ahlabyu Yuu! Wee!

            “I hope you’re okay now.” sabi nito pagkatapos nitong isuot uli sa kanyang paa ang kanyang mga sapatos.

            “Yes I am. Thank you ha? Alam mo ang gwapo mo talaga. Kung di lang ako masyadong mabait, hinarass na kita kanina pa, pero dahil—“

            “No problem. I have to go.” Walang kahirap-hirap siya nitong binaba sa lupa. He mounted on top of the horse and in just a blink of an eye, nawala na sa paningin niya ang lalaking matagal na niyang pinagnanasaan.Anuvayan?!

            “Aba! Ang lalaking iyon! Isusumbong ko talaga ang kurimaw na iyon kay—”

            “He’s an angel!” Putol niya sa pinsan niya.

            Ewan ba niya pero para siyang baliw na nastarstrucked sa ‘kurimaw’ na iyon. He’s handsome and she can’t bear to hate him. With a face like that? Paano nga ba niya isusumpa ang mukhang iyon. Lalo na kung matagal na niyang sinisinta ito. Isang ngiti nga lang nito ay mababayaran na ang lahat ng utang ng Pilipinas at magkakaroon na rin ng world peace sa mundo.

            “Carglen Bustamante!Naunsa ka ba gid?Wag mong pantasyahin ang Yuu Shirota na iyon. Marami pang gwapo at mukhang anghel dito. Iyon nalang ang i-harass mo, wag si Yuu dahil baka ikaw pa ang kaininnoon ng buhay. Alam mo bang ang laki ng galit no’n sa Earth? Kaya iba na lang okay?” Hinihingal pa ito pagkatapos ng mahabang speech nito.

            “Akala ko ba may mga chains na ang lahat ng Stallion boys dito?” Hinarap niya ito at tinaasan ng kilay.

            “Wala akong sinasabing ganoon. There’s still a ‘but’ right?”

            “Ay, oo nga pala. So, but what na?” Nabuhayan na naman siya ng sunggay sa kilikili.

            “Masyadong marami, eh. Ang mabuti pa, just see them for yourself okay? Magsisimula na ang induction, kaya let’s go!” Hinila na siya ni Genil sa isang malaking establishment doon.

            Magsasalubong uli ang landas namin ng destiny ko! Yiiiz! He-he!

NASA isang table sa Riders Verandah sila ni Genil kasama ang mga babaeng kaibigan ng pinsan niya. Obviously, mga fiancés at asawa ito ng mga Stallion boys. Kilala niya ang karamihan dito. Like Paz Dominique, Gov. Zapanta’s wife;Ada, Mayor Rozen Aldeguer’s wife; Jeuliette and Nova, the notorious Samaniego twins’ fiancés at iba pang swerteng mga loka-loka.

             “Hay! Mabuti naman at nakatakas na ako sa buhay sa Manila. Wee! Dito ko na naman ipaparada ang walang kupas kong alindog sa SRC.” Sigaw ni Michi, ang romance novelist na asawa ni fafa Baxter.

            “Kabidli ba gid.”Reklamo naman ng pinsan niya.

            “Ano na namang lengguwahe ang ginagamit mo ha, Genil?” reklamo naman ng oh-so-great Diosa Samaniego.

            Tinapik-tapik ni Nadja ang straw ng juice niya. “As usual, ‘yung siya lang din ang nakakaintindi.”

            “Anyway, may dalang mukhang Barbie itong alien nating kaibigan.” Nakatuon sa kanya ang atensiyon ng mga Stallion girls nang ngumiti si Dominique sa kanya at inilahad ang kamay nito.

            “Hi, I’m Paz Dominique Moreno, uh…pwede ko na bang gamitin ang last name ni Zell? Uh, pwede na siguro. I’m Paz Dominique Moreno Zapanta, yun! Anyway, alam kong kilala mo na ako. I mean, who am I kidding? Kilala ako ng buong Pilipinas, alright? Pati nga sa Mars, nagpatayo sila ng rebulto ko doon. Ha-ha!” As expected, hindi pa rin nauubusan ang yabang nito sa katawan. Nang hindi nakitawa ang ibang babae kay Dominique, tinanggap na lang niya ang nakalahad na kamay nito.

            “Oh, of course I know you. I’m Carglen Bustamante, the one and only pampered princess of the Bustamante clan slash, owner of Lushness shoe boutique which has branches throughoutParis,Tokyo,Miamiand of course here in thePhilippinesslash, unluckily, Daboi’s sister. Yon’ lang.” Ngumisi pa siya ng abot tainga.

            Pumalakpak si Dominique at hinablot nito ang hintuturo niya at idinikit sa hintuturo nito. “Paratayong super twins, alam mo yon? Sa wakas may nilalang nang ippinanganak na may same level ng self-confidence katulad nang sa akin.” Ngumiti ito ng matamis sa kanya.

            “Hmp! Yabang ka’mo.” Hirit ni Sonja at hinarap siya nito.What? Meaning mayabang ako? Pwede rin.“Anyway, Carglen, may love story ka ba? Asawa? Fiance o boyfriend? I’m wondering kung pwede—“

            “Kitang gawing heroine sa romance novel ko?” Putol ni Michi. Kasi naman sina Sonja, Sindy at Michi lang naman kasi ang mga dakilang romance novelist sa SRC.

            “Wag ka ngang epal diyan Michi! Ako ang nauna—“

            “Rukiiiii!” Napatingin silang lahat sa cute na babaeng hinahabol ang obviously, sinisinta nitong mukhang kalahi din ng Yuu baby niya.

            “Stop following me, woman!” sagot naman ng lalaking parang Japanese rock star.

            “I have the right to, eh, fiancé kita noh! Haller!” sigaw ulit ng cute na babae.

            “Uy! I can smell lover’s quarrel!” sigaw niAda.

            “Uy! I can smell money!” sabay na sigaw naman ni Sonja at Michi.

            “I smelled it first!” singit ni Sindy. Sabay na ang tatlong tumayo at lumapit sa magsing-irog na nag-aaway.

            “Girls, behave! Magsisimula na ang induction ng mga new members kaya umupo na kayong lahat and cheer for your lovey doveys.” Tumahimik naman ang lahat sa sinabi ni Tamara at itinuon ang atensiyon sa arena kung saan nagkaisa ang lahat ng Stallion boys. Nakasuot ang lahat ng members ng riding uniforms nila. Then she saw the most handsome creature in the group, Yuu Shirota.

            Yeboi! This is gonna be heaven! Weeee!

Yuu Fernandez Shirota ( A PHR Stallion Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon