Chapter 9

6.1K 80 1
                                    

CHAPTER 9

“          “Hey! Anong nangyayari dito?” Muntik nang maglumpasay sa takot si Carglen nang marinig ang boses ni Reid sa likod niya.

            “Sir, gusto hong lumabas ni Ma’am pero wala naman pong notification na galing kay Sir Daboi na pwede siyang lumabas. Nagpupumilit ho, eh.” Sumbong ng kawawang security guard.

            Kanina pa kasi niya inaaway ang pobreng guard para palabasin siya. Kailangan talaga niyang lumabas ng SRC para mahabol niya ang sinisinta niya.

            “Where do you think you’re going, Carglen?” Hinarap niya ito. Wala na siyang pakialam kung magmumukha man siyang sinabunutan ng sampung aswang dahil hindi siya nagbihis o nagsuklay man lang. Nag-empake lang siya tapos umalis na agad sa bahay ng Kuya niya. Wala na naman kasi ang Kuya niya at si Arianne pagdating niya. She doesn’t have enough time to wait for them. She has to leave. As in, now na!

            “Reid, I have to get out of here. Kung kinakailangan kong maging si Darna at liparin ang Barcelona para lang maabutan si Yuu, gagawin ko. Reid, please…”

            “I just talked to him. The last time I checked, bukas pa ang concert niya sa Barcelona. He just left today, to meet his manager but he won’t be back here cause he has to fly to Spain tonight. And the last time I checked, wala kang notification para makalabas ng club.”

            Nalaglag ang balikat niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung magagalit o mahihiya o maglumpasay sa tuwa sa nalaman niya. One day. I still have one day to speak and confess my love to him.

            “K-kung ganoon, I have to see him. Kailangan niyang malaman ang…ang…nararam­—ang dapat niyang malaman.” Pilit na ngumiti siya.

            “Let her, Reid. Para naman may bagong couple na naman ang maghahasik ng pag-ibig dito sa kaharian mo.” Nagulat siya nang bigla nalang sumulpot si Tamara sa eksena. Nakasakay din ito sa kabayo. Mukhang nagre-race ang dalawa. Tamara smiled at her.

            “Now you’re barging in other people’s business.” Nakakunot ang noo ni Reid at hinarap ang asawa nito.

            “You lost to me and our deal is, if I win, you’ll let me do and decide everything I wanted to have a say on.” Tamara teasingly grinned at Reid then she turned her attention to her. “You can go now. Habulin mo na si Yuu.”

            As if on cue, dumating naman ang official family chauffeur nila. Walang sabi-sabing sumakay agad siya sa kotse at hinayaang ipasok ng driver niya ang mga gamit niya.

            “You’re welcome!” Pahabol na sigaw ni Tamara. Natawa siya, nakalimutan kasi niyang magpasalamat dito.

            “Thank you!” Pasigaw din niyang sabi saka kumaway sa mag-asawa. That was a minute after, when she realized she doesn’t know where exactly Yuu was. “Okay lang. Kaya ko ‘to. Aja!

            She then called her Mom and asked for help to locate Yuu.

            “Okay honey, I’ll ask Milessa to locate him. Sana nga nasa Pilipinas pa siya sa ngayon. Keep your fingers crossed honey. I’ll do what I can.

            “Mom, I wont give up without putting up a good fight. It’s still the beginning. I know he’s still here. I can feel him, his heart, he’s still here.” Ni-recite pa niya ang line na ‘yun.

Yuu Fernandez Shirota ( A PHR Stallion Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon