Chapter 5

6.5K 78 0
                                    

CHAPTER 5

            “Hoy Yuu! Wag mo naman akong iwan noh!” sigaw niya. Hinarap siya nito na as usual, magkasalubong na naman ang mga kilay.

            “Hello.” Ngumiti siya. Grabe! Hindi talaga nababawasan ang kagwapuhan nito kahit kontodo na ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Kahit anong anggulo, walang maipipintas. Sobrang gwapo ito. As in!

            “What do you want?”

            “Uhh..wala. Gusto ko lang kitang makausap. At dahil nakita kita kanina, nilapitan kita kaso dumating si Chi tapos nag LQ sila ni Ruki kaya nadisturb tuloy ang moment natin.”

            “Anong moment? Wala tayong moment dahil ayokong makipag-usap. I’m not in the mood.” Tumalikod ulit ito.

            “Then I can help. I can be a very good company. I can make you laugh and smile and cry and..yan! I can make you angry.” Ngumiti na naman siya nang walang kasing tamis nang humarap uli ito na magkasalubong pa rin ang mga kilay.

            “You always make me angry and I know you’re aware of it.”

            “Hindi noh! Kita mo nga kanina, nagcheer pa ako sa iyo para sumaya ka.”

            Lumapit ito sa kanya at habang palapit nang palapit ito sa kanya, lalong bumibilis nang bumibilis ang tibok ng kanyang puso kaya pumikit siya. Everything was in haze, all was in slow motion. From the way he raised his hand and caressed her cheek and —.

            Nang dumilat siya, ang seryosong mukha ni Yuu ang sumalubong sa kanya.

Ay! Imagination ko lang pala iyon. Tsk!Pero hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso niya.

            “I didn’t like what you did earlier, lady. Wag mo nang gagawin ulit ‘yon kung ayaw mong ipasipa kita palabas ng SRC.”

            Tumikhim siya dahil sobrang lapit na ng mukha ni Yuu sa mukha niya na kapag mademonyohan siya, pwede na niya itong halikan agad.Dear Lord, ilayo n’yo po sa tukso ang puso ko. Ayoko pa pong mapikot ng maaga. Oh no!

            “P-para ka namang si Kuya Daboi kung magsalita. Bakit ba pareho kayong gusto akong palabasin—“

            “You’re Daboi’s sister?” Bakas ang gulat sa mukha nito.

            “Hmm? Ah, oo. Carglen, Danielle Bustamante’s sister, God’s descendant and Aphrodite’s twin. Bakit, may problema ka ba doon kasi okay lang. Ayoko rin naman na may kuya akong katulad niya saka—“

            “You know I’m your mother’s best friend’s son?” Walang emosyon nitong tanong.

            “Yes. Kaya nga kinukulit kita kasi ang laki ng utang mo sa akin. Sabi ng mommy mo, dadating kayo sa birthday ko pero dumating na lang ang twenty-third birthday ko pero puro gifts lang naman ang natanggap ko. Kaya napagdesisyunan kong ako na lang ang lalapit sa iyo para hindi ka na makatakas. Anyway, sasabihin ko naman kay Mommy na ikasal na tayo kaya­—“

            “Look, we’re not getting married. I am not going to let myself get married with a woman especially like you.” Bulyaw nito sa kanya. Para naman itong babae kong makabulyaw. Daig pa si Mommy.

            “Don’t worry, hindi naman kita minamadali. Saka may one week pa bago ang twenty-fourth birthday ko kaya matagal-tagal pa ang panahon na paghahandaan mo bago tayo ikasal. So chill okay?” Nginitian na naman niya ito na mas ikinabwisit nito.

Yuu Fernandez Shirota ( A PHR Stallion Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon