Chapter 8

6.1K 68 1
                                    

CHAPTER 8

           

            “Yes.” Walang isip-isip niyang sagot. Todo na talaga ito. Kailangan nang malaman ni Yuu kung gaano niya ito kagusto at hahamakin niya ang lahat ng kalahi ni Hitler para lang dito.

            Narinig pa niyang bumuntong hininga ito. “Why?”

            “Kasi gusto kita and you have everything I wanted for a husband tapos palagi mo pa akong pinapangiti.”

            “Pinapangiti kita? I don’t even smile at you or anyone else.”

            “Nginitian mo kaya ako noh. Doon sa arena, pagkatapos ng cheer ko sa’yo .”

            “I did? Oh well..” Bumuntong hininga ulit ito. “By the way, happy birthday.”

Nagulat siya. Birthday na ba niya? Pero…bukas pa ang—Teka! Bakit alam nito ang birthday niya? “Bukas na ang birthday mo hindi ba? It’s for advance cause I will be busy tomorrow. Saka gusto kong bumawi kasi ang dami mo nang birthday na hindi ako naka-attend. Sabi ni Tita Glenda­—”
            “Bakit alam mo kung kailan ang birthday ko?” Ngayon sinigurado na talaga niyang may distansya na sa pagitan nila para hindi na naman siya magmukhang manyakis ulit. Syet na malupet!

            “I don’t know. I just know..i mean, do you understand me?”

            “Nope. Pero okay lang basta may gift ka sa’kin.” She grinned playfully. Tumikhim ito.

            “No, don’t tell me…I know that smile, Carglen Bustamante.” Ngayon binigyan na naman niya si Yuu ng kanyang specialty pleading eyes. “What else do you want me to do except for belly dancing?”

            Tumawa na talaga siya. “Sing for me.”

            “You might not understand it. Spanish at Japanese lang ang mga kanta ko.”

            “Anong akala mo sa’kin? Super slow? Sige na kumanta ka na.” Then he softly put her head on his chest and began singing.

            “No digas no, que te conozco y se como piensas, no digas no...” She had never felt this way with a man. Oo, hindi pa rin siya makarecover sa pinaggagawa ni Yuu ngayon. Ang pagiging mabait nito at lalo na sa pagkanta nito sa kanya. Everything was confusing. Pati ang tibok ng puso niya habang nakikinig sa kanta ni Yuu hindi rin niya maipaliwanag.

            “Cuando se ama, el final se presiente. Se nota un frio, un vacio tan triste…”

            She grew up with him in her mind. Her childhood suddenly passed off believing Yuu’s gonna be the man she’ll marry soon. At ngayong nasa tabi niya ito parang ang labong paniwalaan ang lahat. Parang panaginip na totoo o totoo na parang panaginip.Ewan ko! Basta todo na ito, dude! Walang basagan ng pantasya.

            “Naintindihan mo ba ‘yon?” Hindi niya namalayang tapos na pala ang concert ni Yuu.

            Umiling siya. “Hindi, paano, eh, Japanese na naman ‘yun noh! Pero okay lang, gwapo ka naman.” Narinig niyang tumawa ito. As usual, mahina na naman. Parang takot itong mag-avalanche kapag tumawa ito ng malakas. Saka tumikhim ito ng malakas.

            “It was Spanish. Anyway, it’s getting dark, I have to send you back to Daboi’s house.” Pinatakbo nito si Philesse pabalik sa dinaanan nila kanina. Hindi na siya nagreklamo. Anyway, Yuu just made her day. Baka sumpungin ulit ito at maging kalahi ulit ni Hitler.

Yuu Fernandez Shirota ( A PHR Stallion Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon