Chapter 7

5.8K 84 1
  • Dedicated kay Kenny Clerigo
                                    

CHAPTER 7

            “I-im—“Bago pa niya matapos ang sasabihin, sinalubong na sila ng malutong na palakpakan. Hindi niya namalayang nasa arena na pala sila at lahat ng tao ay nakasaksi ng ‘moment’ nila. Tinulungan siya ni Yuu na makababa sa kabayo nito.

            “Never mind about that. That was nothing.” Iyon lang at iniwan na siya nito.

Her cheeks are still on fire nang lapitan siya nina Polly para kastiguhin sa nasaksihan nito kanina.

            “Ang hot ng moment ninyo kanina bruha ka! Grabeh ha, inalok pa kita ng tulong kay Yuu tapos hindi mo na pala kailangan yun, eh, kita mo? Nakascore ka na agad. Galing!” Nakitawa na lang siya sa kalokohan nito kahit hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Kinikilig siya na nahihiya na..ewan! Parang gusto na lang niyang sumabog agad.

            Pumuwesto na sila ni Polly, Dominique, Nadja at lahat ng Stallion girls sa isang malaking mesa kung saan tanaw na tanaw ang buong arena.

            “Ang gwapo talaga ng mister ko! Wooo! Mainggit kayo mga bruha!” Tumawa pa si Temarrie habang kumaway-kaway sa asawa nitong si Juan. Actually, Juan Bernardo IV o Jubei na lang para mas modern naman pakinggan.

            “Hoy bawal ang mga bulag dito. Hindi mo pa siguro nasisilayan ang alindog ng Ian Jack baby ko kaya ganyan ka kung makapuri sa asawa mo.” Pang-iinis naman ni Naville.

            “Nagsalita ang isa pang bulag. Wala lang yang mga asawa ninyo sa Cloud baby ko noh!”

            “Disqualified si Cloud, Polly. Babae ‘yun, hindi lalaki.” Sagot naman ni Nadja.

            “Nadja naman, eh. Akala ko ba mare kita forever?” diin naman ni Polly.

            “Oo pero kailangan ko rin namang ipaglaban ang Angelo loves ko noh!”            “Girls, gwapo lahat ng mgafafanezninyo okay? Walang pangit na nilalang dito sa SRC. Sinisiguro ng King Reid ko na puro mga gwapo lang ang nakakatapak sa lupain niya. Gets?” Ang reyna na ng SRC ang nagsalita kaya natahimik silang lahat.

            Pumalakpak ang lahat nang isa-isa nang pumasok sa arena ang mga Stallion boys. Nabahala si Carglen nang napansin niyang wala sa loob ng arena si Yuu.

            “Insan, wala yata si Yuu.” Sabi niya kay Genil.

            “Hmm? Baka nasa tree of wonder pa iyon, siguro hindi nakaget-over sa halik na iginawad mo kanina.”

            “Tumigil ka nga. Umalis naman siya agad eh. Akala ko pumasok na sa arena.”

            “Huwag mo masyadong i-miss si Yuu, darating din yon. Baka may special entrance iyon kaya wala pa. Cool ka lang, okay?” Bumuntong hininga na lamang siya.

            Para siyang nabuhayan ng dugo nang makita si Yuu na pumasok sa arena. Nahuli na ito kaya hindi na ito nakasali sa dressage contest. Tumingala ito na parang may hinahanap at nang magkasalubong ang mga mata nila, bigla siyang umisod para mabakuran siya ni Annamae na busy sa pagwawagayway ng mga banners para sa asawa nitong si Pipo.Ungas! Nakita ka nga di ba? May patago-tago effect ka pang nalalaman.Sermon ng maliit na tinig sa isip niya.

            Ano bang nangyayari sa kanya? Pagkatapos kasi ng aksidenteng halik na nangyari sa kanila ni Yuu kanina parang nahihirapan na siyang maging si Carglen na walang preno kung magpacute dito. Pati nga sa pagsalubong sa mga mata nito, di na niya kaya. Para siyang naiilang na ewan. Ni hindi niya kayang ngumiti ng nakakaloko kay Yuu tulad ng ginagawa niya kapag galit ito.Nahihiya ako. ‘Yon nga, nahihiya ako pero ba—.

Yuu Fernandez Shirota ( A PHR Stallion Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon