Last Chapter

8.6K 172 22
                                    

CHAPTER 10

            “Carglen..you shouldn’t cry. Nasaan na yung makulit na babaeng gumulo ng mundo ko?”

            “Yuu! Bakit ba may ganyan kang mukha ha? Bakit ba ang gwapo mo? Bakit kailangan mo pang bulabugin ang puso ko? Eh, alam ko naman na may lahi akong diyosa at di mo matitiis ang alindog ko pero nakakabaliw ka kasi, eh. Bakit ikaw pa?” Pabirong hinampas niya ang braso nito. Hindi na niya alam kung umiiyak ba siya o tumatawa.Mukhang both ‘ata. Kung ikaw kaya ang nasa moment na ito noh?

            Hindi naman ito nagsalita dahil titig na titig lang ito sa kanya kaya nagpatuloy siya sa litanya niya. “Grabe! Alam mo bang hindi ako nakatulog pagkatapos mo akong halikan ng gabing iyon? Kaya nga para akong mukhang zombie nang nagising ako sa araw ng birthday ko. Tapos nalaman ko na lang na aalis ka na papuntangBarcelona. Hindi mo man lang ako sinabihan. Akala ko tuloy, ang pangit ko dahil hindi mo man lang napansin ang isang Bustamante goddess. Ungas ka, Yuu! Pinaiyak mo pa ako.” Tumawa siya ng pagak at hinalikan ni Yuu ang noo niya. “Isa pa itongpuso itong, eh. Napakatraydor! Ilang beses ko nang sinabing huwag masyadong magpadala sa kagwapuhan mo, eh, yun! Matigas ang ulo ng puso ko kaya…teka, may ulo ba ang puso? Ah basta! Mahal kita, mokong ka! Nakakabaliw ka! Eehhh..Wag mo nga akong titigan ng ganyan!”

            Tumawa ulit ito. “Why? Ano bang meron sa titig ko?”

            “Heh! Ang haba haba ng litanya ko tapos iyan lang pala ang isasagot mo?”         “The last time I checked, you didn’t ask me anything.” He grinned teasingly.

            “Manhid! Magsama kayo ni Kuya Daboi! Tse!” Nagsimula siyang maglakad palayo at doon lang niya napansin na lahat ng Stallion boys ay naroroon din pala. At lahat ng mga tao ay nanonood lang sa ‘moment’ nila habang ang iba ay busy sa pagpapapicture sa mga Stallion boys.

            Nagulat siya ng bigla na lang hinawakan ni Yuu ang kamay niya. She felt bajillion bolts spread through her whole system.

            “Anata no aishite masu, Carglen-chan.”

            “A-ano? Sabing hindi ako nakakaintindi ng lengguwahe ninyo ni Genil. Bakit ba kasi—”

            “Te quiero amor. Je T’aime. Jan Alskar Dig. Shan ra kun. Saranghaeyo. Mahal kita. I love you.That’s what I feel for you in different languages.”  Ngumiti ito at hinaplos ang kanyang pisngi. Sapat na iyon para malunod siya sa emosyong kanina pa naglalaro sa puso niya. He loved her. Yes, he does. And she’ll be damned if she won’t accept his love. Noon lang niya narealize na iyong nararamdaman niya kay Yuu noong nasa tiyan pa siya ng Mommy niya ay fascination at crush lang pero ang nararamdaman niya ngayon dito, ay walang dudang pag-ibig nga, as in love.

            Tell me I’m not dreaming. Tell me! OMG! Pwede na akong kumain ng apoy nito! Kahit tao pa!

“HINDI ko alam kung bakit. Maybe that’s what love is. I don’t need millions

of reasons why I love you because being without you explains everything. Alam kong nagmukha akong baliw ng kakaiwas sa iyo noon. And I’m perfectly sorry for that. Kasi naman, noong unang beses kang ngumiti sa akin, I knew you perfectly spell trouble. Kaya nang sinabi sa akin ni Mommy na dadalhin niya ako sa Pilipinas para umattend ng birthday mo, I ran to my Dad para hindi na ako mapilit ni Mommy. Mas lalo akong nagrebelde nang ipinagkasundo tayo ng mga mama natin na ipakasal sa isa’t-isa. Then your brother told me about Stallion Riding Club.” Yuu glanced at Daboi who was hurrying to hide from the crowd. Guilty ang ungas. Kaya pala ayaw niya talaga akong papasukin sa club.

            “Oops! Exit na ako.” Sabi pa ng kuya niya. Dahilan para matawa silang dalawa then Yuu continued his ‘confession’.

            “I know malaki ang chance na makikita mo ako kaya ginawa namin ang lahat ng paraan para hindi ka lang makapasok sa club. But you’re Mom was too clever, and Daboi was..sort of a loser kaya nagawa nga ng Mommy mo na ipag-krus ang mga landas natin. You cheered for me and screamed that you love me. I thought I was doomed so I kept my distance. Ayokong malapit sa iyo. Then one day, you talked to me about our marriage and how you liked me beyond all my rudeness. That’s the day I started to get fascinated by you. When I let you ride with me on my horse, I was trying to offend you, make you feel that I don’t really have plans of marrying you. Tapos, nagising nalang ako na pinag-uusapan na nga mga tao sa club that we are engaged. My co-members kept on teasing me about it and I was dared to handle you, which obviously, I failed to do so. Because the more I kept on trying to handle you, the more I kept on falling for you.” Tumigil ito sa pagsasalita at mataman lang siyang tinitigan habang ang mga kulugong Stallion boys naman ay kasabay na naghiyawan.

            Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi na nga naka-absorb ang utak niya sa mga pinagsasabi ni Yuu. Masaya siya na hindi makapaniwala na totoo ang lahat. It’s just absurdly too good to be true. She blinked a lot of times but every time she opens her eyes, Yuu is still there, looking at her intently.

            “Y-yuu…hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I mean, alam ko pero..pero ang dami kasi tapos, baka malula ka lang sa pakikinig. Alam mo namang ang daldal ko. Saka hindi ko rin alam kung saan magsisimula.” She smiled apologetically.

            “Wala naman akong gustong marinig sa iyo kundi ang sagot mo sa magic three words ko.” He looked down at her and smiled with his eyes.

            “Sobrang manhid mo naman yata kung hindi pa rin obvious na mahal din kita. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal—” Hindi na siya pinatapos ni Yuu dahil sinakop na nito ang mga labi niya. The last thing she heard was the people around them were whistling ang applausing na parang libreng show lang ang nangyari sa kanila ni Yuu. Saka dumating ang mga pulis para palabasin silang lahat, pati ang mga kabayo ng mga Stallion boys na obvious namang hindi pwede sa loob ng airport.

            Bakit nga kaya nakapasok ang mga kabayo nila rito? Duh! The hell I care, noh! Kapiling ko na ang taong gumulo ng puso at ng mundo ko. And it’s all that I care about right at this moment. The End.

            Biglang naghiwalay ang mga labi nila nang kumalas si Yuu. “Wait, I have a million-dollar question for you.” Ay, hindi pa pala ‘the end’. He-he.

            “Hmm…what? Kung ako ba ang bumihag sa puso ng Japanish monster na si Yuu Shi—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bigla na lang lumuhod si Yuu sa harap niya. He pulled out something from his jeans’ pocket and held out a diamond ring in front of her. It must be the most romantic thing a guy did for her. OMG! This is it! This is really is it, is it!

            “Let me do the things that you have done for me and let me start from the very beginning. ‘Yung ako na ang manliligaw at magpapacute at hindi ikaw.” Natawa siya.

            “Carglen, will you let me be a part of your life and let me love you forever? No, let me rephrase that. Carglen, will you be a part of my life and love me forever?” She was dazed for a moment but she never hesitated when she answered.

            “With every breath I take.” And again, their lips met and nothing ever mattered to the both of them but the rhythm of their hearts as they shared the kiss.

WAKAS

🎉 Tapos mo nang basahin ang Yuu Fernandez Shirota ( A PHR Stallion Series) 🎉
Yuu Fernandez Shirota ( A PHR Stallion Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon