Chapter 1
Field tripMonica's POV
Isang liwanag mula sa bintana ang sumilaw sa'kin dahilan upang magising ako at mapabangon sa hinihigaan 'ko.
Pagod ako at wala akong ganang tumayo pero ano pa nga bang magagawa 'ko? May pasok. Hindi katulad sa Cursydian, pwedeng mahuli sa klase. Pero rito sa ordinaryong school ay bawal. Napipilitan man ay tumayo ako para maghilamos at bumababa sa kusina.
Mabilis akong kumilos. Pagkatapos 'kong ayusin ang sarili 'ko, bumaba agad ako para kumain ng agahan. Katulad ng inaasahan 'ko, naabutan 'ko si Grace sa kusina na nagluluto itlog. Siya palang ang tao rito ngayon, hindi pa yata gising si Gwen. Mahilig kasing magpuyat palibhasa gabi-gabi ay may kausap.
Umupo ako sa dining table at hinintay na matapos si Grace sa pagluluto. Mabilis kumilos si Grace kaya pagkatapos ng ilang oras ay nilapag niya na sa mesa ang ulam. Sakto namang lumabas na rin si Gwen sa kanyang kuwarto na may magulong
"Puyat pa," nakangiwing bungad ni Grace nang makaupo si Gwen sa tabi 'ko. "Anong oras kang natulog ha? Narinig kita kagabi, tumatawa ka pa."
Ngumuso si Gwen at kaagad na napakamot sa ulo, "Maaga akong natulog, ate. Guni-guni mo lang iyon."
"Sus! Hindi kita pinayagan na mag-boyfriend dahil diyan! Huwag ka nang magpupuyat mamaya, maliwanag? Baka pagkarating 'ko mula sa duty ay makita pa kitang gising. Nako, kukunin 'ko man iyang cellphone mo sa'yo," may pagkairitadong tugon ni Grace.
Iyan lagi ang pinag-aawayan nila tuwing umaga. Kapag hindi cellphone ay pagpupuyat. Buti nga at hindi ako nadadamay sa kanila. Hindi naman kasi ako nagpupuyat, maliban nalang kung pag-aaral ang pagpupuyatan at hindi lalaki.
Nagsalok ako ng kanin at ulam sa pinggan 'ko bago inabot kay Gwen ang pinggan na may kanin pati na rin 'yung may ulam. Hindi sumalo sa'ming dalawa si Grace dahil nagmamadali siyang maghanda paalis ng trabaho. Doon siya kumakain ng agahan sa trabaho niya kaya minsan lang kung makasabay namin siya. Ayos lang iyon sa'min ni Gwen, hindi mo rin naman mapipilit si Grace dahil mahal na mahal niya ang trabaho niya.
Kapag wala rin si Grace, roon ni Gwen nilalabas ang sama ng loob niya. Nakikinig ako at minsan ay nagbibigay ng advice. Simula yata ng maging sila ni Lance ay na-adik na siya sa telepono. Pinapaalala 'ko naman kay Lance na huwag din magpuyat at huwag idadamay si Gwen. Hindi yata sa'kin nakinig ang lalaking iyon, kapag nakita 'ko siya mamaya. May sapak agad siya sa'kin.
"Nag-uusap lang naman kami tungkol sa school. Marami kasing project si Lance, tinutulungan 'ko lang." pagsusumbong ni Gwen sa'kin.
"Oh eh, bakit sa'kin mo sinasabi iyan? Bakit hindi sa ate mo?" tumaas ang kilay 'ko saka napailing. Dapat kay Grace niya sinasabi iyon nang malaman ni Grace ang dahil kubg bakit siya nagpupuyat.
"Ayos, ganda mong kausap," saad niya, halatang inis. "Oo nga pala, sabi ni Mark. Sabay-sabay na raw tayong mag-lunch. Tumama schedule ng lunch nila sa lunch na'tin kaya makakasabay sila."
"Sige lang. Kung saan kayo masaya," sabi 'ko.
Magka-iba ang course namin nila Ivan. Ang kaklase 'ko sa aming magkakaibigan ay si Gwen, Ivan at Dean dahil Engineering ang kinuha naming course. Si Mark naman ay magsusundalo kaya siya talaga 'yung pinakabusy sa'min dahil sa training. Si Lance naman ay M.D, magdo-doktor. Si Claire naman ang tanging nag-iisa naming kaibigan na nasa Fashion Designing. Wala si Kiazelle dahil sa ibang school na siya nag-aaral. Lumipat na sila bago magsimula ang semester. Sabi nga namin na magpaiwan na lang siya at tumira kayna Claire dahil malaki maman ang bahay nito pero ayaw pumayag ng magulang niya kaya napilitan siyang sumama at iwan iwan kami.

YOU ARE READING
Running From The Curse
Mystery / ThrillerBook 2 of The Curse of Cursydian University