Chapter 03

39 4 3
                                        

Chapter 03
Sira

Mark's POV





Buong linggo kaming naging abala sa paghahanda para sa Fieldtrip. Maraming kinailangang ayusin at tapusin bago makasama kaya lahat kami ay abala. Halos isang linggo kaming hindi nagkita para roon kaya ngayong araw mismo ng pagalis namin papunta sa Fieldtrip. Sa iisang bus kami sumakay.

Marami kaming dinala na gamit, lalo na sa pagkain dahil mahigit limang araw daw kami roon. Parte rin daw iyon ng mga aralin namin sa school. Masuwerte mga 'yung mga Engineering kasi itong Fieldtrip na 'to ay mismong proyekto nila. Pero marami silang pag-aaralan dito kaya parang nasa school parin sila.

Panay ang reklamo ni Ivan sa'min. Kung bakit nga raw nagimg proyekto 'to. Mukhang pera raw paaralanan namin, sana deretsahan nalang daw silang humingi sa'min ng pera kung ganito lang din ang mangyayari. Pinarinig pa talaga sa Prof na kasama namin.

"Kalma, kapag ikaw binagsak niyan. Magkakaawa ka riyan," sabi 'ko habang tinutulak siya papasok sa loob ng Bus.

"Gago tol, hindi pa 'ko tapos. Baka ireklamo 'ko sila 'e," iritado niyang tugon.

Lumapit sa puwesto namin si Ms. Kyla. Ang prof na incharge rito sa Fieldtrip. Kaagad na natigilan si Ivan at pekeng ngumiti rito.

"Anong meron dito boys? Bakit nagtutulakan?" mahinahon nitong tanong. Napakamot ng ulo si Ivan.

"Wala po ma'am. Nagkakatuwaan lang po," sagot ni Ivan. "Aalis na po ba?"

"Oo, kompleto na kayo 'e. Pasok na kayo sa loob," utos niya pa kaya kaagad kaming pumasok ni Ivan sa loob ng Bus. Umupo kami sa bakanteng upuan na nasa harap lang ni Claire at Dean.

Nang umandar ang Bus. Kanya-kanya kami ng ginawa para hindi maburyo. Naglaro kami ni Ivan ng ML, nakisali naman si Lance habang si Gwen ay tulog. Si Claire at Dean ay abala sa pakikinig ng kanta. Si Monica naman na mag-isa ay nakatingin lang sa labas ng bintana.

"Bobo naman ng kakampi. Mag-push ka nga," iritadong utos ni Ivan.

Mahina akong natawa at sinunod ang utos niya. Nang malapit na kaming manalo, roon pa namatay lahat ng kakampi namin kasama kami. Nasipa tuloy ni Ivan ung upuan sa harap namin. Nagulat ako nang lumingon sa'min ang naka-upo rito, si Ms. Kyla.

"Ano 'yon, boys? Bakit ang likot?" may inis sa boses nito na nakapagpakaba sa'kin.

"Wala po ma'am. Umunat po kasi ako tapos nasipa 'ko po upuan niyo. Sorry po," pagsisinungaling ni Ivan. Peke siyang ngumiti kay ma'am, biti nga at naniwala ito kaya nakahinga ako ng maluwag. "Uto-uto," natatawang bulong ni Ivan.

Umiling ako at tinigil nalang ang paglalaro. Sayang din ang baterya ng telepono kapag naubos. Walang gagamitin pantanlaw sa dilim. Natulog nalang ako buong biyahe para kapag nakarating ako sa lugar na pagtutuluyan namin, may inerhiya pa ako.

Matagal bago kami makarating sa Gubat ng Ligaya. Madilim, tahimik, at higit sa lahat walang katao-tao. Mabato ang daan kaya halos magpaugtol-ugtol kami sa aming upuan habang pinagmamasdan ang madilim na bahagi ng gubat. Sa totoo lang nakakakilabot pero hindi 'ko nalang pinansin 'yon. Malamang gubat 'to, ganito talaga ang makikita mo lalo na't gabi.

Running From The CurseWhere stories live. Discover now