Chapter 6

78 3 2
                                    

Chapter 6
Pamumuhay

Mark's POV




"Good morning! Tumayo na kayo diyan! May kape sa labas."

Dahan-dahan 'kong minulat ang mga mata 'ko nang marinig 'ko ang pamilyar na boses na 'yon. Tumama sa mata 'ko ang liwanag mula sa labas. Hindi ako makapaniwala na umaga na pala, ang bilis ng oras. Hindi man lang ako nakatulog ng maayos dahil sa kalikutan ng mga katabi 'ko.

Bumangon na 'ko kahit na medyo inaantok pa. Natanaw 'ko sa labas si Claire at Gwen na magkausap kasama si Lance. Ang aga niyangnagising kahit na siya itong kahuli-hulihang natulog.

"Wala namang pasok, huwag niyo 'kong gisingin!" iritadong tugon ni Ivan. Nagtaklob siya ng kumot at nagpagulong-gulong papunta sa dulong parte ng kubo.

Tumayo ako at nag-ayos ng sarili. Pagkalabas na pagkalabas 'ko, dumeretso na muna ako ng banyo para maghilamos at magmumog. Nakita 'ko malapit roon si Monica, nakatayo sa tapat ng ilog na parang may hinahagilap na kung ano.

"Anong ginagawa mo riyan?" nagtataka 'kong tanong.

"Gising ka na pala. May tinitignan lang ako," tipid siyang ngumiti. Hindi parin nawala ang pagtataka 'ko. Good mood yata siya ngayon?

"Nagkape ka na?" tanong 'kong muli sa kanya.

"Hindi pa," umiiling niyang tugon. "Balik na 'ko sa kubo. Magkape ka na, meron doon kay lolo Fidel."

Tumango ako bago tuluyang pumasok sa banyo para gawin ang dapat gawin. Lumabas din ako agad at dumeretso kay lolo Fidel para kumuha ng kape.

"Magandang umaga po," bati 'ko.

"Magandang umaga rin, apo. Gusto mo ng kape?" binaba niya ang hawak niyang tasa at nagsalin ng kape sa panibagong tasa.

"Salamat po," tumango ako nang ibigay niya iyon sa'kin.

"Nasaan ang ibang kasama mo? Tawagin mo na sila. Kung ayaw nila ng kape, mayroong sabaw doon sa kusina. Magpakuha nalang kayo kay Alaiza."

"Sige po," muli akong tumango.

Iniwan 'ko na roon si lolo Fidel at pinuntahan sina ma'am Kyla. Sinabi 'ko sa kanila na pumunta na lamang ng kusina kung gusto mag-agahan. Pagkatapos ay dumeretso na 'ko kay Ivan, nakita 'ko sila roon sa ilog--may kausap na lalaki.

"Mamayang hapon ah? Sasama ako!" iyon ang narinig 'kong sabi ni Ivan nang makalapit ako sa kanila. Humigop ako ng kape habang pinapanood 'yung ginagawa nong lalaki. May hawak siyang pamingwit.

"Sige, isama mo na rin 'yung iba mo pang kaibigan para maraming huli!" ani lalaki.

"Sige lang. Tawagin mo nalang kami mamaya kapag aalis ka na. Huwag mo kaming iiwan ah? Susumbong kita kay lolo Fidel!" pananakot pa ni Ivan. Sinapak naman siya ni Gwen sa ulo dahilan para matawa kaming lahat.

Running From The CurseWhere stories live. Discover now