Chapter 4
VillageMark's POV
Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita 'ko. Hindi ako nagkakamali na may tao sa loob dahil tao lang ang pwedeng gumawa niyan at hindi hayop. Nakakapagtaka lang dahil may mga tao palang naninirahan dito sa gitna ng gubat na 'to.
Napalingon ako kay Monica upang tignan ang kanyang magiging reaksyon. Tumaas din ang kilay niya ngunit katulad ng dati ay wala parin itong emosyon. Nang maglakad siya papalapit doon ay sumunod kami. Tumangala kami sa taas ng gate, mataas ito. Tiyak na mahirap akyatin.
"May tao kaya sa loob?" tanong ni Monica.
"Meron 'yan, tol. Tao lang makakagawa niyan!" sagot ni Ivan. "Galing 'ko talaga 'no? Nahanap 'ko pa ito."
Tinignan siya ni Monica at inirapan. Naglakad naman ako papalapit doon sa gate at sinilip ang loob sa isang maliit na butas. Umawang ang labi 'ko nang may makitang taong naglalakad sa loob. Hindi lang isa, hindi dalawa, kung hindi marami. Para itong maliit na Village, na siguro itinayo nila.
"May tao, marami." sabi 'ko. Sumilip din si Monica sa loob at tumango. Nagulat ako nang kumatok siya rito. "Hindi kaya Delikado 'to?" tanong 'ko sa kanya. Hindi naman kasi namin alam kung mabubuting tao ba ang nasa loob.
"Hindi 'yan. Mukhang mababait naman sila," sagot ni Monica at muling kumatok. "No choice pati tayo. Mas delikado kung sa bus tayo matutulog. Walang maayos na higaan at banyo. Maarte pa naman ang iba roon sa kasama na'tin."
"May punto siya tol," pagsang-ayon ni Ivan. Nakikatok narin siya sa gate.
Napabuntong hininga ako at walang nagawa kung hindi ang kumatok na rin. Sana papasukin kami.
Natigilan kaming tatlo nang bumukas ang gate at may sumilip doong matandang lalaki. Pinagmasdan niya kaming tatlo na para bang may masama siyang gagawin sa'min.
"Sino kayo?" seryoso nitong tanong.
"Monica, Mark at Ivan. Naliligaw ho kami sa gubat na ito kasama ang mga kaklase namin,"sagot ni Monica. Talagang nakipagtitigan siya roon sa matanda.
Tumaas ang kilay nong lalaki, "Naliligaw kayo?"
"Opo," sagot ni Monica. "Pwede po ba kaming makapasok sa loob kung ayos lang. Delikado po kasi kung sa bus kami matutulog. Madilim po at walang maayos na tulugan."
"Nako! Oo naman!" ngumiti ito at pinagbuksan kami. Umawang ang labi 'ko nang makita ang mga tao sa loob. Hindi ako nagkamali ng sinabi kanina, napakarami nga nila. "Nasaan ba ang iba niyong kasama? Dalhin niyo na rito dahil malapit nang magdilim."
"Sige po," ani Monica saka tumango sa'kin.
"Teka lang, isama niyo si Vince," tugon nong matanda kaya natigilan kami. "Vincent! Halika apo."

YOU ARE READING
Running From The Curse
Misterio / SuspensoBook 2 of The Curse of Cursydian University