Chapter 2
SuntokMonica's POV
Friday simula nong nagising busy kami. Sunod-sunod kasi ang naging pasahan ng mga requirements sa mga Prof dahil malapit na ang exam. Ayaw daw nilang sumakit ang ulo kaya paspasan sila. Hindi ba nila naiisip na mas kailangan naming magreview para roon? 'Yan ang hirap sa Prof dito 'e, selfish. Iniisip lang ang sarili nila.
Kagagaling 'ko lang sa Library dahil binalik 'ko roon 'yung mga librong hiniram 'ko nong nakaraan. Hindi 'ko masyadong iniisip ang exam dahil alam 'kong madali lang 'yon. Paulit-ulit ba naman akong nag-review. Mumurahin 'ko nalang si Satanas kapag nakalimutan 'ko pa lahat ng ni-review 'ko nitong week.
Hingal akong tumigil sa tapat nang Bulletin Board nang maaninag 'ko roon ang ilang kaklase 'kong nagkukumpulan. Tila ba may pinagkakaguluhan sila roon. Sa pagtataka, nakisingit ako sa kanila at siyang tinignan ang nakadikit doon. Umawang ang labi 'ko nang makita ang isang poster na may nakalagay na 'Fieldtrip'. Ito siguro 'yung sinasabi ni Mark. Totoo pala, siguro sasali 'yung mga 'yon.
"Ay! May limitasyon ang pwedeng sumali?! Ano 'to? Bawal lahat? Boring naman! Laging boring ang Fieldtrip!" tanong ni Jean, isa sa mga kaklase 'ko. Napakamot siya sa ulo bago napa-iling.
"Boba, paunahan kumuha ng permit sa Faculty ni Ms. Kyla. Mauna tayo para makasali tayong lahat!" tugon naman ng katabi niya.
Tumaas ang kilay 'ko at paulit-ulit na napailing. Kay Ms. Kyla pala kukuha ng permit, Prof namin iyon sa Geography. Medyo close ako roon kaya madali sa'kin ang makakuha ng permit sa kanya.
Kinuha 'ko ang cellphone 'ko sa aking bulsa at kinuhaan ng litrato 'yung poster. Sinend 'ko iyon sa Group chat namin nila Gwen. Kaagad namang na-seen iyon ni Ivan saka nag-send ng like. Napaka talaga nito.
Umirap ako at naglakad paalis doon sa bulletin Board. Pagka-akyat 'ko sa room, sinalubong kaagad ako ni Gwen tungkol doon sa sinend 'kong picture. Naupo muna ako sa aking upuan bago sinagot ang mga katanungan niya. Pati si Dean at Ivan ay nakisali na rin.
"Kay Ms. Kyla kukuha ng form. Bilang lang daw ang pwedeng sumali dahil hindi kaya kung isasama lahat," pagkukwento 'ko sa kanila. Kung isasama nga naman ang lahat, mahihirapan ang mga Prof. Magulo rin kasi ang ibang estudyante rito. Lalo na 'yung mga first year college.
"Kay ms. Kyla? Uy! Malakas ako roon!" ngumisi ng todo si Ivan saka dumikwatro ar naghalumbaba sa desk na inuupuan niya.
"Walang nagtatanong," umirap si Gwen kaya kaagas siyang sinamaan ng tingin ni Ivan. "Kailan daw ang kuhaan? Kailangan makakuha agad tayo! Sayang itong opportunity, minsan lang makakalayas ng walang sermon ni ate."
"Mas mabuti nga na sinesermunan ka! Para kapag binabara mo 'ko, bubungangaan ka niya!" giit ni Ivan.
Napahilamos ako sa mukha 'ko at walang ganang pinagmasdan silang nag-aaway. Tinapik ako ni Dean sa balikat na para bang natatawa sa sitwasyon 'ko ngayon. Imbis kasi na 'yung Fieldtrip ang pag-usapan namin. Napunta pa sa pag-aaway nila.
"Bahala nga kayo," naiirita 'kong sabi saka sila tinalikuran at naghalumbaba sa desk 'ko.
"Ayan! Gago ka kasi," inis na sabi ni Gwen sa kaaway.
"Ako pa may kasalanan? Ulol!" pabalik na tugon ni Ivan sa kanya.
Hindi natuloy ang pag-uusap namin nang dumating ang Prof namin sa Math. Nakinig akong mabuti at pinilit na isulat ang lahat ng kanyang sinasabi sa aking notebook. Nagrecap lang kami ng mga lesson last week at nagpa-quiz siya. Mabilis natapos ang klase kaya tinawagan ni Gwen sina Mark para pag-usapan ang tungkol sa Fieldtrip. Napagpasyahan naming magkita-kita sa Café na nasa tapat lang ng school. Nauna kami roon ni Gwen at Dean, samantalang si Ivan ay sinundo si Lance.

YOU ARE READING
Running From The Curse
Mystery / ThrillerBook 2 of The Curse of Cursydian University