Chapter 5
Kainan
Monica's POV
Mariin akong napapikit nang humampas ang malamig na hangin sa mukha 'ko. Bahagya akong bumuntong hininga at pinagmasdan ang mga taong abala sa paghahanda ng pagkain sa ibabaw ng kawayan na may dahon ng saging. Halos lahat ay abala sa paghahanda para sa hapunan. Hindi ako nakakaramdam ng gutom kahit na hindi ako kumain ng kahit anong pagkain sa bus. Wala lang siguro akong gana.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumasok sa loob ng kubo para tignan sila Gwen na abala sa pag-aayos ng hihigaan namin. Dumeretso ako sa aking mga gamit at kumuha ng pamalit.
"Magbibihis ka na?" napalingon ako kay Dean nang lumapit siya sa'kin. Nilapag niya sa tabi 'ko ang mga nakatiklop na kumot.
"Sasabay ka ba?" tanong 'ko sa kanya. Naglabas ako ng panjama, t-shirt at jacket. Iniwan 'ko muna 'yung jacket sa ibabaw ng bag para dadamputin 'ko nalang mamaya.
"Oo, medyo nalalagkitan na 'ko sa sarili 'ko." aniya at mahinang natawa. Tumango lamang ako at kinuha ang tsinelas 'ko bago naglakad palabas.
"Gwen, iwan na muna kayo rito ah? Magbibihis lang kami ni Dean," paalam 'ko.
Ngumuso siya, "Sasabay na rin ako!"
"Huwag na, mamaya na kayo ni Claire pagkabalik 'ko. Bantayan niyo muna ang mga gamit," giit 'ko. Nakita 'ko ang paghaba ng nguso niya bago tumango. Tipid akong ngumiti saka naglakad palayo kasama si Dean.
"Saan ba ang banyo rito?" tanong sa'kin ni Dean. Yumakap siya sa aking kanang braso dahil sa mga tingin ng mga taong nakakasalubong namin.
"Ewan 'ko rin. Magtanong tayo," sabi 'ko. Tumigil kami saglit upang maghanap ng mapapagtanungan.
"Si Vince iyon 'di ba? Tara!" aniya. Nagulat ako nang bigla niya 'kong higitin sa may braso.
Malapit sa hapag kainan 'yung Vince na tinutukoy niya. Bahagya pa kaming napatakbo dahil medyo malayo kami sa kanya. Talas ng mata ni Dean, nakita agad iyong lalaki na 'yon.
Tumigil kami matapos na makarating sa puwesto ni Vince.
"Vince?" malambing na tugon ni Dean sa kanya. "Magtatanong sana kami, kung ayos lang?"
Bahagya itong ngumiti at tumango, "Ano 'yon?"
"Saan'yung banyo?" inunahan 'ko si Dean. Sa totoo lang naiirita ako dahil ramdam 'ko na malandi itong lalaki na 'to. Asa naman siyang papatulan siya ni Dean. Yari naman siya kay Mark 'e.
Binasa niya ang pang-ibabang labi niya saka tinuro 'yung dalawang kubo malapit sa ilog. May ilaw naman doon kaya kita namin.
"Gusto niyo bang ihatid 'ko kayo?" tanong nito.
Napakamot ako ng ulo at umiling. Sasagot pa sana si Dean pero hinigit 'ko na siya paalis. Simula talaga ng makita 'ko 'yung lalaking iyon, alam 'kong hindi 'ko siya magugustuhan. May nakikita kasi akong iba sa kanya na hindi 'ko maipaliwanag. Naguguluhan pa 'ko sa kanya dahil hindi 'ko pa siya masyadong kilala. Hindi 'ko siya mapagkatiwalaan.
YOU ARE READING
Running From The Curse
Mystery / ThrillerBook 2 of The Curse of Cursydian University
