/26/ Goodnight... Ash

75 7 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX:

Goodnight... Ash


ASH

Basang basa na kaming dalawa habang binabaybay namin ang kahabaan ng trail papunta sa reception. Kasabay naman ng paghampas ng hangin ang lamig na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko'y lalagnatin ako pagkatapos nitong nangyayari sa amin.

Habang tumatakbo kami kanina ay napapaisip ako at nasasariwa ko yung palitan namin ng salita ni Art ilang minuto pa lang ang nakakalipas. Noong tawagin kasi kami noong lalaking nagguide sa amin ay hindi ko na siya nagawang sagutin sa huli niyang itinanong.

Nakarating kaming dalawa ni Art sa kapirasong bubong kung saan kami unang lumapit sa may reception. Sa sobrang lakas ng ulan ay halos lahat ng mga pumunta ay nakisilong muna. Nanghihinayang lang ako sa hawak kong camera ngayon dahil baka nasira 'to o kaya naman hindi na gumana dahil sobrang basa na. Hindi ko naman magawang ipunas sa aking damit dahil mapipiga na rin yung suot ko.

Sa gilid ko naman ang nakatayong si Art. Nakatingala habang sinasalo ng kaniyang mukha ang ampiyas ng ulan. Bagsak ang kaniyang buhok at may halong pag-aalala.

Umupo muna ako sandali upang mapreserba ko ang init sa aking katawan. Sobrang lamig na at hindi ko na makontrol ang aking panginginig. Sinusubukan kong paiinitin man lang ang palad ko ngunit patuloy pa rin ang kilabot na dla ng hangin.

"G-gusto mong magjacket?" narinig ko sa aking gilid, "Gamitin mo muna yung suot ko."

Nagtama ang mata namin ngunit kaagaran naman akong umiwas. Huhubarin na sana niya ang kaniyang makapal na suot na jacket ngunit pinigilan ko na siya.

"H-hi-hindi na."

Matapos kong masabi iyon ay hindi na muli ako nagsalita at tumingin kahit sa kaniyang reaksyon. Naguiguilty lang ako sa tuwing nakikita ko ang mukha niya.

Naghintay pa kami ng halos bente minutos bago humupa nang bahagya ang ulang malakas. Ang tinatayuan namin ay medyo sanaw na at ang lupa ngayon ay napalitan na ng putik.

Bago pa lumakas muli ang ulan ay minabuti na naming maglakad kung nasaan nakaparada ang sasakyan. Nilakad at iniwasan namin ang ilang baha upang hindi masyadong magputik ang paa naming dalawa, nakakahiya naman kasi lalo na't hindi ko naman sasakyan ang papasukin ko ngayong madumi na yung sapatos ko.

Nang nakarating kami sa sasakyan ay ipinagbukas pa niya ako ng pinto habang yakap yakap ko ang aking sarili. Hindi ko maitungtong ang paa ko sa loob kaya natigilan ako ng ilang segundo bago gawin 'yon. Si Art naman, pumunta na sa kaniyang seat nang makita niya akong pumasok na rin sa loob.

Ipinasok na niya ang susi habang ako naman ay abala sa pagaayos ng dala ko. Pinipilit kong buksan yung camera ngunit ayaw talaga. Sinubukan ko na ring tanggalin yung battery sakaling may pumasok na tubig at iyon na nga, ayaw pa rin. Naramdaman ko ang paggalaw ng sasakyan nang paandarin niya ito.

"May extra akong damit sa backseat, Ash. Kuha ka," mahina niyang sinabi bago ko siya makitang naghubad.

Agad namang tumama sa aking paningin ang kaniyang katawan habang itinataas niya ang kaniyang damit. Mas kitang kita ko ang detalye sa katawan niya pati na rin ang nasa tiyan at dibdib niya. Ngayon ko lang napansin na tila ba mas lalong gumanda, or I mean, mas naenhance ang katawan ni Art hindi gaya noon.

Hindi na lamang ako kumibo sa kadahilanang ayaw kong magkaroon pa ng abala sa kaniya. For sure, need ko pang ibalik yung damit na inaalok niya sa akin kaya tinanggihan ko na lang.

A Shift In Time (BXB) (In Time Sequel) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon