/10/ Nakita Din Kita Sa Wakas

161 15 12
                                    

CHAPTER TEN:
Nakita Din Kita Sa Wakas

ASH

Sa ilang araw na battle performance ng lahat ng banda, Screamnote at MCMXCI ang nangunguna sa standings. Noong unang day ng battle, lamang ng dalawang-daang votes ang MCMXCI. Noong pangalawang araw at nang sumunod ay Screamnote naman ang nangunguna.

Naghihintay kami ni Claire sa field ng university dahil mamaya na magsisimula ang huling laban. Sa round naman na ito, sariling compositions naman ang kakantahin nila at ipaplay sa malaking screen ang teaser ng music video na ginawa nila.

Sobrang excited na ako dahil gusto ko nang malaman kung sino ang magchachampion ngayong taon.

"Bie, siya nga pala, uuwi daw si Daddy sa mismong birthday ni Clan," Sinabi niya habang pinapanood namin ang mga naglalaro sa field. "Balak namin sana na bigyan siya ng magandang entrance para mas matuwa si Clan kapag nakita niya si Daddy," paliwanag niya at napapaisip naman ako sa kaniyang sinabi.

"Diba sabi mo mahilig si Clan sa Greek Myth? Try nating pagsuutin ang daddy mo ng outfit na katulad kay Zeus," Sinabi ko at natuwa siya. Ayun nalang ang gagawin namin para naman simple pero punung-puno ng happiness yung party.

"Sige, basta sasamahan mo kami ni Mommy sa pagbili ng mga costumes and decorations, I know matutuwa siya kapag kasama ka," Saad ni Claire at sumang-ayon nalang ako.

Naglakad lakad muna kami sa paligid nang bigla kong maalala yung mga nakita ko noong isang araw. Yung gitara, pati na din yung nakamask na lalaking nagpapatugtog ng keyboard.

Ipinangako ko na sa sarili kong hindi ko ieentertain ang mga bagay na iyon pero lagi padin sumasagi at pumapasok sa isip ko ang mga iyon. Imposible kasing maging totoo yung mga gamit na nakita ko noong nadiagnosed ako na nasa state of coma ako. It is so impossible to happen. I left Art doon then nagising nalang ako sa hospital, and I guess he is just part of my coma imaginations.

"What time yung final battle?" Tanong ni Claire. Napatingin ako sa oras na nasa cellphone ko at eksaktong oras na ng simula ng event.

"Tara na, baka hindi natin masimulan yung event." Saad ko at kinuha ko ang kaniyang kamay.

Habang naglalakad kami ay sumasalubong sa amin ang napakalamig na hangin at nakikita naming nagiging kulay kahel na ang kalangitan. Marahan kaming naglalakad sa buong university nang bigla siyang nagsalita.

"Ash, yung tungkol nga pala sa sasabihin mo noong unang araw ng Battle, ano iyon?" tanong niya at naalala kong hindi ko nga pala nasabi sa kaniya dahil sa mga sumingit noon. Napalunok tuloy ako dahil nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ang totoo o hindi.

"Ahhh, 'yun ba?" saad ko at tumingin siya sa akin para tumango.

"Yung Art?" tanong niya at napakamot ako sa aking ulo. Nagsisisi tuloy ako na na-open up ko pa yung topic tungkol sa aming dalawa ni Art

"Uhmmm, kasi ano..." nauutal kong bigkas, "Siya yung taong nakikita ko noong nacomatose ako," saad ko at nanlaki yung mata ni Claire habang tinatahak namin ang kahabaan ng West Building.

"Pwede pala iyon? So parang gawa gawa lang? Imagination?" tanong niya.

"Parang ganoon, pero para kasi sakin, parang totoong totoo yung nangyari, lahat," Paliwanag ko.

A Shift In Time (BXB) (In Time Sequel) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon