Epilogue

237 18 17
                                    

Epilogue


Arthur


Ramdam ko ang init ng araw na tumatama sa aking mukha. Nakakapagtaka lang dahil nang imulat ko ang aking mga mata, basa ang pisngi't mga mata ko. Agad ko naman itong pinunasan at bumangon mula sa aking higaan.


Nanaginip ba ako kagabi noong tulog ako para magising akong parang lumuluha?


Iginala ko ang aking mga mata sa aking paligid at agaran kong naalala na nandito ako sa kwarto, sa aking kuwarto. Sobrang nahihiwagaan lang ako kasi parang ang tagal ko nang hindi namalagi dito sa loob.


Pakiramdam ko'y sobrang daming nangyari bago ako magising.


Hinawi ko ang aming bintana at bumungad sa akin ang maganda at nakakabighaning tanawin. Kita kita ang simbahan dito at ang ganda ng kakasikat pa lamang na araw.


Sa malapit sa pinto ng aking kuwarto, aking naririnig ang isang kantang tumutugtog at sa aking palagay ay may taong nakikinig sa baba.


Hindi na ako nagtagal dito sa kuwarto dahil inaakit na ako ng amoy ng pagkain na naamoy ko sa labas. Amoy umagahan at matapang na kape.


Habang binabaybay ko ang hagdanan ay mas lalo kong naririnig ang tinig sa kumakantang radyo. Nakita ko rin si nanay na abala sa paghahain sa lamesa habang si tatay naman ay abala sa paglalaro ng crossword sa dyaryong hawak niya.


"Oh, Arthur, gising ka na pala..." wika ni Nanay, "Kain na kayo ng ama mo't lalamig ang pagkain."


Para akong nakaramdam ng lungkot, saya, at hindi maipaliwanag na damdamin nang makita ko sila. Pakiramdam ko'y napakatagal ko silang nakita gayong kagigising ko lang ngayong umaga.


"Mauna na kayo at tatapusin ko pa itong crossword," saad ni Tatay.


"Naku, ay unahin ninyo na muna ang pagkaing narine at mauunahan kayo ng butiki," reklamo ni Nanay, "Tayo'y aalis pa kaya kumain na tayo..."


Walang nagawa si Tatay kun'di umupo na sa tapat ng lamesa habang ako naman ay umupo na rin sa tabi nila.


"Tayo muna'y magpasalamat sa nakahain sa mesa," wika ni Nanay at nanalangin ang lahat.


Habang sabay sabay kaming kumukuha ng pagkain ay naririnig ko silang nagsasalita.


"Arthur, kami ay maagang aalis... May pupuntahan kami ng ama mo, bantayan mo ang bahay at maglinis..."


Agad ko namang nakuha ang kaniyang bilin ngunit parang may naguudyok sa akin na pigilan ko silang umalis ngayong araw.


"Tay, Nanay..." marahan kong sinabi, "Puwede po bang huwag muna kayong umalis ngayong araw?" hiling ko.


"Ay bakit naman anak?"


"Kayo po kasi napili kong iguhit mamaya... Gagamitin ko po sana yung binili nating canvas para magawan ko po kayo ng portrait."


Nagkatinginan silang dalawa ni Tatay at tila nagkakasundo sa kanilang iniisip.


"Gaano ba katagal iyan?" tugon ni Nanay, "Kung kailangan mo naman agad ngayon, hindi na muna kami aalis."


Para akong nabunutan ng tink at tila gumaan ang pakiramdam ko.


Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at pinanghawakan ko na lamang ang sinabi ko sa kanilang iguguhit ko sila.


END


🎉 Tapos mo nang basahin ang A Shift In Time (BXB) (In Time Sequel) (COMPLETED) 🎉
A Shift In Time (BXB) (In Time Sequel) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon