/30/ Watch Out

62 6 0
                                    

CHAPTER THIRTY:

Watch Out


ASH

Nakababa na ako sa sasakyang nasakyan ko at ngayon ay hindi ako makapaniwalang araw na ng isa sa memorable na magaganap kay Clan. Ito na ang araw ng kaarawan niya matapos ang naging preparasyon para dito. Maaga akong nakapunta rito upang makatulong ako sa pagaayos ng decorations at pagseset-up ng mga tables sa bakuran nila, kasabay ng aming pagkukumpuni ng gamit dito ay sunud-sunod na ring dumarami ang tao.

"Bie, yung gamit mo, iakyat mo na lang sa kuwarto ko, doon mo muna ilagay," saad ni Claire nang ako'y makita niyang naghihintay dito sa labas.

Agad ko naman siyang sinunod at inilagay ang gamit sa taas at sa loob ng kuwarto niya.

Unti unti nang nabalot ng ingay ang bakuran nila hanggang sa napuno na rin ang ilang seats na inilatag namin sa labas.

"Hello Kuya Ash!"

Nakita ko si Clan na bumaba sa hagdan habang ako'y nakaupo muna dito sa sofa at tinutulungan si Claire na mag-inflate ng balloons. Nakasuot siya ng mala-greek warrior na costume at may pulang kapa rin, may dalang shield at espada.

"Handa ka na po ba?" maligaya niyang sinabi nang hingal siyang bumaba sa sala.

Sakto naman ang pagtingin ko kay Claire dahil nagiisip kami kung anong tinutukoy na handa ni Clan sa akin. Napapangiti naman kami parehas dahil ramdam namin ang niroroleplay niya ngayon.

"Handa saan?" saad ni Claire.

"Sabi ni Mommy, may darating na malakas na villain kaya maghanda daw tayo!" saad niya, "Anytime po kasi kuya at ate, baka bigla siyang umatake kaya kailangan po nating maging safe..."

Ngumiti na lamang ako sa kaniya dahil nakakatuwa lang na feel na feel niya yung araw niya ngayon.

"Walang aaway sa'tin Clan, birthday mo kaya ngayon," maligaya kong sinabi sa kaniya pero umiling lamang siya nang paulit-ulit.

"No pooooo," mabilis niyang tugon, "kailangan pa rin po nating maghanda dahil baka po may mapahamak sa atin!"

"Ay siya sige na, maghahanda na kami..." natatawang sinabi naman ni Claire, "Bumaba ka na at para makapaglaro na rin kayo ng mga dadating mong pinsan at mga friends mo."

Bigla namang tumakbo si Clan malapit sa sala at para bang may kinuha.

"K-kuya, ingatan mo po si Art!" saad niya at ibinigay niya agad sa akin ang hawak niyang laruan, "Huwag niyo pong hahayaan na makuha po siya ng kalaban!"

Nahinto ako nang bigla siyang tumakbo papalabas. Napatingin naman ako sa ibinigay niya at ito nga si Artemis.

Ilang saglit pa ay natapos na namin ang pagpapalobo ng balloons at ikinalat na kaagad namin ito sa place kung saan uupo si Clan mamaya. May isang platform for the stage. Sabay kaming lumabas sa bahay at nakita ko naman ang isang sasakyan na tumigil sa tapat ng bahay at may ilang taong bumaba. Sa unang tingin ko pa lang ay aninag ko na ang pigura ng kanilang katawan at aking nakilala na kaagad.

"Ayan na pala sila," wika ni Claire nang mapansin ang dumadating.

Unti-unting naging malinaw sa aking kinalalagyan ang mga mukha nila at tama nga ang sinabi ni Claire noon, mga kaibigan ko nga. Dumalo rin sa birthday si Benedict, Andrew, Kyle, at Liberty... Nagexpect pa naman ako na may iba pang darating bukod sa kanilang apat.

"Hiii!" bati ni benedict kay Claire at ganoon rin ang ginawa ng mga kasama, "Nasaan ang birthday boy?"

Ngumiti si Claire sa kanila at ako naman ay nakadungaw pa sa labas at baka sakaling may magpakita.

A Shift In Time (BXB) (In Time Sequel) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon