/9/ Battle Of The Bands

108 13 1
                                    

CHAPTER NINE:
Battle Of The Bands

ASH

Ilang oras na lamang ay magsisimula na Battle Of The Bands. Nagawa naming makapagprepare nitong nakaraang araw kaya naman okay na ang lahat. Ayos na ang stage, ang mga arrangement ng upuan, pati na rin ang mga pailaw sa paligid.

Nakita ko din ang mga tarpaulin na malalaki sa taas at sobrang nakakaexcite tignan.

"Bie, bili tayo sa labas, nagtitinda yung mga freshmen ng iba't ibang pagkain," anyaya ni Claire kaya naman sumama ako.

Tungkol nga pala doon sa nangyari noong isang araw, nagkaayos na kami. Nagsorry na din ako dahil alam kong may nagawa din akong mali at naunawaan ko naman kaagad yung side niya. Ayoko namang maging cause pa iyon para magkatampuhan kami kaya nagkapatawaran na din kaming dalawa.

Nang nakarating kami sa labas ay nakita kong takam na takam si Claire sa mga tinda sa labas ng auditorium.  May mga tindang fries, milktea, at iba pang mga nakakaakit ng sikmura.

"Ano nga palang gusto mo?" Tinanong ni Claire habang ako naman ay kinukuskos ng bahagya ang salamin ko dahil biglang nanlabo gawa ng may iniihaw sa tapat namin. "Isaw? You want?"

Napatingin ako sa kaniya at ikinunot ang noo. Umiling nalang ako sa kaniya at nakita kong pinauna niya ang kaniyang kabi.

"Hindi ako kumakain ng isaw, sorry." Sinabi ko.

"It's okay, hanap nalang tayo ng pwedeng makain," Masaya niyang sinabi at hinila ako. Nagpatianod nalang ako dahil tataob ako kapag hindi ako sumabay sa paglalakad.

Napatigil kamk dito sa tindahan ng fries at kumuha si Claire ng pera galing sa kaniyang wallet. Kumuha na din ako sa akin matapos kong makita ang presyo ng fries.

"Anong flavor ng fries ang gusto mo?" Tanong ni Claire at maligayang pinapanood ang pagluluto ng tindera. Ang cute lang niya tignan at ang gaan gaan lang ng atmosphere kapag kasama siya.

"Barbeque nalang." Matipid kong sinabi at iniabot sa kaniya ang pera ko. Kinuha naman niya at iniabot sa babae.

"Ate, dalawa pong barbeque flavor na fries, salamat po," Sinabi niya at nakita kong may ilan ding nakapila sa aming likuran. Tumabi muna kami at naghintay na maluto ang inorder namin.

Umupo muna kami sa isang bench. Iniinom ni Claire ang kaniyang biniling softdrinks at rinig na rinig ko ang paghigop niya dito. "You want?"

Umiling nalang ako dahil hindi ko type ang softdrinks. I want juice rather than soda.

"Bie, may sasabihin ako sayo," bigkas ko at nakita kong humarap siya sa akin.

Balak ko na sanang sabihin ang tungkol kay Art para naman kahit papaano ay makatakas ako sa iniisip ko. Makakatulong din iyon para mailabas ko yung nasa kalooban ko.

"Ano iyon Bie?" Tanong niya at itinigil niya muna ang pag-inom.

"Yung tungkol kay Art, yung-" Naputol ang aking sasabihin nang ibigay ng babae ang order naming dalawa ni Claire.

"Salamat," Bati ni Claire at kinuha ang dalawang malaking paper cup. Inabot niya sa akin ang isang paper cup at agad naman siyang kumuha ng isang piraso ng fries. "Bie, ito na yung sa 'yo,  dahan dahan medyo mainit pa."

A Shift In Time (BXB) (In Time Sequel) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon