Daryll's POV
Pagkatapos ng nangyari last month si Rhian at Alex super close na di mo aakalain na dati halos di mo sila mapagtabi kahit ilang subject lang na classmate namin si Rhian at tama kayo isang buwan na mula nung hinika si Rhian at si Alex ang nag-dala sa kanya sa clinic. At pagkatapos nun bigla nalang naging close. Di EDI WOW nalang masasabi ko.
Nakakatuwa nga eh kase parehas na nilang binabara ang isa't-isa na dati inis pa si Alex sa kanya pero silang dalawa na ang gumagawa ng mga kalokohan at syempre kamasa ako. Hahahaha, parang dati ganto sila mag-sagutan. Dati nung wala kaming prof kase nasa meeting sila.
*Flashback*
Third Person's POV
"Alex sino kase sabihin mo. Wala namang mawawala kung sasabihin mo eh" sabi ni Rhian kay Alex, gusto kase talagang malaman ni Rhian kung sino ung iniiyakan ni Alex.
" Ang kulit mo naman wala nga lang yun." Sabi ni Alex na sobrang naiirita na dahil sa sobrang pagpupumilit ni Rhian na sabihin ni Alex kung sino ba talaga ang iniiyakan niya.
"Eh bakit ka umiyak kahapon kung wala lang yun? Ha?"
"Kase nagpapractice ako sasali ako sa tyatro gusto kong maging artista" pagpapalusot ni Alex kay Rhian kahit halatang hindi ito totoo
"Hahaha tatlong tawa para sa kasinungalingan mo Alex bahala ka nga kung ayaw mo edi wag" sarkastikong sabi ni Rhian sabay walk-out
"Tignan mo susuko din pala pinatagal pa. Tara na nga Daryll nakakabadtrip." Sabi ni Alex kay Daryll nang may nakabusangot na mukha dahil sa inis niya kay Rhian.
*End of Flashback*
Diba parang ewan lang sila noon naliit na bagay pinapalaki. Eh ngayon ang nangyayare silang dalawa ang di makausap ng maayos tulad kanina di namin malaman ung pinag-uusapan nila.
*Flashback*
Third Person's POV
May pinaguusapang bagay sila Alex at Rhian ng dumating sila Daryll.
"Uy anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Daryll
"Wala!! Hahahahaha" sabay na sabi at tawa nila Alex at Rhian
"Ano kase?" Medyo napalakas na sabi ni Daryll
"WALA NGA" malakas na sabi nadin nila Alex
"Bahala nga kayo" sabi ni Daryll at tumalikod na sila nang biglang tumawa nanaman sila Rhian. Dahil sa inis ni Daryll tuluyan na siyang umalis.
Kaya kase nagtatawanan sila Alex at Rhian dahil sinabi ni Alex kay Rhian ang pinaka embarrassing experience ni Daryll sa Willford Academy at iyun ay ang nautot si Daryll sa kanilang klase at lahat ng kaklase nila ay nagtawanan first year pa sila nun kaya alam din iyun ni Avril.
"Hahahaha laugh trip yun Alex" sabi ni Rhian na hawak na ang kanyang tiyan sa sobrang tawa
"Sabi sayo eh hahaha"
*End of Flashback*
Diba di ko sila maintindihan wala akong kaalam alam sa nangyayare sa paligid nila pagwala ako parang pinalitan na ni Rhian si Avril sa sobrang kakulitan. At feeling ko nakakawala na din si Alex sa pagmamahal niya kay Avril at sana tama ang hinala ko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: sinabi ko lang po dito sa chapter na to kung ano ung pinagkaiba ng dating Alex at Rhian sa ngayong Alex at Rhian. Thank you more chapters pa po sana support niyo padin tong story na to kahit parang walang kwenta.
BINABASA MO ANG
May FOREVER Ba Talaga?
Teen Fiction"May Forever Ba Talaga?" Yan ang lagi kong tanong sa sarili ko. Ikaw gusto mo rin malaman kung may FOREVER talaga pwes basahin mo ang story ko at malalaman mo ang sagot.